Chapter 37: Twice Broken

Começar do início
                                    

Me 

Nah. Smakit ulo ko. Nd tom's my game nmn sa school eh. I'll be fine here.

Alyna 

Kay. Rest now, mss gorgeous! ;)

At nagpahinga naman ako. Before sleeping, inayos ko na muna yung gagamitin ko for tomorrow. Ang sakit talaga na ng ulo ko kaya natulog na rin ako kaagad.

***Next day; WEDNESDAY

This is it. My game. My head still hurts a bit, but it's tolerable. Nagpahatid na lang ako sa driver namin sa school, sabay sabay daw kasi kami nila coach pupunta sa Jentherson All Boys School.

Ooh, many fishes there. Eww.

Nang makarating na ako sa school, parang umiikot paligid ko. Ay ewan. But I'm still going to continue, sayang ang effort.

"Ready team?" intense na tanong ni coach.

Sumagot naman kami. Nandito pa rin kami sa school. Lagi naman siyang may little pep-talk before the game eh. Nung tapos na, diretso na sila sa school bus. Nagpaiwan ako sandali kasi nahilo ako nang sobra. Umupo muna ako sa bench.

"Okay ka lang?"

Si Nathan.

"Yeah."

"Bakit di ka pa sumasakay?"

"Paki mo ba?!" natarayan ko na naman siya.

"May pakielam ako. Baka kasi di ka okay tapus pupunta ka sa game."

"Tsk." Nahihilo pa rin ako.

"Saang school kayo?"

Great, di nya nga pala alam. Paabsent absent pa kasing nalalaman eh. Psh.

"Jentherson." maikli ko na namang sagot habang hinihimas ang noo ko.

"JENTHERSON?!" napasigaw sya.

"Oh? Makasigaw naman to." calm ko namang sabi.

"Bakit doon ka naiassign?! Diba school for boys only yun?!"

I smirked. "I know." But the truth is, this assignment svcks.

"Hindi pwedi yan! Magpapalit tayo! Ako lalaban ngayon! Kakausapin ko si coach."

Tatayo na sana siya paalis, pero pinigilan ko muna.

"What are you thinking?! This one's mine. Don't make a crime. Ugh."

"Boys' school yun, Lindsay!"

"So?"

"At babae ka!"

"Would you stop that?! Bakit mo ba ako pinagtataasan ng boses ha?"

"Because I care!"

"Care ka dyan! Ano bang karapatan mo?! Bakit, ayaw mo akong papuntahin sa game?! Gusto mo ikaw ba lang lagi ang magaling? Well guess what?! Hindi na ngayon!"

"Wala akong sinabing ganyan!"

"But that's what you're trying to say, right?! Mean it!" I glared at him.

"Hindi. Kahit sayo na lahat, basta wag ka lang dyan sa school na yan. Please?" tumungo siya at biglang lumuhod.

Gusto ko siyang itayo, pero di ko kaya. Nahihilo ako at malaki siya. Tiningnan ko na lang siya, instead.

"No." last ko na yang word na sinabi bago tumayo at lumakad palayo.

Bago ako makaalis sa pool area, nagsalita ulit si Nathan.

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionOnde as histórias ganham vida. Descobre agora