Ilang beses pa akong luminga linga sa labas ng bintana. Hindi ko maikalma ang aking sarili. Matinding kaba ang rumaragasa ngayon sa aking dibdib. The feeling of being not good enough is flowing through my veins. Tinignan ko pang muli ang aking suot. Maganda naman ito at maganda naman ang ayos ko ngayon.

Sa malalim na pag-iisip ko ay hindi ko napansing nakarating na pala kami sa school. Hile-hilerang sasakyan ang sunod sunod na pumapasok doon. Now that I look at it, hindi nalalayo ang liwanag sa central building sa palasyo sa mga fairytales at ang mga sasakyan ang nagsisilbing karwahe ng mga dumadalo sa seremonya.

Tumunog ang cellphone ko kaya mabilis ko itong sinagot. Ipinagpaliban ko muna ang pagtingin sa labas. Kasalukuyan pang nakapila ang sasakyan namin habang ang mga nasa unahan ay isa isang lumalabas sa sariling mga sasakyan.

"Oh Max, san ka na ba? Nandito na ako. Malapit na akong bumaba." sinilip kong muli ang labas. Tatlong sasakyan bago kami at makakababa na ako.

("Kaka-baba ko lang. Andito na ako sa gilid. Salubungin kita.")

Gusto ko pa sanang magtanong kung nakita ba nya si Kei ngunit ipinagpaliban ko na ang tanong kong iyon. I'll just find him inside.

Pagkababa ko ng sasakyan ay nakita ko na agad si Maxine na sumalubong sa akin. Naka-suot sya ng pink na gown katulad ng ikinwento nya sa akin. Mas malaki ang buka ng kanyang palda kumpara sa akin. Kumikislap ang kabuuan ng kanyang damit. Balot hanggang sa leeg ang pang-itaas ngunit may kaunting parte roon na nakikitaan pa rin ng balat.

Naka-baba naman ang kinulot nyang buhok ngunit nakatali ang kalahating parte sa itaas. "You're so beautiful, Maxine!" bati ko rito. Hinila nya ako sa gilid para makadaan ang susunod na estudyanteng darating. Naghagikhikan kami habang sya naman ay iniikot ang kanyang sarili para ipakita sa akin ang kabuuan ng kanyang damit. Napalaki pa ang mata ko ng makitang bukas pala ang likod ng kanyang gown.

"Ang ganda diba? Matagal itong ginawa." hinawakan nya ang dalawa kong kamay. Tumango ako sa kanya. Alam ko namang excited sya sa araw na ito kaya hindi nakakapagtakang napaka-ganda nga nya ngayon. "But look at you, one week lang natapos iyang gown mo? Unbelievable!"

Sya naman ngayon ang nagpaikot sa akin. Tumawa lang ako. "This was rushed. Pero maganda pa rin ang kinalabasan."

"Maganda kasi maganda rin yung nagsusuot." wika nya. Ngumuso ako para pagtakpan ang aking pag-ngiti. Bolera.

"Anyway, nasaan si Kei? Kanina pa pala dumating ang date ko. Nandoon sya ngayon sa mga kaibigan nya. Tara pila na tayo." nagsimula na kaming maglakad. Lumingon ako para hagilapin si Kei.

Kada lingon ko sa mga tao ay sya ring lingon nila sa akin. Napapayuko nalang ako agad. Where heck is that guy?! Alam naman nya sigurong ngayon ang Grand Ball diba? "Max, hindi mo ba nakita si Kei dito?" kinakabahang tanong ko. He should be here by now. Malapit na kaming pumasok sa loob. Kailangan ay by partner pa sa pagpasok.

"No. Pero don't worry, 'pag may malakas na tilian, baka si Kei na yun." tumango nalang ako.

Sumama kami sa kumpol ng mga kaibigan ng ka-date ni Max. Nagtatawanan ang lahat habang nakapila sa labas samantalang ako ay parang hindi na maipinta ang mukha sa sobrang pag-aalala.

"All junior students should line up now. The Grand Ball is now starting." sigaw ng isang guro sa harapan. Kanya kanyang pila ang mga estudyante. Hinigit ko si Maxine para mapunta kami sa pinaka-likod.

"Max, wala pa si Kei." I worriedly said.

"Papunta na siguro iyon. Relax ka lang." tumahimik na ako habang ang pila ay unti onti nauupos na parang kandila. Patindi ng patindi rin ang kaba sa dibdib ko. Don't tell me, ako lang ang papasok d'yan nang walang partner?!

I'm going to kill Kei Hendricks if he'll not show up tonight! Sya ang pinili kong date tapos ganto ang gagawin nya sa akin? "Look at your phone, Chlo. Baka nag-text sya sayo." bulong ni Maxine sa aking harap. Kahit ang partner nya ay mukhang nagwo-worry na rin para sa akin.

Kinuha ko ang cellphone sa aking purse. No text message. No missed calls. No whatsover! "Max, wala pa rin, e!" I bite my lip out of frustration. Halos limang tao nalang at ako na ang papasok. Sa likod ko ay mga senior students na. Nangingilid na ang luha ko but I didn't let my composure down. Taas noo pa rin akong nakatingin sa harap.

"Chloris, kami na yung papasok. Gusto mo sayo nalang tong si Rey?" itinulak sa akin ni Maxine ang kanyang partner na hindi ko talaga alam kung saan nya napulot in the first place.

"Hindi na, Max. Okay lang ako." huminga ako ng malalim ng pumasok na sa loob si Maxine at ang kanyang partner. Sinilip ko sa malaking kurtina ang paglalakad nila sa gitna ng iba pang mga estudyante.

Nang ako na ang papasok ay biglang may humawak sa kamay ko. Nagulat nalang ako ng maglakad ito papasok. Halos matapilok pa ako dahil imbis na sa harap ako tumingin sa ay kanyang mukha ako nakatitig. "Sorry for being late." mahina nyang bulong sa gitna ng paglalakad namin.

Ilang kuyumos sa aking damit ang nagawa ko habang tinitignan ko kung gaano ka-ganda ang pagkakahulma ng kanyang suit sa kanyang katawan.

His hair is clean. Bagong gupit ang gilid kaya lalo itong nag-mukhang presko sa kanyang ayos. His suit is as blue as the depths of the ocean. It seems like what he's wearing right now is made to fit mine.

Dinaluhan agad ako ng kaba ng tinignan nya ako at ngumiti. I shouldn't feel too mesmerize with his look. It's given that when you're a Hendricks, your face is an equivalent of the likes of Gods. Isinarado ko ang naka-awang ko nang bibig at diretsong tumingin sa harap. C'mon, Chloris, kagabi mo pa pinaghandaan ang araw na 'to. Chin up and be confident. Huwag mong ipahalata na masyado nyang naagaw ang pansin mo.

I compliment him too much tonight. Dapat ay galit ako sa kanya dahil na-late sya! "A-akala ko ay hindi ka na makakarating. Nakakainis ka!" bungad ko ng huminto kami ng lakad ngunit imbis na sagutin ay tinignan ako nito simula ulo hanggang paa.

Halos panliitan ako sa kanyang tingin. Para nitong hinuhuli ang mga bagay sa akin na hindi nya nagugustuhan. I always feel uneasy when he does these kind of things lalo pa't seryosong seryoso ang kanyang mukha.

"Kung ibang babae ang partner ko at hindi ikaw ay hindi talaga ako pupunta." ngumisi sya sa akin. Napaiwas ako ng tingin. Kailan pa sya natutong ngumisi ng ganoon? Dati ay nahihiya pa syang ngumiti at tinatakpan ang mukha nya, ngayon ay ngini-ngisian nalang nya ako?

"May it be me or not, dapat ay hindi mo pinaghihintay ang isang babae." sermon ko sa kanya.

"That's why I'm sorry. May nagturo lang sa akin kung paano ka babantayan ngayong gabi kaya ako natagalan." sinabi nya iyon ng kaswal lang sabay pisil sa aking kamay. Babawiin ko na sana ang kamay ko ngunit mahigpit ang kanyang hawak.

"At sino naman iyon?" nakibit balikat ito sa aking tanong. "Just don't do that again." dugtong ko pa. Nakita ko si Maxine sa kabilang panig at nginitian ako ng malaki.

Kakaway sana ako pabalik sa kanya ng biglang hapitin ni Kei ang aking baywang. "First, I should hold you like this to let them know that you're not going anywhere beyond my reach." muntikan akong masubsob sa kanyang dibdib. Napakalapit ng mukha namin sa isa't-isa at lalo pa nyang nililiitan ang agwat noon.

"Who the hell taught you these?" tanong ko sa diretsong mukha. Kaya pala kanina ko pa napapansin na parang may nag-iba sa kanya. It's not the look, it's his actions. Ibang iba.

He just gave me a wicked smile. I am not liking this.

Killing Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now