"A-ano ito?" bulong niya.

Agad bumukas ang mga hologram computer at iba pang mga ilaw sa kwartong iyon. Patay sindi pa ang ibang ilaw at tila luma na ang ilang muwebles. May mga mechanical arms sa gilid ng kwarto. Ang ilan ay mga upuan para sa paglalagay ng memory gene sa ulo ng mga lalagyan nito. Mga luma na ang mga gamit doon ngunit bago pa ang mga hologram computer. Isang sisidlan naman ang umangat mula sa gitna ng mga hologram computer. Umilaw ang loob nito kung saan nakapaloob ang isang lumang memory gene. Nakakabit pa ang mga kable nito patungo sa computer.

Napalunok naman si Dylan nang kaunting laway at pinagpawisan ng malamig nang bumukas na ng tuluyan ang hologram computer.

'Boot: Sequence initiated...80%'

'Boot: Sequence initiated...100%'

'Scanning.'

Isang asul na ilaw ang lumabas sa paligid. Tila laser light show ang naganap upang i-scan ang katawan ni Dylan mula sa kanyang kinatatayuan. Napatingin na lamang si Dylan sa mga ilaw na iyon at nang matapos ay saka bumukas ang iba pang hologram screen.

'Security: Vulnerable.'

'Server scanned: James Ford/Dylan Torres.'

"J-James Ford? Dylan...Torres?" pagtataka niya.

Agad namang nagflash sa mga screen ang tila mabilis na mga pangyayari. May mga pagsabog at tila nuclear warfare, mga taong tumatakas mula sa gulo, mga putok ng baril at mga taong duguan at nakasalampak sa nagyeyelong simento, ang mga bid na tumatakas mula sa mga sundalo at militar. May mga heli ship na nagpapaulan ng mga bala mula sa kalangitan at ang mga bid na nagugutom sa lansangan na namamalimos at payat ang kanilang mga katawan. May mga pulitiko na nakatingin mula sa ibaba, makikita ang muhka ng presidente na si Nico Rivera at ang ilang mga may katungkulan sa gobyerno at sa MEMO. May mga mukha na ineekisan ng pula, tinitigan niya iyong mabuti at napansin niyang mga naging target niya ang mga bidder na iyon noon ngunit nang eekisan na sana ng video ang mukha ni Dano na kailan lamang ay nakasagupa niya ay bigla na lamang nitong binura ang kanyang mukha. Sunod namang binilugan ang sunod nitong target. Isang mataba at maliit na lalaki na nagngangalang Mauro Gonzales.

Pumaling siya sa kanang hologram screen at kapansin-pansin ang isang video na mabilis ding nagpe-play na para bang naka fast forward. Burado ang mga mukha ng mga tao sa hologram video na iyon. Dalawang mayaman na mag-asawa ang makikita sa video, masaya ang mga iyon ngunit tila bumuhos ang pulang tinta ng dugo sa screen at makikita ang mga gulong naganap. Tumakas sila sa isang lumang mansyon dala ang isang sanggol. Itinakas nila ang sanggol na iyon ngunit isang baril ang ipinakita sa screen. Lumabas ang bala ng baril na iyon at sinundan ang katawan ng babae. Sumalampak sa nagyeyelong semento ang katawan ng babaeng iyon. Hindi man ginusto ng lalaki na iwan ang kanyang asawa ay tumakbo na lamang din siya kasama ang sanggol na iyon. Binitbit niya ang sanggol, nagpakalayo-layo, tumakbo habang hinahabol ng mga sundalo. Dinala ng lalaking iyon ang sanggol sa isang malaki at puting bahay dala ang isang bag na naglalaman ng pagkakakilanlan, mga pera at isang hologram tablet kung saan nakalagay ang pangalan na 'Dylan Torres' ngunit biglang nagulo ang pangalan at video na iyon at napalitan ng isang madumi, maputik at sira-sirang lugar. Mga batang naghihirap at nakahandusay sa daan at mga bahay na gawa sa tagpi-tagping yero, kahoy at bato.

Lumingon siya sa kaliwa at doon ay nakita ang isang batang nakahiga sa isang makintab na bakal na pahalang. May mga mechanical arm sa paligid at nakita doon ang mukha ng itinuring niyang ama na si James Ford. Nakahiga din ito at may mga kable sa kanyang memory gene na nakakonekta sa hologram computer sa kanilang gitna. Makikita din doon ang butler na si Brigand. Agad namang nagsipasok ang mga doktor at pinakita ang isang hologram tablet kung saan nakalagay ang mga katagang 'Project: Black out.'

Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #TrailblazersМесто, где живут истории. Откройте их для себя