"Naku, it's okay, hija. Girlfriend ka naman ni Lance." Tapos ay umalis na ito.

"See, bestfriend? Okay lang, girlfriend ka naman kasi ni Lance eh." Kinaladkad ako papunta sa hagdanan ni Alice. Hanggang sa paakyat ng hagdan at hanggang sa makarating kami sa kwarto ni Lance ay naghihilahan pa kami.

---

KC's POV

"Alice, wai---"

Pero huli na ang lahat dahil nakakatok na siya at tumakbo pababa ng hagdan. Pwede bang sa next chapter ay alisin niyo muna sa landas ko si Alice? Wahaha, joke. Pero kasi nakakahiya talaga kay Lance. Hindi ko nga alam kung tanggap niya akong girlfriend niya. Ako 'tong basta-basta nalang nanggulo sa payapang buhay niya with Stacey.

Nakatayo lang ako sa harap ng pinto ni Lance.

Ano bang gagawin ko? Kakatok ba ako ulit o bababa nalang?

Tatalikod na sana ako ng biglang mag-click yung doorknob. So, ano, papasok na ko? Mukha naman ganun, tinamad lang siguro si Lance buksan yung pinto. -_-

Pagpasok ko sa kwarto niya ay naabutan ko si Lance na naglalaro ng XBOX at nakaupo sa sofa. Wait, may sofa si Lance sa kwarto niya?

"HOY LANCE! Akala ko ba may sakit ka?" Sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinapansin. Abnormal talaga. Naglakad ako papasok at sinara yung pinto. Naupo ako sa gilid ng kama niya. In fairness, malaki yung kwarto niya. Doble sa laki ng kwarto ko. Okay. Siya na mayaman.

Mukhang wala talagang balak kausapin ako nitong ni Lance.

LIGHT BULB!

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama niya at tumabi sa sofa kung saan busy na busy siya sa paglalaro ng... GRAND THEFT AUTO V?! Wow, akalain niyo, ang isang LANCE GO, naglalaro ng GTA V?!

"Lance..." 

*Sundot* *Sundot*

Okay, NR!

"Lance!"

"What?" Angil niya sa akin. Uh-oh, medyo nainis na siya sa'kin.

"Bakit di ka pumasok?"

Hindi pa rin niya inaalis ang paningin niya sa nilalaro. "Don't wanna." Simpleng sagot niya.

"Ang dami mo kayang namiss!"

Nag-kibit balikat lang siya.

Hay! Wala talaga akong mapapala sa lalaking 'to. Frustrated na tumayo ako mula sa sofa at nilibot ang kwwarto niya. Wahaha, oo, nilibot talaga. Sa laki ba naman nito eh. =)))))

Nakuha ang atensyon ko ng bookshelf ni Lance sa kabilang dulo ng kwarto niya. So, bookish pala talaga si Lance. No wonder. Kaya pala sobrang talino niya. *O* Lumapit ako sa bookshelf. Tiningnan ko yung mga books na nakaayos.

"Lance, ikaw nag-aayos ng bookshelf mo?"

"Obviously."

Hmph! Sungit. Sobrang OC talaga niya. Daig pa niya ako. -_-

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora