CHAPTER 58

2.6K 65 3
                                    

Note: Nag-typographical error pala sa last chapter, this is 58th chap. :) And for those who are asking, hanggang 60 chapters + epilogue na lang po talaga tayo. Mamimiss ko si Trade :(









More than enough













Nagising ako ng gabing iyon sa isang mainit na kamay na humahawak sa mukha ko.







I open my eyes and saw Trade staring at me intently.







Madilim na ang kwarto kaya kumikintab ang mga mata niyang titig na titig sa akin. He smiles when he saw me awake.





"Makakapatay talaga ko kapag nakikita kitang ganyan..."






Hinaplos niya ang mga mata ko hanggang sa pisngi na parang may pinupunasan doon. Nararamdaman ko pa din ang natuyo kong luha. Medyo maga din ang mata ko dahil sa kakaiyak kanina.







Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko at dinala sa aking labi para halikan. This is the first time I kiss his hand. I just feel like thanking him. For everything...



Tinitigan niya ko habang ginagawa iyon. His eyes were really deep, iyan ang dahilan kung bakit ako nalunod sa kanya.



"Sana sa'kin na lang lahat ng sakit baby, ayoko ng ganito ka." Umiling iling siya at pumikit na tila nahihirapan. Lumunok siya. I saw his adam's apple move in despair.


Lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanyang kamay. "Mahal kita." Bulong ko sa mga palad niya.







Bumukas ang mga mata ni Trade nang sabihin ko iyon. He lean down and plant a deep kiss on my lips. Malalim, mainit at puno ng pagmamahal. No words needed, his kisses is enough.








Humiga na din si Trade sa tabi ko at yumakap. "Sleep now. Balik na tayong Manila bukas."

--




At 10 PM ay nakalabas na kami ng SLEX. Hindi traffic kaya mabilis ang naging biyahe namin. I somehow thought kung bakit di traffic? Talaga bang nananadya ang pagkakataon?






"Lunch sainyo, nagtext Daddy mo." Ani Trade.







"Okay..." I answered.






Kinakabahan ako. After a week ay ngayon ko lang ulit makikita sina Mommy at Daddy. Am I ready for this? I think so...






Hindi rin ako magtatagal sa bahay. Usapan namin ni Trade na sa condo niya na muna ako tutuloy. I don't wanna stuck in the same place as them. Bukod sa awkard iyon ay hindi ko alam kung handa na nga ba talaga kong patawarin sila.








Naging mabilis ang biyahe namin. Talaga naman oh! Tss. Nang nakapasok na kami sa Libis ay kumakalabog na ang puso ko. What will I tell them? Ano dapat ang itsura ko? Anong dapat kong gawin?








Lumiko si Trade sa bandang Eastwood at natanaw ko agad ang subdivision namin. Ipinasok niya sa loob ang kotse at diniretso. Sa pangatlong kanto ay nakita ko agad ang kulay silver na gate ng bahay. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko.







Trade use the horn at maya-maya lang ay pinagbuksan na kami ni Maxwell ng gate.







Maxwell, Maxwell... Sinamaan ko siya agad ng tingin. Damn! I can still remember when I saw him kick Trade noong birthday ko. Gusto ko siyang bawian ngayon.







You Are MineWo Geschichten leben. Entdecke jetzt