CHAPTER 30

3.4K 82 8
                                    

Parents






Biñan Day!



Maaga pa lang ay maingay na sa buong Biñan. Sa Canlalay ay kanina pa may dumadaang mga banda at mga batang nagkakantahan.



Busy din sila Tita Gina at Ate Princess sa paghahanda ng mga pagkain. I wish I can do something productive in the kitchen too. Kaso hindi talaga ko maalam sa kusina.




It feels great here.




When I was in Manila before, may mga ganitong celebration din naman. But because I only have my cousins with me, hindi kami naghahanda ng ganitong ka-bongga. Unlike the Samaniegos na hands-on talaga. Sabi ni Trade ay tradisiyon na daw ito ng pamilya nila tuwing Biñan Day.



"Ito ate? Bagay?" Aikka ask me.



We're together inside her room. Pinipilian ko siya ng susuotin mamaya for the basketball game. Yes may game mamaya, laban ng iba't ibang baranggay sa Biñan. And Trade will be one of the players representing Canlalay. Yo! Champion na kami agad niyan!



"That's good. Pero mas bagay 'tong high waist diyan sa crop top mo." I suggested.




Since wala naman kaming maitutulong ni Aikka kala Tita ay nagkulong na lang kami dito to have some things done.


The boys, including Tito Ade ay nasa labas at nagwowork-out. Family bonding kaya di ko na din inistorbo si Trade.





"Okay sige!" Itinabi na ni Aikka ang pares ng damit na pinili ko para sa kanya at itinago ang iba.



"Make-up naman?" I suggested.



"Sure!"



Pina-upo ko siya sa tapat ng kanyang malaking salamin bago ilabas ang mga cosmetics ko. I love doing make-ups. Naalala ko noong bago pa ako sa US, lipstick at foundation lang ang nilalagay ko but then having some more knowledgeable friends help me out a a lot. Now I know how to blend colors and do eye liners.




"I really love your fashion sense ate! Sana lagi kang nandito sa bahay." Aikka said while I put her some cream on her cheeks.



"I wish too. Kaso bukas babalik na kami ng Manila."




Monday na bukas. Back to normal. Bigla tuloy akong nalungkot doon. Back to normal means klase ko at OJT ni Trade. Hindi nanaman kami magkakasama ng madalas.



Gusto ko dito sa Biñan. I can feel the unity here. Talagang nabigyan nila ng hustisya ang salitang pamilya.



Ang dami naming napag-kwentuhan ni Aikka. Nabanggit niya sa'kin yung crush niyang ininvite niya sa debut niya sa December. She even invited me to come. Syempre, um-oo naman ako.




Maya-maya pa ay natapos ko na ang overall make-up niya. I gave her the chance to look at her face closely.





"Wow! Grabe ate. Para kang make-up artist! You nailed it! Thank you!"



Tumalon siya sa akin at yumakap. I hugged her too. This girl is the sister I never had. It feels good to know Aikka Samaniego.




"You're welcome Ayks." I said.




Saktong pagbitaw namin ni Aikka ay bumukas ang kanyang pintuan. Tumambad sa amin ang naka-puting shirt na si Trade. Basa ang damit niya ng sobrang pawis. But mind you this, napaka-gwapo at bango pa din.


You Are MineUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum