Chapter 4- Meeting Them [Part 2]

636 9 3
  • Dedicated kay Lourdes Rosal
                                    

Chapter Four- Meeting Them (part 2)

*Erica's Point of View*

Dumating na sila Mommy~

Excited na akong umuwi sa amin..

Malaki kaya bahay namin?

Mukha kasing mayaman kami eh.

"Ate!" tinawag ako ni Erin.

"Oh ano ate ayos na ba mga gamit mo? Tinatawag na tayo nila mommy." dagdag pa niya.

"Ah oo, ok na. Halika na. Puntahan na natin sila Mommy."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Oh! Sakay na! Ang daddy niyo magdadrive." sabi ni mommy.

WOW! Van! Bongga!

"Okay po." sabay namin sinabi ni Erin.

"Buti na lang walang pasok, kung hindi may na-miss kayong klase. One week sembreak ba Erin or two weeks? sabi ni mommy.

"One week lag mom. Tinatamad pa nga ako pumasok eh.. Kasi naman malapit na ulit magmonday." sabi naman ni Erin.

"Oo nga pala ate si...."

"Ay hindi wala pala." dugtong ni Erin..

"ano yunnnn~" kinulit ko siya.

"Wala ate. Nevermind."

"Weh!? Ano yun. Jebal! sabihin mo na~" (Jebal- Please) hindi ako tumigil. :p

kaso.....

hindi na siya umimik.

*Erin's Point of View*

mukhang effective yung hindi ko pagsalita...

Itatanong ko sana kung kakilala niya ba si Gian. Oo si Gian Carlo Reyes. Ex-boyfriend ni ate. Pero siguro hindi niya to naaalala..

Kasi nung nakita ko sila parang naninibago pa si ate sa kanya.

Bahala siya kapag nahuli siya ni ate.

"Oh, bat ka ngumingise?" tanong ni ate.

"Ha? Wala." pati ba naman yun napansin ni ate? tsk -_-

"Oh kids, nandito na tayo! :) Baba na!" sabi ni daddy.

kids? talaga lang? eh si ate? nagka-boyfriend na nga eh.

ako kaya kelan ako mapapansin ni kuya Kurt? :)

[Yan nanaman tayo eh. Ayaw nga sayo eh. Spell ko pa gusto mo? A-Y-A-W]

Paki mo ba Ms. Author? Pag siya nakuha ko :p

[Nakuha talaga? Landi mo]

Heh! Bwiset! :P

*Erica's Point of View*

Hay malaki nga yung bahay. :)) Heaven~

"Oh ate ito room mo." sinamahan ako ni Erin.

"Ang ganda." sabi ko.

"Talaga! Maganda talaga! Ikaw mismo nagdesign nyan ate eh."

"Weh?"

"Yup.. You're very talented pagdating sa ganyang bagay. Sayang naman at hindi mo na naaalala.."

*Kurt's Point of View*

Innocent SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon