"Bastos! Mahal kita pero hindi ko isusuko ang bataan ko sayo! Aba! Pakasalan mo muna ko! Manyakis ka!" Galit na sabi nito habang pinapalo sya. Nanlaki ang mga mata nya ng ma-realize kung ano ang sinasabi nito.

"Hoy! Tumigil ka nga! Masakit kang mang-hampas ha!" Pigil nya rito.

"Dapat lang masaktan ka! Bastos!" Inis na sabi nito.

"Ikaw ang bastos! Kung anu-anong iniisip mo. Hindi naman yun ang ibig kong sabihin!" Sabi nya rito. Tumigil ito kakahampas sa kanya at tinignan sya.

"Ay. Pasensya naman. Ano ba yun?" Naka-peace sign pa na sabi nito. Hindi nya tuloy alam kung matatawa o maiinis dito. Umiiling na kinuha nya ang isang attache case sa tabi nya. Diretsong tumingin sya rito at binuksan ang laman ng attache case. Napasinghap si Dalisay at nagtakip ng bibig. Dahan-dahang namuo ang luha sa sulok ng mata nito. Sa loob ng attache case ay puno ng tig-iisang libong pera. At sa ibabaw ng perang iyon ay ang singsing na pinili pa ni Gabriella. Kinuha nya iyon at lumuhod sa harap ni Dalisay.

"I did it your way, Dalisay. Siguro naman alam mo na kung anong itatanong ko? I'm kind of hoping that you will say yes..." Sunud-sunod ang pagpatak ng luha nito. Kahit sya ay naiiyak na rin. They are both imperfect person, but they are perfect for each other.

"...Will you marry me, Dalisay Hampaslupa?" Nangangatog ang tuhod na tanong nya rito. Kahit umiiyak ay nakita nya pa rin ang pag-ngiti nito. Niyakap sya nito ng mahigpit at umiyak.

"Yes! Yes! Yes! Syempre naman papakasalan kita, Gabriel. Pinakaba mo ko dun. Kala ko gusto mong dungisan ang dangal ko." Naiiyak na sabi nito. Nagpunas sya ng luha nya. Natatawang niyakap nya rin ito ng mahigpit bago hinawakan ang mukha nito. Pinunasan nya ang mga luha nito. They are both smiling like an idiot. Isinuot nya rito ang sing-sing. Parehas nilang pinagmasdan iyon.

"I love you, Dalisay." Malambing na sabi nya rito. Hinawakan nito ang mukha nya at hinalikan sya. Napangiti sya pagtapos ng halik. He likes it when she initiates the kiss.

"Mahal din kita, Gabriel." Sagot nito sa kanya. Nagkangitian lang sila.

"Since hindi pa naman tapos ang araw, may gusto ka pa bang gawin?" Tanong nya rito. Kumislap ang mga mata nito. Mukhang may ideya na sya sa kung ano ang tumatakbo sa isip nito.

"Bilangin natin kung magkano yung mga pera sa attache case."

Sabi na nga ba nya. Nakangiting tinanguan nya na lang ito. Her wish is his command.






-----







Bored na bored na sya ng araw na yon. May date si Chance at Gabriella. May inasikaso naman sa shop si Dalisay. Dumampot sya ng stick at ibinato.

He's been engaged to Dalisay for 5 months now. Next year na ang kasal nila. Medyo naging busy nga lang sila pareho dahil parehas din silang nag-aaral. Buti na lang at maraming gustong tulungan sila sa pag-aasikaso sa kasal. Masaya sya dahil atleast, naunahan nya pa ring magpakasal si Gabriella.

Dumampot ulit sya ng stick at ibinato palayo.

Mohohohow.

Tila pamilyar na tunog na rinig nya. Nilingon nya ang pinanggalingan ng tunog at nanlaki ang mata nya sa nakita. Ang puting kabayong humabol sa kanya noon, na mukhang hahabulin na naman sya ngayon base sa pagtitig nito sa kanya. Nakita nya ang stick na ibinato nya sa paanan nito. Napalunok sya.

Mohohohow.

Napaatras sya ng umabante ito. Walang pag-aalinlangan na tumalikod sya at kumaripas ng takbo.

"Hinding-hindi na ulit ako maghahagis ng stick!" Sigaw nya habang tumatakbo.

Mohohohow.

Napansin nyang malapit na sya sa bakod. Malapit na syang tumalon ng may mapansing naglalakad na pamilyar na babae.

"Tabi!" Sigaw nya ng malapit na sya rito. Napatingin ito sa kanya at nanlaki ang mga matang natulala ng makita ang puting kabayo sa likuran nya. Agad syang tumalon sa bakod. Tinamaan nya ang babae at sabay silang natumba sa daan. Nilingon nya kaagad ang kabayo. Katulad dati ay hindi na ito tumalon sa bakod.

"Tanga ka ba?!" Narinig nyang sinabi ng babae. Agad nyang nilingon ito. Nasa ilalim nya ito at inis na nakatingin sa kanya. Nginisian nya na lang ito at ninakawan ng halik.

"Parang nangyari na to?" Natatawang sabi nya rito. Natawa na lang rin ito. He look straight into her eyes.

"I love you."

"I love you too."









- The End -





-----




Thankyou for reading my story. Salamat po.



Follows, votes, and comments are highly appreciated. Thankyou.

The Not So Charming Prince (completed)Where stories live. Discover now