Chapter 7

34.9K 987 8
                                    

LUMIPAS ang mga araw na hindi mapakali si Gretha sa kakaisip kung nasaan si Ellah. Halos wala ng tigil ang mga taohan nito sa paghahanap sa buong kamaynilaan sa dalaga. Pero wala parin balita ang mga ito.

"Hanapin ninyo ang babaing yun, kundi isa-isahin ko kayong ipatutumba mga bweset." Nanggagalaiting ani Gretha.

"Ma'am." Tawag ni Anna kay Gretha.

"Ano?" Galit nitong tanong kay Anna.

"May sulat po para sa inyo." Sabay abot ni Anna dito. Agad naman itong binuksan ni Gretha.

Try to touch my girl again and I swear i'll kill you. Kaya, kung ayaw mong mapaaga ang paglamay sa'yo ay itigil muna ang kahibangan mo. Don't ever try to dare me dahil hindi mo magugustuhan ang ipapalasap ko sa'yo bitch.

Basa niya sa laman ng sulat. Kaya agad itong nawalan ng malay nang wala sa oras. Kaya agad itong binuhat ng isa sa mga taohan nila at dinala ang ginang sa kanyang silid. Pasimple namang kinuha ni Anna ang sulat na binasa ni Gretha at dali-dali siyang nagtungo sa kusina.

"Oh! anong nangyari dun sa bruha?" Ani Lelanie kay Anna.

"Ewan ko dun." Sagot ni Anna sabay upo nito at agad binuklat ang papel na binasa ni Gretha. Agad niya itong binasa ng may kalakasan upang umabot sa pandinig ng mga kasama niya.

Agad silang nagkatinginan sabay ngiti  matapus itong mabasa ni Anna. "Salamat sa Dios, nasa mabuting kamay si Ellah." Anang nakakatanda sa kanila.

"Teka! May sulat akong natanggap e. Para sayo yun ate Anna." Ani Lelanie at dali-dali niya itong kinuha at inabot kay Anna. Agad naman itong binuksan ni Anna.

Hi Ate Anna,

     Kumusta na po kayong lahat dyan, sana po maayos lang kayo. Wag nga po pala kayo mag-alala pa sa'kin dahil nasa mabuting kamay po ako. Kasama ko po ang lalaking mahal ko at mahal ako. Handang gawin ang lahat maprotektahan lang niya. Masaya na po ako dito ate Anna. Wala po akong masabi sa bait nila, they love me ate Anna. Pinapakita po nilang hindi ako nag-iisa na may karamay ako, na may kakampi ako sa aking paglalakbay.

Maraming salamat po sa inyong lahat dyan, dahil kung hindi sa inyo ay malamang alipin parin ako ng mag-inang demonyo na mga yan ate Anna. Kaya utang ko po sa inyong lahat ang pagkakalaya ko mula sa dilim at masalimuot kung buhay. Thank you so much. Mag-iingat po kayong lahat dyan, baka darating po ang araw na magkikita rin po tayong lahat at makakasama ko kayo kung nasaan man po ako ngayon.

Nagmamahal,
ELLAH

Halos maiyak sina Anna sa tuwa ng masiguro nilang ligtas nga si Ellah at maayos na ang buhay niya. Masaya sila para sa dalaga. Agad naman nayakap ni Lelanie si Anna sa tuwa.

"Thanks God at maayos na ang buhay niya at nasa mabuting kamay na siya." Ani Lelanie.

"Tama ka. Thanks God at dininig niya ang ating panalangin." Ani Anna na naiiyak rin sa tuwa.

HABANG natutulog si Ellah sa duyang nasa ilalim ng punong mangga na inilagay ng mga trabahador sa hacienda ay napangiti si Alex habang nakatunghay siya dito.

"Gagawin ko ang lahat to protect you from them baby. I'll kill them if they touch you again." Ani Alex sa isip.

Nakaramdam naman si Ellah na parang may nakamata sa kanya kaya dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Agad siyang napangiti ng mamulatan niya ang nakangiting si Alex.

"Hey! Kanina ka pa ba? Pasensya kana nakatulog pala ako." Ani Ella sabay bangon nito.

"It's okay baby. Basta magpahinga ka lang dahil ayaw kung nagpapagud ka." Saad ni Alex dito sabay upo niya sa tabi ni Ellah.

YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)Where stories live. Discover now