Chapter 8

34K 888 2
                                    

KARARATING lang nila Ellah at Alex mula sa farm ng makita nila si Aslea Dennisse na tila hinihintay talaga sila nito. "Hey! Guys, mukhang nag-enjoy kayo sa farm?" Anitong nakangiti habang nakatingin sa kanila.

"Of course baby Princess. Bakit kasi ayaw mong sumama?" Ani Alex sabay halik nito sa ulo ng kapatid.

"Nhaaaa! Ayaw ko lang magpainit kuya." Anitong pinaikot pa niya ang mga mata na kinailing ng binata.

"Um. Kuya." Kagat labi nitong tawag sa binata. "Yes! Baby Princess?" Kunot noong ani Alex sabay upo nila sa couch. Magkatabing nakaupo ang magkasintahang Alex at Ellah habang si AD ay sa pang-isahang upoan siya nakaupo.

"I wanna go home." Anitong seryoso ang mukha.

"Okay! Next week ihahatid ka namin ng ate Ellah mo." Ani Alex sabay baling nito sa katabi.

"No, kuya I mean gusto kung mauna na sa'inyo. Sasabay ako kay Mang Ando na pupunta ng Maynila tonight." Saad nito sa kapatid.

"Hindi ka uuwi, ako maghahatid sa'yo." Matigas na anang binata. "Kuya, please. Si mang Ando naman ang kasama ko e," giit pa nito sa kapatid. "Please kuya." Makaawa nito. Napabuntong hininga naman ito.

"Okay!"

Pagsuko ng binata na kinangiti ni AD. "Thank you kuya, kaya love kita e." Paglalambing pa nito sa kapatid.

"Tst! Kung hindi lang kita kapatid ay baka naisako na kita. Mabuti nga at natatagalan ni Belmonte yang ugali mo. Kung ako ang boyfriend mo e baka iniwan na kita." Ani Alex na kinanguso naman ng dalaga. Samantala tahimik lang na nakikinig sa magkapatid si Ellah.

KINAHAPUNAN ay handa na si AD upang sumabay sa pagluwas ni Mang Ando patungong Maynila. Wala na ngang nagawa ang binata sa kagustuhan ng kapatid na maunang umuwi.

"Mang Ando, kayo na po ang bahala dito sa kasama niyo. Alam niyo naman po ang ugali nito." Ani Axel sa ginoo. "Wag kayo mag-alala Sir. Dahil ako na po ang bahala." Anitong nakangiti kay Alex na agad binalingan ang kapatid niya.


"Don't do silly thing." Paalala naman nito sa kapatid. Kung iba lang siguro ang sasamahan nito ay hinding-hindi niya ito papayagang mauna sa kanilang umuwi. Pero dahil meron siyang tiwala kay Mang Ando kaya pinayagan niya ang kapatid. "I will kuya." Sagot naman nito sabay yakap sa kanyang kinailing niya.

"Bunso, take this." Sabay abot naman ni Ellah ng lalagyan ng tubig kay AD. "Oh! Thank you ate. Buti naisip mo 'to, makakalimutan ko na naman magdala ng tubig." Anitong nakangiti sabay yakap niya kay Ellah.

"Mag-iingat ka ha!" Ani Ellah sabay pisil nito ng magkabilang pisngi ni Aslea Dennisse na napangiti.

"Sure ate, I will," sagot nito. "So, bye guys. See you then in Manila soon." Anitong nakangiti bago pumasok sa sasakyang minamaneho ni Mang Ando.

Ng mawala na sa paningin nila Alex at Ellah ang sinasakyan nila AD at Mang Ando ay saka sila nagpasyang pumasok sa loob ng mansyon.

"May problema ba?" Kunot noong tanong ni Alex kay Ellah ng mapansin niya itong ani mo'y napakalalim ng iniisip niya. "Huh! Ano, iniisip ko lang ang kapatid mo. Parang may tinatago siya e. Hindi ko lang kayang arukin kung ano. Pakiramdam ko may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya kayang sabihin." Ani Ellah na seryoso ang mukha.

"Baka, ganun lang talaga ang kapatid ko. Minsan kasi hindi mo alam kung ano ang nasa isip niya." Ani Alex sabay halik nito sa noo ni Ellah.

"Sana nga mali lang ako ng hinuha." Anito sabay pulupot niya ng dalawang kamay sa baywang ni Alex.

KINABUKASAN ay nagpaiwan si Ellah sa mansyon ng pumunta sa malawak na farm ng mga Vergara si Alex. Kaya agad nitong tinungo ang kwartong ginamit ni AD. Dahil iniwan ng dalaga ang mga gamit niya para magamit ito ni Ellah ay nakaligtaan rin niya ang ilang gamot na ginagamit nito sa kanyang maleta. Ng makita ito ni Ellah ay bigla siyang napatutup sa nakita.

YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)Where stories live. Discover now