Chapter 15

32.8K 880 6
                                    

NAGHIHIMUTOK ang kaluoban ni Tsisha habang paalis sila sa mansyon na pag-aari ng mga Ramerez. Ang mga kasambahay naman ay tuwang tuwa ang mga itong napalayas ang mag-ina.

"Buti nga sa kanila, mga ambisyosa na akala mo pa kay ganda-ganda nila." Anang isa sa mga kasambahay na naroon.

"Hey! Magtrabaho na lang tayo bago dumating ang bago nating boss." Ani Anna sa mga ito. At agad naman tumalima ang mga ito.

Gaya ng sabi ni atty. Castillo sa kanila ay agad nila itong sinunod. Pinalitan nila ang mga kurtina sa loob ng mansyon, pati ang kubre ng mga kama ay pinalitan din nila.

"Waaaahh! Pakiramdaman niyo ang loob ng bahay guys, naging tahimik at payapa." Anang nakakabata sa mga kasambahay ng mga Ramerez.

"Wala na kasing sugo ni Satanas na naghahasik ng lagim sa loob ng bahay na ito." Sigunda naman ng isa.

"Sarah, Liza hala maglinis na kayo ng katawan at ihahanda ko na ang haponan." Anang nakakatanda sa mga ito. "Opo nanay Fhe." Sabay na sagot ng dalawa. "Kuskusin niyo pati singit niyong dalawa ha." Pabirong ani Lelanie sa dalawa.

SAMANTALA bandang hating gabi ng maramdaman ni Ellah na parang may kakaiba siyang nararamdaman sa kanyang tiyan. Parang gusto niyang magbanyo na ewan. Kaya agad nitong ginising si Alex.

"A-alex. Alex!"

"Hmmmp?"

Papungas-pungas itong bumangon. "Alex, manganganak na atah ako." Anito habang pinagpapawisan at hawak-hawak ang maumbok niyang tiyan.

Dahil sa sinabi ni Ellah ay agad bumaba sa kama si Alex at binulsa niya ang susi ng sasakyan. Ang phone nito ay dali-dali niyang nilagay sa bag ni Ellah na meron mga gamit nila ng baby kung sakaling manganak na ito. Matapus niyang maisilid ang phone niya ay agad nitong sinukbit sa balikat niya ang bag bago lumapit sa kama. Binuhat nito si Ellah at agad lumabas ng kanilang silid.

Pagkalabas nila ng bahay ay agad nilang tinungo ang kotse ni Alex. Agad naman silang napansin ni Axel na ipinagtaka ng isa.

"Bro, what's going on?" Ani Axel sa kabilang bahay. Nagpapahangin ito sa labas ng silid nila kung saan ang maliit na veranda.

"Bro, manganganak na atah si Ellah." Ang sagot ni Alex sa tanong ng kapatid. "Get in the car at ako ang magdrive." Anito na dali-daling lumabas mula sa kanilang silid.

Halos takbuhin ni Axel ang paglabas mula sa kanilang bahay marating lang ang sasakyan ng kapatid kung saan siya hinihintay ng mga ito. Agad pumasok sa sasakyan si Axel at inistart niya ito. Mabilis pa sa alaskwatro ng paharurutin niya ang Sedan ES350 brand new car ni Alex.

"Baby, hold on. Malapit na tayo sa hospital." Pagpapakalma ni Alex kay Ellah na pinagpapawisan.

Dahil sa wala namang gaanong traffic ay ilang minuto lang ang tinagal nila sa byahe at narating nila ang hospital. Agad bumaba ng sasakyan si Axel at tumawag ng nurse. Dahil kilala ang pamilya nila ay agad naman silang inasikaso ng mga nurse na naroon. Agad nilang isinakay si Ellah sa strecher at dinala nila sa delivery room.

Habang hinihintay nila sa labas ng delivery room si Ellah ay lakad upo ang ginagawa ni Alex. Tinatambol ang dibdib nito sa nerbyos. Excited siya na kinakabahan para sa mag-ina niya.

Ang napapadaan naman sa labas ng delivery room na mga kababaihan ay halos hindi nila maihakbang ang mga paa. Dahil sa dalawang makisig na binata ang naroon. Ang kambal ay parihong nakasuot lang ng pants at pinarisan nila ng sando. Kaya litaw na litaw ang maskulado nilang katawan.

"Bro, kumusta ang mag-ina mo?" Anang boses na nagpalingon sa kanila. "Hindi pa lumalabas ang doctor sa loob bro." Sagot ni Alex sa kararating lang na si Duncan. Ito kasi ang unang tinawagan ni Axel pagdating nila ng hospital.

YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt