Chapter Fifteen

29.3K 562 42
                                    

Musika's POV

"Ang tagal mo naman dyan, Mika!" Nagulat ako nang biglang kumatok si Trystan sa pinto ng banyo. Nadulas pa ako dito sa tub at pumasok sa ilong ko yung tubig.

"Mika, okay ka lang?!"
Rinig ko mula sa labas dahil narinig niya ata akong umuubo. Tae, mamamatay na nga lang ako, sa bath tub pa ba? Hahaha! Pambihira ka talaga, Musika.

"O-Oo, okay lang! Nasamid lang ako sa sarili kong laway!" Sigaw ko naman sa kanya. "Ha?! Akala ko kung napano ka na dyan!" Natatawa nalang ako.
"Ano ba! Ba't ka ba nasa labas ng pinto, ha!" Di naman na siya umimik kaya umahon na ako then drained the water sa tub.

Hanggang ngayon, inaamin ko hindi parin ako makapaniwalang ako na nga ito. Sa tanang buhay ko, ang lagi ko lang nakikita sa malaking salamin sa banyo ay ang Musika na may tatlong malalaking bilbil na nagmumukhang caterpillar pero kulay brown. Oo, ganun ko kinamumuhian ang katawan ko nuon. Kung hindi lang masakit ang paghiwa sa sarili kong taba, matagal ko nang ginawa.

Hinawakan ko ang katawan ko mula pisngi hanggang bewang. Ang saya ko, sobrang gaan na ng feeling ko simula nung pumayat ako. Literal na gumaan. Masayang-masaya ako.

Pero natatakot akong baka may dumating na namang problema sa buhay ko. Nawala na si Melody sakin at yun ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Pano pag si Trystan rin, nawala?

"Halos mag-iisang oras ka na dyan."

Speaking of, panira talaga ng moment. Napapailing nalang ako at kumuha ng bathrub, nag toothbrush at naglagay ng skincare. Ayoko na nga sanang lumabas kasi nahihiya na akong humarap kay Trystan. Kinakabahan ako sa kung anong mangyari pag kaming dalawa lang ang magkasama.

Ayoko pang gawin yun! Masyado pa kaming bata tsaka pano nalang pag---- pag nabuntis ako diba? Ayoko nun. Ayokong maging batang ina. Di pa ako ready ganoong responsibilidad... Ayoko pang maranasan yung ganoong paghihirap tsaka masyado pa 'kong immature para sa responsibility na ganon. At isa pa---- teka, may ginagamit naman daw na protection diba?

Aaaahhh---! Dapat di ako nag-iisip ng ganito! Eh kasi naman, ilang araw na kaming magkasama ni Trystan sa iisang bahay lang tapos magkatabi pa laging matulog and somehow---- nakakaramdam ako nung sinasabi niyang yun! Eh kahit na, natatakot parin ako. Masakit ata yun eh tsaka----

"Aaaaaarrrrgh!" Buti nalang napahina ang boses ko. Ayokong marinig ako ni Trystan. Basta nahihiya ako, naiilang!

"Huy! Baka naman nalulunod ka na dyan?!" Bigla ba naman siyang kumatok at naaasar na ako, muntik pang mahulog ang hawak kong lotion.

"Bakit ba? Ano bang kailangan mo?" Sigaw ko ulit. Parang timang eh!

"Bored ako."

Bored siya? O, tapos anong kailangan niya sakin? OMG. Wag mong sabihing-----

"A---ano ako, c-clown?!"

Tumawa siya tapos kinatok ulit ako sa pinto. "Oo. Magandang clown. Bilisan mo na dyan!"
"B-Bakit ba kasi?" Ninenerbyos na ako dito sa kakaisip.
"At talagang nagpapapresko ka para sakin, noh?" Aba! Napaka ano talaga.
"Mukha mo Trystan!"
"Gumala ulit tayo. Fukuoka na tayo bukas, diba?"

Oo nga pala. Ano ba naman 'to, para kaming nasa Home Alone. Hahaha! Nakakapagod pero sige lang. Namimiss ko na rin dun!

"Gagawin mo na naman akong parang si Dora!" Nagtawanan kami at sinabi niyang hihintayin niya ako kaya wag na daw akong magtagal pa dito.

Teka... makikita niya akong nakasuot lang ng bathrobe!

Waaahhh! Anong gagawin ko?!

"A-Ano... Trystan?"

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon