Chapter 10- Suffering? Why me?!

386 6 2
                                    

Chapter Ten- Suffering? Why me?

*Erica's Point of View*

Running away. A weakling's only way out. I shouldn't do this right?

Ang mga kaibigan ko. Alam nila ang totoo diba?

Bakit hinayaan nila ako nung una?

Sino ba sa kanila ang totoong kaibigan?

"Hey." nandito na si Kurt.

It's been four days since the incident with Lawrence.

"Let's Go." sabi ko.

Sabi niya kasi sabay kaming umuwi.

Habang naglalakad kami, napatagal ang tingin ko sa isang coffee shop.

Dito yata kami ulit nagkita ni Gian noong kakalabas ko lang sa hospital.

"Gusto mong pumasok?" tanong ni Kurt.

"Ha? Hindi na."

"Sige na. Libre kita." yan tayo eh.

paglibre hindi talaga ako tatanggi.

"Talaga? Hahaha! Sige na nga."

Ngumiti siya at hinila ako.

~~~~

Umupo na ako malapit sa may glass window.

Pumunta naman si Kurt sa counter para umorder.

May kumalabit sa akin.

Pagkatingin ko. Isang cute na batang lalaki.

May inabot siya sa akin.

Isang bouquet ng flower.

"Kanino galing to pogi?" tanong ko sa cute na bata.

Hindi siya umimik at ngumiti lang, pagkatapos nun ay tumakbo na siya palabas.

"Oh kanino yan galing?" bumalik na si Kurt at inabot yung Cappuccino.

"Ewan ko. May nagbigay lang sa akin na cute na batang lalaki."

"Ahhh."

"Naaalala mo pa ba yung tanong ko sayo?"

"Ano yun?" napatingin ako sa kanya habang umiinom.

"Diba sabi ko gusto kita. Pwede ba kitang ligawan?" out of nowhere tinanong niya sa akin yun.

"Hi-hindi ko alam." hindi ko alam kung ano ang dapat ko sabihin sa kanya.

Diba may gusto si Erin sa kanya? Diba dapat si Erin ang pinapansin niya at hindi ako.

"I'm sorry Kurt pero.. hindi mo ako pwedeng magustuhan." tumayo ako at agad nang lumabas.

Dapat ko siyang layuan dahil ayokong masaktan ang kapatid kong may gusto sa kanya.

Tama naman ang ginawa ko diba?

~~~~~~~~~~~~~~

Tinignan ko ulit yung roses na binigay ng bata, habang naglalakad.

May nakaipit na note.

*If you want to know who am I. Meet me at the playground near your house.*

Sino to? Bigla akong na-curious.

Pupuntahan ko ba?

*Lawrence's Point of View*

Makakalimutin talaga itong babaeng to! May long quiz kaya kami sa Monday!

Innocent SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon