Chapter 26- She's Back

250 7 2
                                    

Chapter 26- She's Back

"Dad! Alam kong pinag-usapan na natin to, pero hindi yata kasama sa usapan natin na yung branch natin sa Pilipinas yung hahawakan ko. Akala ko ba dito na ako sa Korea?!"

Kasi naman! Itong si dad! Nakoooo ayoko na ngang bumalik dun eh.

Maski namimiss ko na sila Krisha at Jazelle.

Ang tagal na naming walang komunikasyon. Grabe ngayon ko lang narealize na dalawang taon na nga ang lumipas.

"Alam mo naman Erica, kung ano ang sinabi ko yun ang masusunod diba? Wag ka nang umangal pa, kasama naman si Erin."

Hay ano pa nga ba ang masasabi ko?

Lagi nga naman na siya yung nagdedesisyon sa aming magkapatid.

Nakakainis mang isipin pero bahala na.

Lumabas na si appa sa kwarto at tuluyan na niyang sinara ung pintuan.

*Gian's Point of View*

After three days...

Uy! Ang tagal ko nawala dito sa POV ah! Salamat author!

Nagtext nga pala sa akin si Krisha na ngayon ang uwi dito nila Erica sa Pilipinas.

Ang tagal rin nilang nawala.

Marami na sigurong nagbago sa kanya.

"Giiaaannniieee ko!!!"

Parang ako, nang nawala si Erica marami nang nagbago dito sa pilipinas.

"Giaannn! Hintay!" Sabi ni Andrea sa akin habang nagmamadali pumasok ng kotse.

Matagal na rin siyang nakalabas ng rehabilitation center.

At ngayon ay nangungulit na ulit.

Mas naging masayahin siyang tao at bumalik na rin ang pagkamakulit niya.

Yun yung bagay na hindi ko nakalimutan kay Andrea.

"Bahala ka dyan." Sabi ko sa kanya at nagsimula nang magmaneho.

"Ngayon na ang balik niya, handa ka na ba?" seryosong sabi ko sa kanya.

"Matagal na akong handa, Gian. Matagal ko nang natanggap na hindi na nga siguro kita makukuha sa kanya. Yang puso mo, kahit hindi na kayo." sabi niya nang hindi nakatingin sa akin.

Siguro nga dalawang taon na ang lumipas..

Pero sa dalawang taon na yun ay natutunan kong magmove on.

Natutunan kong hindi lang pala kay Erica umiikot ang mundo ko. Kailangan ko lang talaga makisalamuha sa ibang tao para makalimutan na siya.

Nagawa kong makalimutan na siya nga pala yung minahal ko nang lubos dati.

"Dyan ka na magpark oh." Narinig kong sabi ni Andrea sa akin.

Pinark ko na nga lang doon sa tinuro niyang lugar at agad na kaming bumaba.

Matagal na rin yatang nakamove on si Andrea tungkol kay Erica, siguro nga totoong napatawad na niya ito.

"Ano oras ba dating nila Kristian?" Pagtatanong niya.

"Di ko alam eh, sabi niya kasi mauna na raw tayo. Baka siguro maya-maya nandyan na sila."

"Okay!" Masiglang sabi niya sa akin.

Innocent SheWhere stories live. Discover now