Chapter 53: Reconcile

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit nandito ka?"

"Alam kong alam mo na"

"Ang ano?"

"Warren's back right? Kaya pala iba ang inaasta mo kahapon. Nakita mo na siya? Nagusap na kayo?"

"Pano mo nalaman?"

Umupo si Patrick sa tapat ko.

"Bakit di mo sinabi sa akin?"

Seryosong seryoso ang mukha nun ni Patrick.

"Galit ka ba?"

"Hindi. Nagaalala ako para sayo"

"Sorry hindi ko sinabi sayo. Yun nga iniiwasan ko tapos pinagalala parin kita."

Patrick sighed tapos tumabi siya sa akin.

"Balak din irecruit ng coach ko si Warren sa basketball team. Nalaman ko kanina kasi kinausap ako ni coach para kumbinsihin si Warren to give it a try. Nung una di rin ako makapaniwala then dun ko narealize yung nangyari kagabi. Kaya ka pala wala sa sarili mo"

"He changed a lot. Hindi na siya yung dating Warren. Tama ka lahat nagbago kagaya niya. Binago siya ng tatlong taon na pagkawala. Ako na lang talaga yung naiwan tulad ng sabi mo. Lahat na nagbago."

"Pano mo nasabi yan?"

"He has amnesia Patrick. At mukhang hanggang ngayon nagrerecover pa din siya. Hindi niya ako makilala. Ang tanga tanga ko pa na kumprontahin siya kanina. Hindi ko lang akalain na ganun ang isasagot niya"

"Paanong nagka-amnesia siya?" Halatang gulat si Patrick.

"Na-car accident siya three years ago"

"That explains his absence?"

"Oo" I sighed.

"Are you doubting his condition?"

Napatingin ako kay Patrick.

"Doubt? Bakit?"

"Kasi alam ko na nararamdaman mo na hindi ka niya makakalimutan. He promised you his future right? And now youre his past that he cant remember"

Tinamaan ako sa sinabi ni Patrick. Sa lahat ng bagay tama talaga siya. Ganun nga ang nararamdaman ko.

Napatawa ako.

"Role ko na ata sa buhay talaga yun. Ang maiwanan sa ere. Masasanay din ako"

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon