Chapter 20

32.8K 1K 42
                                    

THE FINALE

LUMIPAS ang buwan at naging maayos naman ang pagsasama nila Alex at Ellah. Hindi rin nila namamalayang mag-iisang taon na pala ang kambal nila. Parang kahapon lang ng isilang ni Ellah ang kambal ngunit ngayon hito at ipagdiriwang na nila ang 1st birthday ni Dalton at Janella.

At dahil first baby at first birthday ng kambal ay pinaghandaan ito ng mag-asawang Alex at Ellah. Para sa kanilang mga anak ay handa nilang gawing mag-asawa maibigay lang ang magandang buhay para sa mga ito.

"Inday ano yan?" Kunot noong tanong ni Ellah sa katulong nilang nakakabata.

"Ah! ate Ellah, hindi ko po alam. Pinabibigay po ni Sir Kurt. May pupuntahan lang daw siya at babalik din. Regalo daw po niya ito sa kambal." Anito kay Ellah sabay bigay nito ng sinasabing regalo ni Kurt para sa kambal.

"Wifey, what is going on?" May pagtatakang tanong ni Alex na lumapit sa kanyang asawa.

"Nothing hubby, ito gift daw ni Monte Silva sa kambal." Ani Ellah sabay abot nito ng maliit na box kay Alex na nakabalot ng kulay gray.

At dahil nacurious si Alex ay inalog niya ang box at bigla naman may narinig siyang umalog sa loob nito. Kaya agad binuksan ni Alex ang box at ng mabuksan niya yun ay bigla siyang napailing. Dahil dalawang susi ang laman ng boxx. At alam ni Alex na susi yun ng yatch.

"Mukhang gumastos na naman si Monte Silva ng million para sa regalo niyang yan." Curious na turan ni Ellah sa kanyang asawa.

"I think so wifey, pero alam mo naman kung ilang million din ang kinikita ng barko niya. Kaya ayus lang sa kanya ang bumili ng yatch." Saad nito sa asawa.

"I know na malaki ang kinikita ng barko niya hubby. Pero wala ba siyang plano na magkaroon din ng pamilya o mga anak." Katweran nito sa kanyang asawa.

"Alam mo naman ang clan na walang pag-alinlangan basta para sa mga inaanak nila." Anito kay Ellah sabay yapus niya dito mula sa likuran. "At isa pa, malapit na rin maging tatay ang siraulong yun. Munkhang nagpapakatino na talaga ngayon." Dagdag pa nito.

"Ang aga pa Vergara, mamaya na kayo maglambingan dahil nagugutom na kami." Anang boses na nagpalingon sa mag-asawa. Napailing na lang si Alex ng makita niya ang kaibigang si X na buhat-buhat ang anak nito at nakasunod naman si Jham sa kanyang mag-ama.

"Mahiya ka nga, buti na lang at ang kaibigan mo ang nakakarinig e kung ibang tao baka isipin na ginugutom kita." Sita dito ni Jham. Kaya napakamot ng ulo si X dahil sa tinuran ng asawa niya.

Agad na sinalubong ni Ellah ang kumare nitong si Jham. Nakipagbeso-beso ang dalawa bago nila ito inaya sa sala. Inilapag naman ni X ang anak nito na agad nilapitan ang kambal na si Dalton at Janella. Tahimik lang na naglalaro si Dalton samantalang si Janella ay lumalaki itong subrang kulit.

"Ang bilis ng araw, parang kahapon lang e ipinagbubuntis pa natin sila sis, pero tingnan mo at naka one year old na sila ngayon." Ani Jham kay Ellah na napangiti.

"Oo, nga sis. Hindi nga natin namamalayan ang pag-ikot ng araw at panahon. Baka sa susunod na araw ay tayo naman ang sasakit ang ulo. Remember mo naman ang mga tatay nila." Saad ni Ellah na kinaubo ni X. Si Alex naman ay napakamot ng batok.

"Hindi ako babaero noon Ellah, itong asawa mo lang. Kay Jham lang ako nakatingin noon mula pagkabata namin hanggang ngayon. Siya lang itong laging ipinagtutulakan ang macho kung katawan. Hindi man lang naawa sa kagwapuhan ko." Ani X na kinatawa ni Ellah.

"Hoy! Mister wag kang magsisinungaling dahil meron kanang anak. Wag mong ipasa lang kay Alex ang pagiging babaero dahil pareho lang kayo ng liko ng bituka." Saad ni Jham sa asawa sabay pinaningkitan niya ito ng mata.

YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)Where stories live. Discover now