Chapter 6

35.6K 999 20
                                    

Warning:Rated SPG

HABANG nakahiga sina Alex at Ellah ay nakayakap ito sa matipunong dibdib ng binata. Napapasarap ang tulog niya habang yakap-yakap siya nito. Pakiramdam niya ay walang kapahamakang naghihintay sa kanya dahil lagi siyang ligtas sa mga bisig nito.

"Alex!"

Tawag niya dito habang nakapikit parin ang kanyang mga mata at ang hintuturo naman niya ay pinapaikot-ikot niya sa dibdib ni Alex. "Hmmp?"

"Ilang babae na ang nagalaw mo? Alam ko kasi kaliwat kanan ang mga fling girlfriend niyong magkakaibigan, maliban kay X na si Jham lang ang nakikita niya at wala ng iba." Anito sa binata.

"Baka ma-insecure ka lang kung malalaman mo." Ani Alex. Agad namang napatingala si Ellah dito. "So, tama nga ako. Ang silent hunks ng Vergara na kung titigan ka niya ay nakakatakot ay marami na ngang naging fling girlfriend." Taas kilay nitong aniya na kinangiti ni Alex. "Bakit nakakatakot ba ako noon?" Nakangiti nitong tanong kay Ellah.

"Oo, ang weird mo kasi minsan. Hindi ka palasalita gaya ng kakambal mong si Axel na madaldal, yun nga lang lantarang playboy. Pero I know, marami kang fling girlfriend hindi nga lang gaya ni Axel, si Tyrone, Blake and Flake, si Yugene at si Rain na kahit nasa public place ay nakikipaghalikan." Nakanguso nitong aniya sa binata na kinatawa naman nito.

"Mukha atang, kilalang-kilala muna ako ha!" Sabay pisil nito ng bahagya sa ilong ni Ellah. "Ako pa." May pagmamalaki nitong saad.

"Sige nga, try natin kung kilala mo nga ako. At bawat mali mo ay kiss ang parusa." Paghahamon ni Alex dito.

"Deal."

"Favorite food and drinks?" Una nitong tanong. "Gusto mo ng adubong manok and beef steak na medyo maanghang. Allergy ka sa isda at talong. Mahilig karin sa cake at coffee but always vanilla flavor," anitong tila siguradong-sigurado sa mga sagot niya.

"Softdrinks. Kahit na ano. At pagdating naman sa liqour ay kahit ganu pa karami ang maiinum mong inuming nakakalasing ay mahirap kang tamaan. Your still acting like normal I mean parang hindi ka nakainum ng nakakalasing dahil matino ang pag-iisip mo at sarili mo." Proud nitong sagot sa tanong ng binata.

"Uhm! Magaling. How about favorite color?" Pangalawa nitong tanong.

"Black."

"Favorite sport?" Third question nito sa dalaga. "Basketball and car race." Mabilis na sagot ni Ellah.

"My beautiful stalker?"

"That was me I guess!" Nakangiting sagot ni Ellah.

"My everything?" Tanong nito at napaisip naman si Ellah.

"Hmmm. I'm not sure kung kabilang ba ako dyan. Kaya hindi ko alam?" Sabay dapa nito sa dibdib ni Alex pero nakangiti parin.

"Your belong in my everything Ellah." Seryoso nitong sagot sa dalaga.

"Thanks. So, may parusa ako nito." Anitong sabay kagat niya ng pang-ibabang labi.

"Sa tingin ko, kaya dapat mo ng umpisahan." Sabay kindat nito. Agad namang inilapit ni Ellah ang kanyang labi sa labi ni Axel at dinampian ito ng halik. Ngunit agad ding itong hinapit ng binata sa baywang kaya napayakap ito kay Alex at ang simpling halik ay naging mapusok. Kaya ng maghiwalay ang kanilang mga labi ay habol nila ang hininga dahil kapwa sila kinapus ng hangin.

"Ellah!!!"

"Uhmm????"

"Maniniwala ka ba kong sasabihin kung mahal na kita?" Seryoso nitong aniya kay Ellah.

YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя