“Hoy Zak! San mo yan dadalhin?” sigaw ni Val.

“Sa langit!” O.O Ano daw? Mamamatay na ba ko? Bakit kelangan ko laging makita at makasama ‘tong goon na ‘to! Hindi ko na kaya! Ayoko na!!!!!!!!!

“Hoy san mo ba ko dadalhin at anong langit ang pinagsasabi mo ha?”

Hindi sya nagsalita. Lumabas kami ng school. Higit-higit pa din nya yung kamay ko at take note ang daming nakakita sa’ming naglalakad. Tapos parang relax na relax pa sya.

“Gusto ko nun!” sabay turo sa cotton candy.

Hindi ko napansin na malayo na pala kami sa school at nasa harapan kami ngayon ng tindahan ng cotton candy.

“HOY ANO BA! BINGI KA BA? SINABI KONG GUSTO KO NYAN!!!!” nakasigaw na naman sya. Normal ba sa kanya ang pagsigaw?

Tinuro ko yung cotton candy with are-you-serious-look.

“MUKHA BA KONG NAGJOJOKE!!!” tapos tumalikod sya.

“EH BAKIT KA BA LAGING SUMISIGAW HA!!! NAKAKAPAGOD NG SUMIGAW AT PWEDE BANG HUWAG MO KONG SIGAWAN SA HARAPAN NG IBANG TAO!!!!!!” wooooooo. Nakakapagod sumigaw. Nakakainis naman kasi. Nakakaubos ng pasensya.

O.O Manong nagtitinda ng cotton candy.

“Ah kuya pabili nga po nyan.” Pero hindi ko alam kung anong flavor ang gusto nya at ilan. Tsk! Kelangan ko pa talaga syang tanungin. “Hoy!”

Nakatalikod pa din sya at hindi ako pinapansin. Kung nakakatanda agad-agad ang pagkainis malamang mas matanda pa ko sa grandma ko ngayon!

“Excuse me Zak.” With my modelated and angelic voice.

Nakita kong dahan-dahan syang tumitingin. Nagwave lang ako then sabay turo sa cotton candy. “Anong flavor?”

Humarap sya na parang nahihiya yung itsura. Nakakatawa. Hindi ko maimagine na kaya nya palang mag-iba ng facial expression.

“Anong tinatawa-tawa mo dyan?” Well to my surprise hindi sya nakasigaw.

“Anong flavor sabi ko? Tsaka isa pa ikaw na maghawak ng gamit mo okay!” nilampasan nya lang ako at lumapit kay manong.

Sabi ko nga ako na ang magdadala nito eh. Matapos na lang lahat ‘to.

“Manong kukunin ko na lahat yan.” Kapag ibang tao ang kausap hindi sya nasigaw. So sa’kin lang sya ganun? Wow ha, sa’kin pa talaga. “Hoy bayaran mo na lahat ng makauwi na si manong!”

“Fine! Nakasigaw ka na naman eh.” Tumingin ako kay manong at binayaran ko sya. Mura lang naman kasi si kuyang naglalako lang naman ng cotton candy yung pinagbilhan nya. Kaso iniabot sa’kin ni manong lahat ng tinda nya. Imaginin nyo ako na may dalawang bags plus books tapos madaming cotton candy. Sige, imagining nyo. Nakakaawa ako di ba? Habang yung kasama ko sarap na sarap sa pagkain ng cotton candy.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon