James x Nadine : Girl to Hate [Part 3]

3.5K 105 14
                                    


According sa Instagram, meron ng tatlong bagong special Charriol girl si James.

1. Si Dev, ang leading lady nito sa serye na dalawang linggo na lang ang itatagal.

2. Si Lexi, ang modelong kaibigan ng kapatid ni James.

3. Si Talia, isang napakagandang artista na kasama sa isang teenage show. Oo, kasi teenager pa siya pero madalas na spotted sa bar kung saan madalas ang squad ni James.

So, ilang Charriol na ba talaga ang pinapamigay ni James? Ang yaman naman pala talaga ng lalakeng iyon.

All these girls, they were called delusional dahil wala naman daw talagang seseryosohin ang isang James Reid.

Nadine toyed with her bracelet na kasalukuyan niyang suot ngayon. Naka-indian sit siya sa kama niya habang nakatingin sa IG. Para siyang sira. Tatlong araw na siyang nakatingin sa profile ni James.

Nadine exhaled at sumandal sa headboard ng kama niya. Kailangan niya na ng bagong raket at trabaho para naman maialis niya ang sarili niya sa social media. All these idle time is driving her completely insane.

As if narinig ang mga panalangin niya, tumunog ang phone niya galing sa Road Manager niya.

Got you a gig at ASAP for this Sunday. Rehearsals on Thursday sa studio.

She texted back to say thank you and that she will be there. Sobrang saya niya dahil sa wakas, makakatapak na siya sa ASAP stage. Napaisip siya kung anong gagawin niya.

And may meeting sa agency bukas. Pinapatawag ka ni Boss V.

Biglang kinabahan si Nadine pero natuwa din. Ibig sabihin, there are more things in store for her.

She smiled. Yes, tama iyan. Kailangan niya na itigil ang pagsstalk sa isang James Reid.

----

Pumunta si Nadine sa meeting at nasurprise siya na makita sina Yassi, Jena, at Lauren. Mga kasabayan niya sa pagpasok sa showbusiness. Nakipagbeso siya sa mga ito at nilingon ang iba pa nilang kasama. Sina MJ, Mark, at Bret. Ngumiti si Nadine at kumaway sa kanila.

She sat to the empty chair next to Bret.

"Hello." sinabi niya kay Bret.

"Hey." Bret said warmly. "Long time no see."

"Oo nga eh." sago ni Nadine.

"What have you been up to lately?" tanong ni Bret.

Stalking your bestfriend.

"Nothing much." Nadine smiled at nagsimula na ang meeting nang dumating si Boss V.

Apparently they have a new movie. Sobrang saya ni Nadine dahil kailangan niya na talaga ng ibang pagtutuunan ng oras niya.

---

"Guess who I'm working with?" Bret jumped on James' couch where James is busy playing on his Playstation.

"Who? Nora Aunor?" James asked without removing his sight on the screen.

"Of course not. Though I won't mind. Guess again." Bret countered.

"Just tell me so you'd stop being all dramatic there." James smirked. Isang oras na din kasi itong naglalaro at isang oras na naghihintay kina Bret at Lee.

"It's Nadine." Umayos ng upo si Bret at ngumiti na parang lovestruck teenager. "I'm doing a movie with Nadine."

"Wait, what?" James paused the game. Nanlaki ang mata ni Bret dahil James doesn't stop the game for anyone. "What movie is this?"

DrabblesWhere stories live. Discover now