Chapter 8: C.o.C Codes of Courting

75 3 0
                                    

Jake's Point of View </3

(12 hours before dumating si Celiz sa Cafe) 

Hindi ako sanay ng pinag hihintay, maaga ako dumadating sa mga meet ups lalo na kung ako yung nagyaya. Pero tatlong oras na wala pa siya. Nakadalawang grande ako ng paborito kong kape. Hindi ako inaantok hindi dahil sa iniinom ko. Umaasa ako na darating sya. Ayaw ko na abutan niya ako na tulog. Tumitingin tingin ako sa paligid. Umaasa na andyan na siya at minamasdan lang ako. Panay din ang tingin ko sa cellphone ko kahit na alam ko naman na hindi niya alam ang mobile number ko.

"Isa pa nga pong Cappuccino. Grande"

"Hindi ba sir mas maganda na uminom kayo ng Alcohol drink kesa uminom kayo ng kape." Pangingialam ng crew ng coffee shop na tinatambayan ko.

"Kung yun ang habol ko, eh di sana sa bar ako tumambay." Humarap ako sa table ko at iniikot ang tingin ko sa labas ng shop. Naaasar na ako. Nagtagal pa ng ilang oras ang paghihintay ko. Wala paring Celiza Marie Watson ang lumalapit sa akin. Nakaubos na ulit ako ng 4 na baso ng kape. Masakit ang mata ko at gustong pumikit pero wala sa pakiramdam ko ang antok. Masyado nang malakas ang tama sa akin ng kapeng to.

"Tama na Jake. Pabayaan mo na ako"

Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Iyah, girlfriend ko, or i might say ex-girlfriend ko. Hanggang ngayon hindi ko parin sya makalimutan. Paano nga ba mangyayari yun? Eh kahit na hindi na kami, tuloy parin ang paghahatid ko sa kanya sa pag uwi kahit na ramdam ko naman na ayaw na niya ako makita. Hindi ko pinapansin yun. Hindi ko gusto na may ibang lalaki ang lumalapit sa kanya. Hindi ko nagagawang magalit sa kanya kahit na halos ipahiya na ako sa harapan ng mga kaibigan niya dahil sa kakulitan ko. Maraming nakakakilala sa akin bilang Heartbreaker. Hindi ko gusto na tinatawag nila ako ng ganun. Alam ba nila na sa mga nangyayari sa akin, ako ang heart broken?

First girlfriend ko si Iyah. Almost two years and natapos yun dahil sa nawalan na siya na gana sa akin. Nagsawa I guess? Ako si boyfie na handang ibigay lahat sa girlfriend ko. Sa lahat nga ba? O kay Iyah lang? After niya, nagkaroon ako ng sandamakmak na girls pero hindi ko sinasabi sa mga kaibigan ko na GF ko sila. Para sa akin si Iyah lang ang lahat. Kasama ako sa mga lalaki na nagsasabing 'Hindi ko kayang mabuhay kapag nawala sa akin yung taong mahal ko!'.

Isang tawag lang niya sa akin. Andun agad ako. Ihatid siya sa mga party kahit na sa labas lang ako kasi hindi naman ako invited. Turuan siya sa mga subjects niya sa tuwing meron syang quiz kahit na yung mga sarili kong klase e hindi ko maintindihan. Ibigay lahat ng bagay na gusto niya kahit hindi niya hinihingi sa akin. Ano nga ba ang alam nila tungkol sa akin?

Nagiging mahigpit na ako sakanya ng mga huling linggo lalo na nung nabalitaan ko na nagde-date sila ng classmate niya na binibiro sa kanya ng mga tropa niya. Wala akong magawa. Makakatanggap nalang ako ng mga text message niya na sasabihing wag na ako maghintay kasi nasa bahay na siya, or kasabay niya ang mga kaklase niya para pumunta sa isang overnight study. Hindi ako manhid. Pinipilit niya ako na lumayo sa kanya. Pero tanga ako. At hindi ko yun maamin sa sarili ko. Umaasa parin ako na isang araw babalik sa akin si Iyah. Na sasabihin niya na hindi rin niya kaya na wala ako sa buhay niya.

"Nanliligaw ba siya sayo? Kayo na ba?"

"Oo Jake, tama na. Hayaan mo na ako. Please Jake."

2 taon matapos na maghiwalay kaming dalawa. Ngayon sinasabi niya na meron na syang bago. Pero sabi nga diba, 'If you love someone, you have to learn to let them go.' Pero maniwala kayo sa akin. Maraming beses ko na ginawa yun. Tumingin ako sa iba't ibang babae. Pero yung humanap ng katulad niya. Humanap ng mga bagay na nakita ko kay Iyah. Sobrang hirap.

How to Break a Breaker's Heart? [On-Going]Where stories live. Discover now