Chapter 2

39.3K 1.1K 22
                                    

GAYA ng sinabi ni Anna ay inihanda nila si Ellah sa pagtakas nito, awang-awa sila sa dalaga dahil nanghihina ang katawan nito. Sanhi ito ng pananakit ng mag-inang Gretha at Trisha sa kanya. Dahil sa awa nila sa dalaga at hindi na nila masikmura pa ang pang-aaping ginagawa sa kanya ng mag-ina kaya ang patakasin na lang ang siyang naisip ni Anna na paraan. Wala na kasi siyang ibang paraan na alam kundi ito na lang. Pasimple nilang ipinasok sa backseats ng sasakyan ang dalagang hinang-hina na ang katawan at namumutla pa.

"Mag-iingat ka, tandaan mo yung habilin ko sayo. Magpakatatag ka at wag sumuko. Mahal na mahal ka namin." Ani Anna kay Ellah. At isang tango lang ang isinagot nito bago sinara ng driver ni Gretha ang backseats ng sasakyan.

Nang marating nila ang pinuntahang lugar ni Gretha ay agad na pinababa nang driver ng ginang si Ellah ng makatalikod ang amo nito.

"Ellah bumaba kana." At dali-dali nitong inalalayan ang dalagang makatayo. "Sige lumakad kana Ellah bago ka makita ni ma'am Gretha. At ito kunin mo at ipambili mo ng gamot at pagkain mo." Sabay bigay ng driver ni Gretha kay Ellah ng pera at ipinagtabuyan siya nitong umalis.

Kahit hindi alam ni Ellah kung saan siya pupunta ay tiniis niya ang sakit ng katawan niyang tila sa anomang oras ay babagsak na. Naglakad siya na walang kasiguraduhan kung saan siya pupunta. Hanggang makarating siya sa isang grocery store. Doon ay naupo siya sa di kalayuan at nagpahinga dala na rin ng sakit ng katawan niya.

SAMANTALA matapus ang kasal ni X ay kinabukasan rin ay hinanda muli ni Alex ang sarili sa pagbabalik sa kanilang hacienda. Mababakas mo naman sa ina ni Alex ang lungkot sa isiping babalik na naman siya ng hacienda.

"Anak, aalis kana?" Ang malungkot na tanong ni Weng sa anak niyang si Alex ng makita niya ito.

Agad namang lumapit si Alex sa ina at niyakap ito at hinalikan sa noo. "Yes! Mom, I need to go. Gusto ko kasing personal na bantayan ang pag-ani ng palay sa hacienda." Anito sa ina.

"Okay! Pero, pwede bang dalasan mo naman ang pag-uwi dito sa bahay anak." Ang maluha-luhang anang ginang.

"I will, Mom. Kaya wag na kayong malungkot." Nakangiting aniya nito sa ina. "I love you, Mom." Paglalambing pa nito sa ina.

"I love you too, anak. Hays! ang laki niyo na nga at hindi magtatagal ay magkanya kanya na kayo ng pamilya. At kami na lang ng daddy niyo ang maiwan dito sa bahay." Ang hindi maiwasang naisatinig ng ginang.

"Hey! Anong drama ang mayron dito?" Ani Axel na nakangiti.

"Isa ka pang bata ka. Puro pambabae ang inaatupag mo." Ani Weng kay Axel kaya napakamot ito ng batok. "Mom naman. Nagbago na kaya ako. I swear God." Anito sabay taas niya ng isang kamay.

"Saan ang punta mo baby princess at may dala kang maleta?" Agad na tanong ni Axel sa bunso nilang kapatid ng makita niya ito.

Nakangiti namang lumapit ito sa mga ito. "Sasama ako kay kuya Alex sa hacienda." Mabilis nitong sagot.

"What? No-no-no, manggugulo ka lang doon bunso. Kaya hindi ka pweding sumama sakin." Agad na tanggi ni Alex sabay iling nito ng ulo.

Dahil sa ayaw isama ni Alex si Aslea ay agad itong umiyak. "I hate you kuya." At agad itong yumakap sa mommy nila. "Mom! I hate kuya." Saad pa nitong kinailing ng mga kuya niya.

"But umiiyak ang prinsesa ko?" Tanong ni Aljhon na kalalabas lang mula sa mini office niya.

"Dad, ayaw akong isama ni kuya sa hacienda." Agad nitong sumbong sa ama. Iiling-iling nalang si Alex. At si Axel naman ay natawa na lang ito sa inasta ng kapatid nila.

Kung hindi lang siguro mahal na mahal ni Alex itong bunso nilang kapatid ay baka naipasok na niya ito sa sako dahil sa kakulitan. Kahit na ilang beses pa niya itong pagalitan ay dadaanin lang siya nito sa iyak. Alam na alam nitong yun ang kahinaan niya, dahil pinakaayaw ni Alex ang babaing umiiyak sa harapan niya. Pakiramdam kasi niya ay parang pinipiga ang puso niya.

YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant