Chapter 10

32.2K 960 9
                                    

HABANG nasa hospital sina Ellah ay bigla itong nakaramdam ng pagkahilo. Hawak hawak nito ang noo habang nakaupo sa couch. Agad naman itong nahalata ni Jasmine.

"Sis, okay ka lang?" Ani Jasmine dito. "Para akong nahihilo sis, nanibago lang siguro ako dito." Saad ni Ellah kay Jasmine.

"Sigurado ka sis?" Paniniguro pa ni Jasmine na bahagya lang nginitian ni Ellah.

Makalipas lang ang ilang minuto ay bigla itong napatakbo ng banyo. Kung saan ang kwarto ni Aslea Dennisse. Pagkapasok niya sa loob ng banyo ay agad siyang nagduwal sa loob nito.

"Sis, buntis ka?" Tanong ni Jasmine dito ng sundan niya ito sa loob ng banyo. Agad nitong hinagud ang likod ni Ellah habang pinagpapawisan ng malapot.

"Hindi ko alam sis e. Pero nitong nagdaang araw e para akong nahihilo at ito nga nagduduwal ako." Sagot nito kay Jasmine.

Nakangiti naman itong hinawakan ni Jasmine sa kamay. "Alam kung makamandag ang lahi ng mga Vergara. Kaya tiyak nakabuo na kayo agad ni Alex. At hindi na yun nakapagtataka." Ani Jasmine.

"Mga hija, anong ginagawa niyo dyan?" Maya ay tanong ni Weng sa dawang nasa loob ng banyo. Bigla namang nagkatinginan ang dalawa sabay ngiti ni Jasmine kay Ellah.

"Ah! Ano po kasi tita, nahihilo po ako e." Ani Ellah sa ginang.

Nahulaan naman ng ginang ang nangyayari. Kaya nakangiti itong inakay ang dalawa palabas ng banyo.

"Mamaya anak ay dadalhin kita sa OB ko noong sina Alex at Axel pa ang pinagbubuntis ko hija." Anang ginang.

"T-tita di po kayo galit?" Maya ay tanong ni Ellah.

"Bakit naman ako magagalit hija. Apo ko yan at dumaan din ako sa pinagdadaanan niyo." Anang ginang na nakangiti. "Alam kung mahal na mahal kayo ng mga anak ko." Dagdag pa ni Weng. Kaya naman agad na niyakap ng dalawa ang ginang dahil sa tuwa.

Nang dumating si Aljhon ay iniwan muna nila itong magbantay kay AD at dinala ng ginang si Ellah sa dati niyang OB. Dahil sa kilala si Weng sa naturang hospital ay wala ng pasikot-sikot pa at agad silang dinala ng isa sa mga staff ng hospital sa mismong opisina ng dating OB ng ginang.

"Mrs. Vergara, kumusta po. Long time no see, naligaw ka atah sa opisina ko?" Anang nakangiting duktora.

Bigla naman natawa si Weng sa tinuran ng duktora. "Oo, nga mahigit twenty years na hindi ako nadalaw dito sa opisina mo." Anang ginang. Agad naman silang pinaupo ng duktora.

"So, anong maipaglilingkod ko?" Tanong ng duktora.

"We'll, we are here because I want you to check my son girlfriend. Dahil mukhang nakabuo na sila." Anang ginang na nakangiti.

"Kita mo nga naman ang bilis ng araw. Parang kahapon lang ng dalhin ka ng kaibigan mong si Mrs. Villagas na ngayon, noon dito. Ngayon ay ang magiging asawa na pala ng kambal ang titingnan ko." Anang duktora. "So, girlfriend ba ng kambal itong dalawang magagandang kasama mo?" Tanong pa nito.

"I'm proud to say, yes! Ellah is Alex girlfriend and Jasmine, Axel's girlfriend." Anang ginang na proud ipinakilala ang dalawa.

"Nice to meet you mga hija. I am doctor Rhea ang OB ng soon to be mother in-law niyo noon." Anang nakangiting duktura. Nginitian naman ito ng dalawa.

Makalipas ang ilang minuto ay sinuri ni duktora Rhea si Ellah. At may mga bagay din itong tinanong sa dalaga. Hindi naman nagtagal ng lumabas ang resulta ng pagsusuring ginawa ni duktora Rhea kay Ellah. Nakangiti itong hawak-hawak niya ang puting papel na naglalaman ng resulta.

YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)Where stories live. Discover now