Chapter 37: Twice Broken

42K 587 52
                                    

Chapter 37: Twice Broken

***

/LINDSAY'S PERSPECTIVE

Coach already assigned teammates na na lalaban sa bawat school. Fortunately nagawan ko ng paraan yung sa pairings na plano ni coach dati, yung kay Nathan. Buti na lang! Mamaya na ang first competition ng bawat sport. Pangatlo ang pair namin, so sa Wednesday pa kami. Everyday kasi ang ginawa, para naman daw may support ang bawat school sa bawat game.

"Excuse me, nakita nyo po ba si Nathan?" tanong ng isang babaeng studyante ng school na ito sa akin.

"No." maikli kong sagot. I have no time to befriend with these people, if that's their intention, I'll pass.

"Sa school nyo rin po sya, right?" tanong naman ulit ng isa pang babae.

"Yeah." Dang! I can't focus sa game. Yes, it's already on-going.

"Pwedi nyo po ba syang hanapin? Idol po kasi namin sya eh."

Hay! Ang kukulit naman! Di na naman sila mga bata. They're already high school by the looks of it, pero yung ugali eh. Kairita!

Pasagot na sana ako ng hindi nang nag time-out muna ang game. Di ko alam kung bakit, and I don't care.

"Uy nag-time out yung game!" sabi nung babae sa napakarami nyang kasama. Yeah. Ang dami nilang nakapalibot sakin at nakakainis lang! "Ate gusto nyo po magkwentuhan muna tayo habang hinihintay si idol Nathan?"

Ugh. "No, I'll find him for you."

Tsaka naman umalis na ako. Tutal marami na namang supporters ang school namin, ayos na. Uuwi na ako. Bahala na sila dun. I'm taking no one's favor.

"Lindsaaay!"

And look who's calling? Tss.

"Oh?" tumigil ako sa paglalakad at tsaka tumingin sa kanya.

"Nandito ka pala. Hehe."

Nonsense! Tsk. "Duh." tsaka ko naman pinagpatuloy ang paglalakad ko. Uuwi na talaga ako, naiinis ako!

"Wait! San ka pupunta?" hinawakan nya balikat ko para pigilan ako sa paglakad.

"Uuwi na ako." lumakad ulit ako.

"Tara sabay na tayo."

Tumigil na naman ako at tumingin sa kanya. "Look! Kung gusto mong umuwi, edi umuwi ka na. Basta wag kang sasabay sa'kin."

Lumakad na naman ako at napahinto ulit. May nakalimutang sabihin.

"And by the way, may naghahanap sayong mga babae. Baka gusto mong makipagflirt na sa kanila?" I smirked. "Have fun!"

Dumiretso na ako sa parking lot at sumakay. Hindi ako kaagad nakaalis. Parang nanlamig kasi buong katawan ko. Ngayon ko lang narealize yung sinabi ko kay Nathan.

By the window, nakita kong sumakay na sya sa kotse nila at umalis na agad. Parang nasaktan ako ulit. Whatever, it's my fault anyway.

The rain fell.

***

***TUESDAY

Second day ng game ngayon. Pero di ako makakapunta, di ko alam kung anong nangyari sakin at nagkasakit. Delayed reaction ng katawan sa intense training? Tss. Ayos ha!

May nagtext.

Alyna 

Dka pu2nta sa nxt game? Txt me up, if ever ssunod ka.

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now