Chapter 27- The Engagement

261 4 0
                                    

October 26, 2013

HI~ <3 I'm officially back from the grave HAHAHA! :) Will be updating this regulary. Today's the start of our sembreak. I'm happy that I can update all my stories. It's good to be BACK. ^,^

 NEW Cover~! ^_^

--------------------------------------------------------------------


Chapter 27- The Engagement


*Erica's Point of View*


"Oo dad. Pupunta ako.. Oo hindi mo na kailangan ipaalala.... Kasama kong si Kevin.. Sige, bye appa."

Ang kulit-kulit ni appa.. Bat ganun?!


Kasi naman eh :/ Kailangan ko pa pumunta sa party na yun.


Sabi kasi ni dad na magbebenefit ang kompanya namin kapag raw uhmmm.. Ano ba yung tawag dun? Leche nakalimutan ko yung word..


Uhmm.. Ano yata, kapag naging isa ito sa client namin? Ah ewan, hindi ko rin naman kasi maintindihan si appa.


Bahala sila puro na lang trabaho inaatupag nila.


Kainissss!! >.<


"Oh kapatid, high blood ka nanaman." Sabi sa akin ni Erin nang buksan niya yung pinto ng kwarto ko.


"Medyo lang.. Kasi naman nakakasawa nang utus-utusan ako lagi ni dad."


"Masanay ka na unni, diba nga ikaw ang mag-iinherit ng kompanya? Kaya dapat masanay ka na sa pagiging bossy ni appa, next time naman kapag ikaw na yung CEO. Ikaw naman yung magsungit. Bawi-bawi lang yan."



Sabagay may punto si Erin. Pero uhh.. Maski na.. Parang napitlitan lang rin kasi ako kay appa eh. Sa totoo lang kasi ayokong maging heiress ni appa.



Gusto ko na lang itong ibigay kay Erin. Kung sabagay pwede pa nga siyang makipag merge sa company nila Kurt, yun ang mangyayari kung magpapakasal sila.



*beep* *beep*




Nasa taas man kami ni Erica pero rinig na rinig ko ang busina ng kotse.


Siguradong si Kevin na yun.



"Oh unni, andyan na si Kevin oppa. Sige na baka malate pa kayo." Sabi ni Erin sa akin.


Tinignan ko yung wall clock ko at nakitang 7:00 pm na.



I think the party starts at 8pm.



Actually hindi ko nga alam kung kaninong party ba yun.

Basta sabi ni appa na pumunta ako dahil kung hindi malalagot ako sa kanya.




"Hey pretty, ano ayos ka na? Wala nang naiwan or anything?" Bungad aa akin ni Kevin habang pababa ako ng hagdanan.




"Wala na.. Ano? Let's go?" Ngiti ko sa kanya.


Ayoko kasing makita niyang ayokong pumunta ng party or ayaw ko siyang makasama.



Kevin was still with me for the past two years and hell, sinong hindi magtataka na baka isang araw.. Magising na lang akong mahal ko na pala siya..




Kasi yun nga ang problema eh, hindi pa dumadating yung araw na iyon.



I don't want to make a wrong move. Kaya hindi ko pa siya sinasagot about last time na tanungin niya ako about the husband and wife thing.



Ayokong magkamali sa sasabihin ko.


I don't want to hurt him.


Mas lalong ayokong magkamali sa actions ko pati na rin sa desisyon ko.


Dahil isang pagkakamali lang, siguradong apektado lahat.





"Oh, tulala ka dyan Erica.. Malapit na tayo sa venue.." Sabi niya sa akin habang nagmamaneho pa rin.


Napatingin ako sa clock sa kotse niya. It's 7:38pm


38 minutes na pala kaming nasa byahe at 38 minutes na rin akong nag-iisip.


Malapit lang naman rin ang venue kaya mabilis lang namin yun napuntahan.


"We're here!" Pinark na niya yung kotse.



*Krystal Palace*


Yun ang nakalagay sa karatula sa labas ng venue.



Malaki ito at mukhang occupied lahat ng places.



"Welcome, sir and ma'am." Bati ng isang manager sa amin.


Nalaman ko lang yun dahil sa nakalagay na manager aa uniform nito.



Naglakad na kami papasok.


Marami namg tao.


Nagsisitawanan.

Yung iba naman tahimik lang habang hingintay yung main event.


Mga ilang minuto lang magsisimula na yung event kaya naman naghanap na kami ng mauupuan ni Kevin.


May nakalagay kasing reserved doon at may pangalan naming dalawa.


Ang nakapagtatala lang ay nakita ko rin yung pangalan ni Kurt.



Ewan ko pero sigurado akong Kurt yun nakalagay dun.


"Sige Miyu. Mag-ayos ka lang muna.. 5 minutes magstart na yung event." Napalingon ako nang marecognize ko yung boses.


Kung hindi ako nagkakamali...



Napatingin rin siya sa akin..



"E-erica!" At nilapitan niya ako..



"Oh Kurt bat nandito ka rin?" Tanong ko sa kanya.


Ewan pero I think he is feeling uneasy nung nakita niya ako.


"Uhmm.. Diba dapat ikaw yung tinatanong ko? Engagement party to ni Miyu, yung pinsan ko." Sabi niya sa akin..

Napatingin naman siya kay Kevin at tumango..


Tapos bumalik ulit sa akin yung tingin niya.



"Ahh... Eh kasi pinapunta kami dito ni appa.. About business, wait Sagara siya diba?" Nakapagtataka nga eh kasi may nakalagay sa invitation na surname na Rosqueta at Sagara.


Psh~! Rosqueta.

"Ah oo, p-pero.. Ibig sabihin kompanya niyo?" Pagtatanong niya pabalik.


"Oo.. Yun ang gusto ni appa eh. Wala akong maggawa. Strikto kasi siya kapag company na pinaguusapan namin. Masyado kasi siyang BATAS." Inemphasize ko talaga yung batas XD



"Magkakatabi pala ta--" napatigil siya sa pagsasalita nang may napansin siya sa isa pang upuan.




"Lawrence?" Yun yung nakalagay na pangalan sa upuan na katabi ng kay Miyu.



Hindi kaya......



"Good eveing to all of you.. May I call the attention of everyone." Napalingon naman ako sa MC na nagsasalita sa harapan.



"May I introduce to you, Miyuki Sagara." Narinig ko nanaman ang pangalan na yun.. Pangalan ng pinsan ni Kurt.


Nagpalakpakan na yung mga tao..


Naglakad na siya pababa ng hagdanan, kumabaga parang entrance niya..




Pero sa baba ng hagdanan may nakita akong isang familiar na mukha.



Isang pamilyar na tao.





Ang lalaking hindi ko kayang makalimutan.



"Lawrence?" Napansin kong napatingin sa akin si Kevin nang sabihin ko ang pangalan ni Lawrence.




Napatingin naman ako kay Kurt pero nakakunot rin yung noo nito.


Hindi ko ba alam kung matagal na niyang alam o ngayon niya lang nalaman.



Na ang boyfriend ng pinsan niya ay yung lalaking nang-iwan sa akin.





"Gusto mo na ba umuwi? Tell me." Narinig kong bulong ni Kevin sa kaliwang tenga ko.



Minsan ko na rin kasing nakwento sa kanya ang tungkol kay Lawrence.




Alam niya na rin ang buong storya namin dalawa.


Halos dalawang taon na ang lumipas pero bakit ganito?



"No, we will stay." Matapang na sagot ko sa kanya.



--------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Gawa na ang Chapter 28, pakihintay na lang po ^_^ <3 

VOTE and COMMENT ^,^ 

~Your Date Mate <3

Innocent SheWhere stories live. Discover now