Chapter 2

6.2K 125 4
                                    




Nakilala



"Ang tagal mo. Magsisimula na."

Hindi ko alam kung ilang minuto ba ang inilagi ko sa hallway. Sinalubong agad ako ng iritadong mukha ni Shan pagbalik ko sa gymnasium.

Matapos kong damputin ang pouch kong hinulog noong gagong iyon sa sahig ay nanatili pa ako doon ng saglit.

I really can't move on.

For all my life ngayon ko lamang naranasan ang ganoon, ang ipahiya ng isang tarantadong lalaki. Halos lumabas ang puso ko sa pinaghalong kaba, kilig at galit.

Okay ewan ko kung bakit may kilig. I didn't know I can feel those three different emotions at the same time.

Ang ingay-ingay sa buong gymnasium but here I am lookint so frustrated. I can still see that fucker's face and smirk in my head. The way he looks at me, his crook smile, his way of treating me, na kahit inis na inis ako ay nakakakilig pa din.

Gwapo niya kasi talaga.

But then his attitude is made in hell! Hindi bagay sa kanya ang mukha niya! Ewan ko. Baliw na ata ako.

"What's with the face Sum?"
I unconsciously look at Shan. She is staring at me intently.

"I've met an asshole kanina sa labas." Kwento ko.

"Ha? Sino?"

Umilaw ng muli ang scoreboard kasabay ng tilian ng mga tao.

"I don't know. Let's not talk about that, mag-uumpisa na ata."

The commentator finally welcomes everyone and they hav the same concept as mine, sa ingay at dami ng tao ay para talaga itong championship game!

"Let us first welcome your Roswell University!"

I put both of hands on my ears. The girls behind us are cheering so damn loud na para bang ido-donate na ang kanilang mga esophagus.

Mapaos sana kayo, damn you!

"Start off with number eleven, Dylan Paraiso!"

Naghiyawan muli ang mga tao sa side na 'to habang iniisa-isa ang players ng Roswell. Pinasadahan ko sila ng tingin, wala man lang akong kakilala doon.

They are nine in the court already. Isa na lang at St. Agnes naman ang tatawagin.

Tapusin niyo na! Para makasigaw naman ako para sa pinsan ko!

"And!!!! Team captain! Trade Samaniego II!!!"

Nakakabinging tilian ang bumalot sa buong gymnasium. Mas lalo kong tinakpan ang tainga ko sa sobrang lakas ng pinaghalong tili at tunog ng drums. Ito na ata ang pinakamalakas at pinakamatagal na tiliang narinig ko sa buong buhay ko!

I was surprised to see the fans of St. Agnes shouting their hearts out for Roswell's captain as well! What the hell? Kalaban 'yan! Mga balimbing!

"I love you Trade!" Sabay-sabay na hiyawaan ng mga babae sa likod namin.

Nilingon ko sila kasabay ng isang iling. Mahal agad? Sorry but that word is deep for me, na hindi dapat binibitawan sa kahit kanino lamang.

"Gwapo ni Trade! Gosh!" Shan said.

Nagulat ako nang sumabay din sa tilian ang pinsan ko. I saw her hands closed together. Halatang nagpipigil siya ng kilig.

Even her? Seriously?

Nilipat ko ang mga mata ko sa court at nasilayan ko ang team captain ng Roswell, ang tinitilian nilang lahat.

Holy.

Fucking.

Shit.

Am I hallucinating or something?

"Y-yaan yung... siya..." Tinuro ko ang lalaking sinasamba nilang lahat, ang lalaking tinitilian nilang lahat.

My fingers are trembling.

"Oo! Ang gwapo 'no?" Shan confirmed.

Siya ang captain ng Roswell Basketball Team? The rude and insensitive guy I bumped into?

What?

Sinundan ko siya ng tingin habang nagjojog siya papalit sa mga kakampi dahil naka namamalik mata lamang ako.

It can't be him! Hindi siya mukhang basketball player kanina! Or baka naman player pero bangko?

Oo Summer sinong niloloko mo? May kilala ka na bang bangko na naging Team Captain?

He looks really extra hot with his black jersey cause his white and toned arms is exposed, hindi kagaya kanina noong naka-shirt lang siya.

Bahagya siyang tumalikod nang kausapin siya ng isa niyang teammate.

Binasa ko sa kanyang likod ang mga letrang nakaukit doon.

Samaniego.

"Yes! 'Yan siTrade Samaniego II, 21 years old and MVP for two consecutive years already." Mayabang na sabi ni Shan sa tonong parang alam niya ang lahat ng tungkol sa Trade na iyon.

So hindi nga bangko? MVP eh!

Boo! Hindi halata!

"And now... your St. Agnes University players! Start off with number 3 David Andrade Aquinas!"

I almost got into my senses when I hear my cousin's name. Muntikan ko ng makalimutan na pinsan ko nga pala ang ipinunta ko dito at hindi ang Trade na 'yon.

Pumalapak kami ni Shan habang nakatayo. Mukha kaming tanga dito sa side ng Roswell dahil kami lang ang nagccheer.

Of course that's David, my cousin! Wala akong pake kung mapaaway pa ako ngayon dito!

Habang naglalakad si Dave sa gitna ng court ay kinawayan namin siya. He find us and he waved back. Wala pa man din at proud na ako sa pinsan kong iyan! This is really his passion, at masaya ako na nakikitang nagagawa niya ang hilig niya.

'Yan ang totoong magaling na basketball player!

"Summer?" Shan suddeny calls.

"Hm?"

Nakikita kong pabalik-balik ang tingin niya sa akin pero ang mata ko ay nakatutok lang kay David na nasa court habang tinatawag ang iba pa niyang teammates.

"Do you by chance, know Trade Samaniego?" I heard the asshole's name kaya mabilis kong nilingon si Shanelle.

"Ha? No. I don't know him."

Talaga no! I just met him a while ago and know that he's a complete asshole for what he had done to me!

"Weird." She trailed off. "Kanina ka pa niya tinitignan oh."

My knees automatically went jelly.

What? Ako?

Sinundan ko ang mga mata ni Shan and I saw him there, standing at the court with his deep eyes dugging onto me.

Shit!

Nakilala niya kaya ako? Na ako ang babaeng binato siya ng pouch at inaway-away siya?

Ang dami niyang fans dito, madudumog kaya ako?


_______________________________________


Alshamarab.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon