Hindi siya makapaniwala sa naririnig. "Hindi rin basta-basta nagbabago agad ang isang tao, Maria," sagot niya rito.

"Handa akong tulungan siya. Nakagawa lang siya nang hindi magagandang desisyon sa buhay niya. Malungkot lang siya, Isay. Pero hindi siya masama," paliwanag nito.

"Ano'ng nangyari sa'yo? Biglang bumaba ang taste mo. Alam kong nasaktan ka sa nangyari sa inyo ni Chance. Pero ang sumama sa ganyang klase ng tao?" Hindi niya napigilan ang mapailing, "Malala ka na," sabi niya rito.

"Hindi mo maiintindihan, Isay. Balang-araw makikita mo rin ang ibig kong sabihin. Hindi tao ang huhusga sa kaniya. Diyos, Isay. Gusto niyang magbago," seryosong sabi nito.

"Naloloka 'ko sa'yo. Ano ba'ng mayroon sa inyo? Kaibigan mo?" tanong niya rito.

Namula ang pisngi nito. "Nobyo ko na siya, Isay." At halos magulantang siya sa narinig.

Putek! Nag-syota ng adik si Maria?



-----



"Isay! Sabi ko na darating ka eh!" nakangiting bati sa kaniya ni Chance. Napakamot siya ng noo. Pakiramdam niya ay ang awkward nang magpunta roon.

"Oo. Alam ko kasing hihintayin mo 'kong unggoy ka," biro niya rito.

"Hey!" narinig nilang sabi ng kararating lang na si Gabriella.

Kaagad itong lumapit kay Chance. "Goodmorning," nakangiting bati ni Chance rito.

Mabilis na hinalikan lang ito ni Gabriella sa pisngi. Buti pa ang kolokoy niyang bestfriend, luma-lovelife na.

"Malapit nang magsimula ang service. Upo na kayo," Sabi sa kanila ni Chance. Pero bago pa sila makahanap ng upuan ay may maingay na boses silang narinig.

"Good morning. What a nice day! What a beautiful sunny day!" masiglang sabi nito.

Nagtawanan ang mga tao sa loob ng simbahan. Kahit si Chance ay natawa. Umikot lang ang mata ni Gabriella. Tinignan niya ang pumasok. Dalawang lalaki at isang babae. Nakilala niya kaagad ang nag-ingay. Nawala naman ang ngiti nito sa mga labi nang makita siya.

"Ikaw na naman? Ano'ng ginagawa mo rito?" iritadong tanong nito.

"Nagji-gym. Gusto ko kasing magka-abs," pilosopong sagot niya.

"Sinusundan mo ba 'ko? Matapos akong takutin nang pamilya mo! Papatayin mo ba 'ko?!" eksaheradong sabi nito.

"Ang kapal naman ng mukha mo. Sa pangit mong 'yan susundan kita?! Asa," sabi niya rito.

"Ikaw ang pangit. Negra!" sagot nito.

"Puwede bang 'wag kayong mag-iskandalo rito?!" inis na sabi ni Gabriella.

Natahimik silang dalawa.

"Kasalanan 'to ni Dalisay," sabi ni Gabriel.

Namutla siya sa sinabi nito. Bukod sa Pamilya niya, kay Chance, at mangilan-ngilang kakilala at kaibigan niya, walang nakakaalam ng buong pangalan niya.

"Dalisay?" pag-uulit ni Gabriella.

"Yes. Siya si Dalisay 'di ba?" sabi pa nito. Gusto niya nang lamunin ng lupa nang makita ang pagngisi ni Gabriella.

Magkapatid talaga!

"Seriously? Akala ko pa naman ang pangit na ng pangalan ni Maria. Mas pangit pala ang sa'yo," natatawang sabi nito.

"Akala mo naman ang ganda ng pangalan mo!" sagot niya rito. Tinaasan lang siya nito ng kilay. Kung bakit ba naman kasi siya pinangalanan ng ganoon.

"Pangit kayong magkapatid!" sabi niya sa dalawa. Tumawa lang ang mga ito. Kumunot lalo ang noo niya nang mapansin niyang nakatingin sa kaniya si Gabriel.

"Ano? May panlalait ka pang sasabihin? Sabihin mo na. Nahiya ka pa," sabi niya rito. Napailing lang ito at nag-iwas ng tingin.

Ano'ng problema nito?



-----



"Tahimik ka ah." Nagulat pa siya nang bigla siyang kausapin ni Gabriel. Tinignan pa nga niya ang likuran niya. Baka kasi hindi talaga siya ang kinakausap nito. Pero wala namang tao sa likod at sa tabi niya.

Narinig niya ang tawa nito. "I'm talking to you," sabi nito.

Kumunot ang noo niya. "Bakit mo naman ako kakausapin?" tanong niya rito.

Umupo ito sa tabi niya. "Look, I know hindi naging maganda ang first impression natin sa isa't-isa. Kaya gusto kong makipag-ayos," sabi nito.

"Inuuto mo ba 'ko?" tanong niya rito.

Tumingin ito nang diretso sa kaniya. "Hindi ako ganoong kasama," seryosong sabi nito.

"Bakit biglang gusto mong makipagbati?" nagdududang tanong niya rito. Aba! Mahirap na! Mamaya ay pinagloloko lang pala siya nito.

"Ewan. Siguro ay dahil hindi ko ugaling makipag-away? Let's just start over. Puwede ba 'yon?" sabi pa nito.

"Nakakapagtaka lang. Masyado kasing biglaan. Siguro crush mo na 'ko 'no?" pang-aasar niya rito. Hindi niya alam kung matatawa o maiinsulto ba siya sa ekspresyon ng mukha nito.

"Keep on dreaming, Dalisay. Hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo. Hindi kita type," sabi pa nito.

Inismiran niya ito. "Hindi rin kita type. Kahit pa maghabol ka sa'kin, hindi kita papatulan," sabi niya rito.

"Mag-aaway ba tayo o magbabati?" tanong nito.

"Ano'ng mapapala ko kapag nakipagbati ako sa'yo?" tanong niya rito.

"Wow. Nakakahiya naman sa'yo. Sige na. 'Wag na tayong magbati!" inis na sabi nito. Natawa na siya ng tuluyan dito.

Pikon din ito katulad ni Gabriella. Magkapatid talaga. Walang duda!

"Sige na. Bati na tayo. Pero sa isang kondisyon," sabi niya rito.

Tinaasan na naman siya nito ng kilay. "Ano na naman ang kondisyon mo? Palagi kang may hinihinging kapalit ah!" sabi nito.

"Aba, siyempre! Hindi ako ang tipo ng tao na nagpapalagpas ng oportunidad," pagmamalaking sagot niya rito.

"Ano'ng kondisyon mo?" tanong nito.

"Sa'kin ka na magpapagawa ng gadgets, at hindi mo 'ko babaratin," sabi niya rito.

"Okay," sagot nito.

Napapalakpak siya sa tuwa. "Isa pa pala..." sabi niya rito.

Kumunot ang noo nito. "Ang demanding mo naman. Ano 'yon?" nakabusangot na tanong nito.

"...libre mo 'ko palagi ng meryenda kapag magpapagawa ka ha," nakangiting sabi niya rito. Napansin niyang napatitig na naman ito sa kaniya.

"Gabriel, nagagandahan ka na talaga sa'kin 'no?"

Natawa na lang siya nang samaan lang siya nito ng tingin.



-----

The Not So Charming Prince (completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora