CHAPTER 51

2.7K 80 17
                                    

Sacrifices













Malalim na ang gabi, pagod na ako pero hindi ko kayang magpahinga. I am craving for the truth to get on me. Ayoko ng palagpasin ang oras kung kaya ko namang malaman ang lahat sa araw na 'to.







Trade stopped from narrating our story. Inuwi niya muna ako sa kanyang condo para makaligo at makapagpahinga ng kaonti. When I came out of the bathroom ay nakaupo siya sa kama, basa pa ang kanyang buhok at nakatitig siya sa akin. He is waiting for me, I know.







Lumapit ako sa kanyang kama at naupo sa tabi niya. "Can you continue?" I asked.









Tumango siya at hinwakan ang kamay ko. He place it on his lips tapos ay marahang hinalikan ang likod nito.







Safe. Iyon ang pakiramdam ko ngayon. Nasasaktan man ako ay alam kong nandito si Trade, holding my hand and making sure that I am safe when I'm with him.







"I was so desperate to follow you when you left. Pero underage pa ko at ayaw akong payagan ni Papa. Nagtiis ako ng apat na buwan Summer... apat na buwan na wala ka, apat na buwan na wala akong balita kung kamusta ka, namimiss mo rin kaya ako.... o kung mahal mo pa ba ko?"







Nakayuko lamang si Trade habang binabanggit iyon. He is hurting. Maayos na kami ngayon, pero ang maaalala ang masasakit na nangyari noon ay ibang usapan pa rin.







His thumb plays with my hand. Hinahaplos niya iyon ng mabagal. "Mismong 18th birthday ko, lumipad ako agad papuntang Las Vegas para makita ka."








Shit. On the day of his birthday? I can't believe this.







"Malaki ang Vegas, ni hindi ko alam kung saan ka hahagilapin. Walang araw na hindi kita hinanap. Sa lahat ng lilingunan ko, umaasa akong nandoon ka. One day I get to contact David at dinala niya ako sayo."







He squeezed his nose kaya na-alarma kong inangat ang kanyang mukha. I saw tears in his eyes na agad kong pinunasan gamit ang mga kamay ko.






Wala akong masabi. Hindi ko alam ang sasabihin, o gagawin para mawala ang sakit na nararamdaman ni Trade.








"Pagtapos ng halos kalahating taon Summer, I saw you lying on the hospital bed. Naaksidente ka... fuck naaksidente ka."







Trade's tears flow so fast. Parang nadudurog ang puso ko na nakikita ko siyang ganito. Sa mga natatandaan kong alaala namin ay hindi ko siya ni minsan nakitang umiyak.







Hindi showy at emotional ang mga lalaki. They usually keep their feelings to themselves. Para bang nakakababa ng pagkalalaki nila kung iiyak sila, lalo na kung para sa isang babae. It is beyond overwhelming seeing a guy crying.







"Para kong mababaliw 'non, wala akong ibang sinisi kung hindi sarili ko..." Marahas akong umiling. It's not your fault baby, it's not your fault.







"Kung sumunod siguro ako agad, hindi ka masasaktan ng ganon. Kung pinaglaban lang kita, hindi ka sana nakaalis palayo sakin. Sana naalagan kita, sana naprotektahan kita."






"Trade..."







Suminghot siya at tumitig sakin. I can see his blood shot eyes on me. Damn! How can I make him stop?








You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon