CHAPTER 47

2.4K 62 5
                                    

Bilin ni Trade










The sparks of crystals affected by the glasses around compliments the crismson color of my dress. Spotlights on me plus the enchanting slow music on.





Nang tinawag ako palabas kanina ay kabadong-kabado ako. But when I saw my Mom and Dad, Shanelle and David, Ryle, Cleo, Trixie, Dylan and some of my classmates ay nawala ito agad. Habang nasa stage ako at nagsasalita ang MC ay umiikot ang aking mata para hanapin si Trade. He should've sitted next to David.






Bumalik ang atensyon ko nang makitang paakyat na si Mommy sa stage para magsalita.







"Before anything else, of course I wanna greet my only daughter a happy birthday." She look at me and smile. I smile at her too.






"Thank you for being part of this night for Summer. She didn't celebrate a birthday for quite a while so me and her Dad decided to make this birthday of hers a great one. Please make yourself comfortable and enjoy. Thank you."







Everyone clapped after. Dumalo sa akin si Mommy at bumeso tapos ay nagpaalam na akong bumaba para puntahan ang mga bisita ko.






"Come with me first para ma-meet mo ang mga business partners natin." She whispers.







I get it. Yun naman talaga ang uunahin ko, as expected. Nilingon ko ang table kung nasaan ang mga kaibigan ko and mouthed sandali lang.






A few business men are there together with their sons. Of course lalaki ang dinala nila pata i-reto nanaman sa akin. Hay nako.







Kahit na ganun ay pinilit ko pa din silang nginitian at batiin isa-isa. I don't wanna look grumpy and at the same time, unethical in front of these big people.






After so many minutes ay pinayagan na din ako ni Mommy na lumapit sa mga kaibigan ko. At last!






"Summer!!!" Si Cleo agad ang bumungad sa akin at yumakap.






"Namiss kita! Happy birthday! To be followed na lang gift ko, wala pang sweldo eh."






Tumawa kami pareho. This girl friend of mine never fails to make me laugh with her practicality and for being so true. Hindi man mayaman si Cleo ay totoo siya sa sarili niya, and I love her for that.






Katabi ni Cleo si Ryle na may hawak na box na nakalahad sa akin. "Happy birthday!"





Yayakapin ko sana siya pero hinawakan niya ang balikat ko at bumeso na lamang. "Bawal yakap. Mapapagalitan ako."







"Huh? Nino?"






Tumawa lamang sila ni Cleo at ipinasa na ako sa table ng mga pinsan ko.






Dylan greeted me there. Kumunot ang noo ko sa nakita kong malaking pasa sa kanang bahagi ng labi niya. Napaa-away?





May binigay siyang malaking paper bag sa'kin. "Ano 'to?"







Ngumiti siya at nagkibit-balikat. "Pair of pajamas?"






Tumawa si David sa sinabi ni Dylan. Pati ang iba ay natawa din. Pajamas seriously? Bakit naman pajamas pa? Kahit ako ay gustong tumawa, I just don't want him to get offended.






You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon