"Are you gangsters?"

Biglang tanong ni Sam na bumasag sa katahimikan. Nagkatinginan kami ni Giro.

"Nope, we're not"

Si Erin na ang sumagot habang humihikab.

"Oh, then bat kayo na paaway?"

" You've been on bars right?"

Kumunot ang noo ni Sam sabay tango sa tanong ni Allister.

"Yun naman pala eh, alam mo na ang sagot"

Pabalang na sagot ni Allister. Sinamaan lang sya ng tingin ni Sam.

"Can we sleep here Sam?"

Tanong ni Giro na halatang inaantok na. At parang ang close lang  king makapagsalita sya.

"Sure. May 3 guest rooms pa kami. You can use it."

Wala na agad ang may nagtangkang magsalita samin. Ng matapos kong gamutin si Cas ay nagsipuntahan na sila sa taas kasama kami ni Sam na itinuro ang kanilang kwarto. Ng ayos na sila dun ay umalis na kami ni Sam at naglakad pabalik sa kwarto.

"Ok lang ba talaga sayo na nandito ang mga yun Sam?"

Tanong ko habang pabalik n kami. Tumigil si Sam sa harap ng pinto ng kwarto nya at ngumiti sakin.

"Oo naman no. Tsaka mukhang may mga kaya naman ang mga yun at hindi mukhang masasama . haha. Joke. Anyway kilala mo naman sila kaya ok na yun"

"Mm. Salamat talaga ah. Aberya kasi kapag umuwi pa sila. Sa mga itsura nung mga yun? Tsk. Pero mababait ang mga yun"

Binuksan ni Sam ang pinto at pumasok na. Bumalik na kami sa pwesto namin kanina.

"Good night Sammy"

"Good night din Angel"

Pumikit na kami at natulog without any worry since mukhang mababait nga yung mga lalaking. Well, except sa isa. Rude. Tsk.

*Janess POV

Napamulat ako ng mata ng makaramdam ng bigat sa aking dibdib. Nakatanday ang braso at paa ni Cice sakin.

"Cice. Bigat mo. Oi"

"Mmm"

Umungol lang ito kaya ginising ko ulit. Ilang beses ko pang sinubukang gising hanggang sa magmulat ito.

"Baho ng hininga"

Bulong nito at tinalikuran ako. Inis na bumangon ako at pumuntang cr para magmumog. Ng matapos at lumabas na ako. Napangiti ako ng makitang gising na silang lahat.

"Baba na tayo. Ginugutom na ako" yaya samin ni Ayn.

"Nasan nga pala si Angel at Sam?" Nagtatakang tanong ko

"Baka nasa baba na. Halina kayo." Tumango kami kay Cice. Nag uunat na bumaba kami. Kinusot kusot ko muna ang mata ko. Halos hindi kami nakapag ayos bago bumaba at nakapan tulog pa. Sabog ang mga buhok namin.

"Gisingin mo na sila Angel, para sabay na tayong mag breakfast"
Narinig naming sabi ni Sammy.

"No need *yawn* we're he-"  natigilan si Ayn at napatigil din kami sa paglalakad at gulat na napatingin sa lamesa.

"Ohmygosh!!"

Sigaw ko sabay takbo sa likod ni Cice na gulat na gulat din. Sumilip ako at tiningnan uli ang mga lalaking nakaupo na at isa na dun si Sean na nakatingin kay Angel habang naglalagay ito ng plate. Dahil sa sigaw ko. Naagaw ko ang atensyon nila. Lalong lalo na nya.

Amazonas:Into The World of GangstersWhere stories live. Discover now