CHAPTER 31

3.1K 71 4
                                    

Akala ko na-update ko na 'to but then, nagloko ata si wattpad kaya nawala so sorry sa matagal na update. :)


Change








"Ano? Nag-text na?"



Tuesday morning is supposed to be a wonderful day. Kung hindi lang sana binabalewala ni Trade ang mga text at tawag ko mula pa kahapon.



"Hindi pa din." Sagot ko kay Shan.


Hinilamos ko ang dalawang palad ko sa aking mukha. This is making me damn frustrated!

Mabuti na nga lang at na-moved bukas ang uwi ng mga magulang ko. Kung ngayon iyon ay baka dumagdag pa sila sa sakit ng ulo ko.



Pagkahatid ni Trade sa'kin kahapon ay isang text lang ang nakuha galing sa kanya saying I love you. Tapos ayun na. Wala ng ibang text. Di na nagparamdam, hanggang ngayon.



Plano ko sanang puntahan sa condo niya kaso pinagbawalan ako nina David. Baka naman daw busy lang talaga sa mga naiwang trabaho sa OJT.



I considered that, yes. Maging ako ay may kailangangang habuling lectures. But that's only yesterday, bakit hanggang ngayon hindi pa din tumatawag at nagte-text man lang?



"Imposible Shan e. Busy din naman ako, I need to do some catching as well pero ni isang text? How much time would one message consumed?" Katwiran ko.




I won't buy that busy excuse anymore. Hindi na ako naniniwalang busy lang siya. I know this is more than that, nararamdaman kong iba 'to. This is the longest span of time na hindi kami nag-usap, na hindi niya ko kinausap. We've fought before, ilang beses na kaming nag-away but we keep in touch. Pero ngayon, almost 2 days na? Sinong hindi mag-iisip ng hindi maganda?



Sinabay ako ni Shan papasok sa school. Gusto ko talagang puntahan si Trade but Shanelle keeps on nagging me out. Ayaw nila akong paalisin ni David.



"What Summer? You wanna look like a sick love dog na dalawang araw ka lang di ma-text pupuntahan mo na agad?"



"That's the point Shanelle Aquinas. Dalawang araw na siyang hindi nagtetext! What do you want me to do? Sit here and wait for him to contact me?"




"I didn't said that Sum. Ang sinasabi ko lang, don't let yourself look so desperate about him."



Tumahimik na lang ako buong biyahe. I don't wanna argue on this anymore. Mamaya pagtapos ng huling klase ko ay pupuntahan ko si Trade sa condo niya. Mag-mukha man akong patay na patay sa kanya ay wala na akong pakealam. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari. Hindi maganda.






Halos batuhin ko na ang drafting prof namin dahil sa extension niya sa klase namin. Damn! Hindi uuwi hanggang hindi naipapasa yung final plate? Damn it! Hindi ako makagawa ng maayos when my head is preoccupied with Trade.




"I'm done. Gusto mo ako na magtuloy niyan?" Ryle offered.



Matapos siyang mag open-up sa akin last week ay bumalik na kami sa dati naming estado. No more ignoring. No more cold treatment.



"Can you?"



"Of course." Inabot ni Ryle ang plate ko at sinimulang dagdagan ng mga detayle. "Mind sharing your problem?" Nilingon niya ako.




Huminga ako ng malalim. Tinanaw ko din ang professor namin na nasa malapit sa bintana ay pinapanuod ang iba kong classmates.


I wanted to ask him about my problem. He's the closest guy I have and he can help. I can't ask David you know, bukod sa pagtatawanan ko nun ay puro kagaguhan lang ang isasagot nun sa'kin.



You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon