CHAPTER 36

2.8K 75 18
                                    

Karapatan





Weeks have passed at naging okay na din ang lahat.



Since my parents went back to the states ay bumalik na ang normal kong buhay. Sa school naman, mas naging okay ako. Bukod kay Ryle, I have gained a lot friends as well especially now na another semester na.



My broken heart? It's still broken. I can't say that I've finally moved on, siguro naandon na ako sa proseso but not totally there.




It's October, bukod sa intramurals ay birth month ko na din. Hindi ako excited sa birthday ko, ang excited ay ang mga taong nakapaligid sakin; Shan and David, my friends and extravagantly, my Mom and Dad. Uuwi nanaman sila to organize the party.



I am walking with Shanelle palabas ng campus. Maaga ang dismissal dahil bukas na ang opening for the Intramurals. I actually don't have anything to do with that event, hindi naman kasi ako sporty. But then, David and Ryle will play for their department, yun siguro panunuorin ko.




"Sabay ka sa'kin?" Shan offered.



"Nope. Leon will pick me up."




"Nanaman?" Umirap si Shan sa ere at umiling. Yes, sinusundo ako ni Leon. Hindi naman araw-araw, just twice a week I think.




We're friends now. Simula noong nangyari sa balcony last week ay naging close na kami. Hindi niya na din muna pinipilit sakin ang intensiyon niyang manligaw. He knows I'm not ready yet. But then we go out, mamaya ay sabay kaming magdi-dinner.




"Why do you hate him so much?" I asked Shanelle.




"Ewan ko. Ang hangin kasi. Oops! Speaking of, mukhang may bagyong parating." Sinudan ko ang sasakyang dumaan na tinitignan ni Shan.



It was Leon's black convertible. Huminto iyon sa mismong harap namin.




"Mauna na ko Summer. Baka liparin ako bigla." She kissed my cheeks tapos ay pinaharurot na paalis ang kotse niya. She really hates Leon. The first time na nalaman ni Shan na magd-date kami ay halos hindi niya na ako kausapin.





"Sum..." Tawag ni Leon. Agad akong pumasok sa front seat.




"Saan tayo?" I asked.



"Saan mo gusto?"



"Palagi na lang ako. Ikaw naman, where do you wanna eat this time?" True enough. Palaging gusto kong restaurant at pagkain ang pinupuntahan namin. Never siyang nag-decide.




"Hmmmm... well." Hawak niya ang kanyang baba habang nakatutok sa daan. "I want some Italian. Pizza?"




I smiled at Leon. "Sure. Pizza."



Leon drive to TriNoma. Buong biyahe ay nagkukulitan lang kaming dalawa. He likes throwing lame jokes to me na napapatawa talaga ako ng sobra.



"Oh ito ito---"



"Stop it Leon!" Sabi ko habang natatawa. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa huli niyang joke, meron nanaman.




"Dali na. Last one. Anong sabi ng puso ni Binay nung nakita niya ang crush niya?"



I arc my eyebrow. "Ano?"




"Edi... nog nog nog nog!"




Humaglpak akong muli ng tawa. Tumawa din si Leon dahil sa reaksyon ko. Damn this guy! Hindi ko alam kung maganda talaga ang mga linya niya o sadyang mababaw lang talaga ang kaligayahan ko.




You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon