CHAPTER 33

2.7K 87 15
                                    

Safe







"Bago ata yan Shanelle ha? You're wearing jeans?"


Puna ni Trixie, isa sa mga closest friend ni Shan pagpasok namin ng klase sa Rizal.



"Yeah. If it weren't for Summer's pakealamerang mommy, I'll still wear my favorite high-waist shorts!"



Legit! Mommy woke up early to take us off to St. Agnes. Bukod sa pinuna niyang luto ni Shan kagabi, kulay ng kurtina sa bahay at placement ng kama ko ay napansin niya din ang damit ng pinsan ko. So instead of going to school with her favorite shorts ay pumasok siya ng naka-jeans.


"Lahat talaga pinakikialaman ng mommy mo." Shan said.



Her face shouts for anger. Sino ba namang hindi maba-badtrip kay Mommy diba? I told you, freedom is impossible when they're around.



Our classes went fast. Maaga ding nag-dismissed ang prof sa last subject. Kung kailan ba naman ayoko pang umuwi talagang maaga ang dismissal. Kainis!



Habang naglalakad kami palabas ng main ay nakasalubong namin sina David at iba niyang teammates.


"Why are you here?" Shan asked her brother.



"Wala kang ojt?" Tanong ko naman.



"Undertime. We'll meet your parents at BGC, 6 pm sharp daw."



Wow. Sharp! One thing about my parents, dahil busy silang mga tao ay pag nag-set sila ng oras, hindi ka pwedeng ma-late kahit na isang minuto. That's how they treasure time.



"Di ako sasama kuya! May lakad kami nila Trix eh!" Shanelle hissed.


"Really Shanelle? Nasabon ka na kagabi eh. Let's go."



Nagpapapadyak na lumakad si Shan kasunod ni David papunta sa parking lot. I followed too. Agad na sumakay si Shan sa kanyang kotse at pinaharurot ito.


I waited for David as he put all his things at the back seat.


"Let's go?"


Tumango ako at pumasok sa passenger seat.


Naging smooth sailing ang biyahe namin patungong BGC, surprisingly hindi gaanon ka-traffic sa EDSA. Thank God nangyayari pa rin ang milagro.



Nang makarating kami sa Aura ay agad namin hinanap ang sinasabing restaurant ni Mommy sa kanyang text kay David.


Sa loob ng isang function room ay nakaupo sa aisle ng table si Daddy talking to an old man na halos puti na ang lahat ng buhok.


My mom on his left is busy with a guy na naka-pulang polo shirt. She smiled when she saw us at the door.



"Summer!" Napalingon sina Daddy, ang kanyang kausap at ang lalaki sa tabi ni Mommy.


Pumasok kaming tatlo. I hug my mom first bago ako dumalo kay Daddy para humalik.


"How's school princess?" Dad ask.


"Always fine." Sagot ko.



Umikot ako sa mesa para maupo sa tabi ni Shan na ngayon ay nakabusangot ang mukha at nakatutok sa kanyang cellphone.



"Summer where are you sitting?" Paupo na ako when Mommy spoke. Tinignan ko siya.


"Sit here." Hinawakan niya ang upuang nasa harap niya, sa tabi ng lalaking kausap niya kanina. Maputi ang lalaki at sa pagkakaupo niya ay halatang matangkad siya. Sa kanyang kaliwang tenga ay may diamond earring. Ngumiti siya kay Mommy na nagpalubog ng malalim niyang dimple.



You Are MineWhere stories live. Discover now