Chapter 1- Gone

1.5K 18 1
                                    

Chapter One- Gone

"Pinaasa mo ako. Akala ko lahat ng sinabi mo totoo!"

"Erica ano ka ba! Hindi ako nagsinungaling sayo. Let me explain!"

"No, It's over. Tapos na tayo. I don't want to see your face again."

pagkasabi ko nang mga salitang yun ay tumakbo na lamang ako.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko..

Pero ang alam ko lang ngayon na sa kalsada na ako.. Patawid..

Nang biglang...

"Miss! Miss! Huwag po kayo tumawid!"

"Ale! Naka-Go na po! Baka masagasaan kayo!"

pero pagkalingon ko sa kanila.

Huli na pala ang lahat...

Isang malakas sa pagbagsak na lamang ang narinig ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*ring* *ring*

"Hello?"

"Yes, hello. Is this Erin? Erin Cleo?"

"Uh, yes. Bakit? Sino po ito?"

"I'm Kurt, do you remember me? I'm your sister's bestfriend. She's in the hospital right now."

"Si unni?! What? Ano ang nangyari sa kanya?"

"Naaksidente siya Erin, hindi pa rin siya nagigising pero hindi na critical ang kondisyon niya."

"Ok, I'll be there."

Binaba ko na yung telephone at agad pinatawag yung driver para ihatid ako sa hospital kung nasaan si ate..

Pagkadating ko doon, may lalaking naka-upo sa tabi ni ate. May itsura siya at halata rin sa suot niyang may kaya siya sa buhay..

Pagkatingin niya sa akin..

Si Kurt pala, ang bestfriend ng kapatid ko..

"Ano kamusta na si Erica unni?"

"Hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon eh."

"Ano ba talaga ang nangyari?"

"Ako ang nakasagasa sa ate mo, Erin. I'm sorry, bigla kase siyang tumawid eh. Hindi na rin ako nakapreno agad."

"Hinihintay kong magising siya dahil gusto kong magsorry sa kanya, gusto ko rin malaman kung bakit siya umiiyak nang tumawid siya." malungkot ang mukha ni kuya Kurt habang sinasabi niya sa akin ang mga salitang yun..

"Umiiyak siya?" napa-isip rin ako kung bakit umiiyak si ate..

Mukhang nagulat rin siya sa pangyayari kaya naman nag-isip ako nang paraan para naman hindi na siya ganun ma-trauma sa nangyari..

"Ay oo nga pala, ngayon lang ulit tayo nagkita diba? Maski pareho tayo ng pinapasukan na school?" sabi ko sa kanya.

"Ah oo ngayon lang ulit. Lalo ka pang gumanda Erin. Humaba na rin ang buhok mong maiksi dati."

"Ahahaha, asus. Ikaw nga mas gumwapo eh... Niligawan mo ang ate ko diba?"

oo tama first love ko siya. Pero nang nalaman kong may gusto pala siya sa ate ko, nawala na ang komunikasyon namin sa isa't isa.

Siguro natakot rin ako sa magiging reaksyon niya kapag sinabi ko ang nararamdaman ko.

"Ah oo eh kaso, hindi niya ako sinagot. Sayang.." Napa-simangot rin ako dahil mukha talagang nasaktan siya..

"Graduating ka na diba? 4th year HS?" tanong niya.

"Oo, buti pa kayo ni ate 2nd Year college na~ tsk."

"Hahahaha. Dadating ka rin diyan."

Napansin kong parang gumalaw yung kamay ni unni, kaya naman nilapitan ko siya para makumpirma ito.

Nagulat ako dahil tama nga ako! Mukhang magigising na si unni!!

Tumayo na rin si Kurt para lapitan siya.

"Unni! Ate~! Ano pakiramdam mo? Ok ka na ba?" nakangiti ako sa kanya habang sinasabi to at napakahyper ko pa.

pero nagulat ako sa sinabi niya sa amin ni Kurt..

"Sino kayo?"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Erica's Point of View

"Sino kayo?" may dalawang taong nasa harap ko ngayon. pero sino sila?

Bat ako nandito sa hospital?

"Wehhh si ate andrama~ Ano to pelikula?" sabi nung babae sa akin.

Tinawag rin niya akong ate? Sino siya?

Tinitigan ko lang silang dalawa na may doubt sa mukha..

mukhang nakita naman nilang wala talaga akong idea kaya..

"Ate, ako to si Erin. Erin Cleo Choi, kapatid mo ako." sabi nung babae

"Ako naman si Kurt Collin Enrique, bestfriend mo~ Tsaka sorry Erica ako kase yung nakabangga sayo." sabi naman nung lalaki.

bestfriend ko siya? ampoging bestfriend naman niyan~

[Ano ba yan nagkaamnesia na nga landi parin]

Haha sorry! pogi eh! :D

Kaya pala ako nandito. Naaksidente pala ako..

P-pero biglang sumakit ang ulo ko at..

*Flashback*

"You LIAR! nakita kong may kasama kang ibang babae. Kahalikan mo pa! Ang LANDI MO!"

sinasabi ko ito sa isang lalaking hindi ko makita ang mukha, medyo blurred eh.

"No Erica, let me explain. Please." mahinahon lang nagsasalita ang lalaki. pero yung mukha niya. hindi ko makita. Sino siya?

"No explanations. It's over. tapos na tayo. I don't want to see your face again." I said to him coldly.

After that tumakbo na lang ako, pero bilang..

"BOOGGSHHH*

*End of Flashback*

Sino yung lalaki?

Bat ko siya iniiyakan?

Innocent Sheحيث تعيش القصص. اكتشف الآن