"Alam ko na." Sabi nito.

"Ano?" Tanong nya rito.

"Bili na lang tayo ng mga pagkain at mag-picnic na lang tayo dito. Mas maigi na dito." Sabi nito sa kanya.

"Tara. Bili na tayo."




-----





"Ang dami mo namang binibili. Baka naman ma-impatso tayo nyan?" Sabi nya kay Dalisay. Pano ay puno na ang malaking cart nila.

"Nagrereklamo ka? Kala ko ba babawi ka sakin?" Nanlilit ang mata na tanong nito.

"Oo nga. Pero patay-gutom ka ba? Di naman na natin mauubos to lahat." Sabi nya rito at isinenyas ang mga pagkain sa cart.

"Ok lang. Iuuwi ko na lang samin yung matitira." Balewalang sabi nito. Napanganga sya sa kakapalan ng mukha nito.

"Hoy! Gusto mo lang yatang makatipid sa pang-grocery eh!" Akusa nya rito.

"Wag kang nambibintang ng walang ebidensya! Pangit!" Parang batang sabi nito. Aba't nagsisimula na naman ito.

"Ikaw ang pangit. Makapal pa ang mukha mo! Anong walang ebidensya ka dyan. Tignan mo nga tong mga pinili mo." Sabi nya rito at dinampot ang delata at sabong panligo.

"Oh ano namang problema sa mga pinili ko?" Nakataas ang kilay na tanong nito. Ito pa talaga ang magtataray?

"Magpi-picnic tayo. Tapos delata at sabong panligo? Hoy pangit, wag mo kong isahan!" Sabi nya rito.

"Syempre. Heavy meal! Kailangan nating maghukas ng kamay bago kumain kaya may sabong panligo." Sagot nito. Kinalkal nya ang mga nasa cart.

"Dalawang pack ng sabong panligo at may pangbukas pa ng delata? Meron ding sabong panlaba? Kumuha ka rin ng toyo, suka, ketchup, kape, creamer, at asukal. Yung totoo? Magpi-picnic ba tayo o magtatayo ka ng tindahan?" Di-makapaniwalang sabi nya rito. Natawa lang ito ng malakas sa kanya.

"Wag ka ng magreklamo. Bayaran mo na lahat yan. Don't worry, bumili ako ng limang tray ng itlog. Para naman may pamalit ka pag nabasag ang eggs mo." Tumatawang sabi nito. Napailing na lang sya rito.

"Mamamatay ako ng maaga ng dahil sayo." Sabi nya rito. Malambing na kumapit ito sa braso nya at nginitian sya ng matamis.

"Welcome to my life."

Dapat 'Welcome to hell' ang sinabi mo.




-----






"Hinding-hindi na tayo magpi-picnic kahit kailan!" Ma-dramang sabi nya rito at inilapag sa lamesa ang mga grocery. Natawa ito sa kanya.

"Ang O.A mo naman." Natatawang sabi nito.

"Ako pa ang O.A? Magpa-liha ka ng mukha. Kailangan ng numipis nyan." Sabi nya rito.

"Ikaw tong nagyayang lumabas tapos ang dami mong reklamo." Sabi nito sa kanya.

"Niyaya kitang lumabas. Hindi kita niyayang mag-grocery." Sagot nya rito.

"Kasalanan mo naman to lahat ah. Sabi mo planado mo na ang date natin? Anong nangyari? Ipinagtabuyan tayo sa restaurant!" Nakasimangot na sabi nito.

"Ok fine! Kasalanan ko na! Sorry." Nakataas pa ang dalawang-kamay na sabi nya rito.

"Susuko ka rin pala pinahaba mo pa ang diskusyon." Sabi nito.

"Mahirap makipagtalo sa inyong mga babae. Palagi kayong tama." Sabi nya rito. Tumayo na sya sa pagkaka-upo nya.

"Uuwi ka na?" Tanong nito. Tumango sya. Hinatid sya nito hanggang sa kotse nya.

"Pasensya ulit sa nangyari sa restaurant. Sana naman nakabawi na ko sa dami ng pinabili mo." Nakangiting sabi nya rito.

"Oo naman. Ingat sa pag-uwi ha." Sabi nito.

"Wala ba kong kiss?" Tanong nya rito. Ipinakita nito ang kamao nito sa kanya.

"Gusto mong ipahalik ko to sayo?" Inambahan pa sya nito. Natatawang pumasok na sya sa kotse.

"Dalisay, alam mo namang nanliligaw ako sayo di ba?" Tanong nya rito. Kumunot ang noo nito.

"Nanliligaw ka? Akala ko nambubuysit ka?" Sabi nito.

"Nanliligaw ako. Nagpaalam na nga ako sa Tatay mo at mga Kuya mo." Seryosong sabi nya rito.

"Buti pa sila nalaman agad na nanliligaw ka. Akala ko talaga nang-iinis ka lang." Sabi nito.

"Nanliligaw nga ako!" Inis na sabi nya rito. Pinanlisikan sya nito ng mata.

"Hindi ako bingi! Wag mo kong sigawan! Wala kang kwentang manligaw! Buyset!" Sabi nito.

"Akala mo ba madali kang ligawan? Nakakayamot ka kaya!" Ganti nya rito.

"Edi wag kang manligaw! Nayayamot ka lang pala sakin eh!" Sagot nito.

"Hindi pwede! Nakakayamot ka lang, pero gusto pa rin kita! Kaya pagti-tiyagaan na lang kita." Sabi nya rito.

"Ang sabihin mo, matagal ka ng tinamaan sa beauty ko. Ayaw pang umamin!" Pang-aasar nito.

"Hindi ka nga sabi maganda! Pero gusto pa rin kita."




-----

The Not So Charming Prince (completed)Where stories live. Discover now