Chapter 52: Loss Memory

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mam, can I work alone?"

"Why Mr. Villaroel?"

"I think I can manage it alone. Ayoko lang magkaroon ng sakit sa ulo sa magiging partner ko." pero hindi niya ako tiningnan.

"That's being arrogant mister." halatang nayabangan si Mam sa sinabi ni Warren. 

"Gusto kong sabihin sa inyo na I dont teach this course just to teach the course. Ang boring nun. How can you simply live youre life alone? With that Mr. Villaroel, I will say no. Ang remember this is my class, youre dad asked me to accept you kahit kakabalik mo pa lang galing Canada. My rules are my rules. That goes to all of you"

Nagkaruon ng isang matinding katahimikan. Si Warren naman medyo hindi maipinta ang mukha.

Humarap siya sa akin at nagsalita.

"Kung magiging sakit ng ulo ka lang sa akin eh mas maganda na ako na lang gumawa ng balance sheets natin"

Ibang iba na nga si Warren. Ibang iba na siya kesa sa Warren na nakilala ko dati. 

Nabago siya ng tatlong taon na pagkawala?

Bakit parang ang bilis niya nakalimutan ang lahat?

Ayokong umiyak.

Hindi ito ang tamang oras at lugar.

"Hindi ako ma-giging sakit ng ulo"

"Prove it!" tapos humarap na siya kay Mam.

Natapos ang unang lesson ni mam para sa extra classes ng di na ulit ako kinausap pa ni Warren. After nung klase eh nagmamadali rin siya na umalis. I tried na habulin siya para kausapin pero natigilan ako.

Bakit kailangan ko pa siyang kausapin hindi ba kitang kita na wala na siyang paki sa akin? Halata naman eh. Hindi niya daw ako maalala? Pero bakit? May nangyari ba sa kanya o talagang ganun na lang ang pagiwas niya sa akin at kinalimutan niya ako ng kusa.

Ganito pala ang mangyayari. Akala ko pag nagkita kami ulit eh, makakapagusap kami ng matino at malalaman namin kung anong nangyari sa amin nun.

And maybe maybe,

We can get back together.

Pero sa ngayon na nangyayari sa amin at sa pag amin sa akin ni Patrick, yun pa ba talaga ang gusto ko?

Parang di na ako sigurado.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon