Chapter 13

34.1K 907 9
                                    

HABANG nakaupo si Duncan sa kanyang opisina ay bigla siyang nakarinig ng katok mula sa pinto ng kanyang opisina. Kaya agad siyang umupo ng tuwid.

"Tok. Tok"

"Come in."

"Ah! Sir, may naghahanap po sa inyo dito. Frank Murillo daw po ang pangalan." Anang secretary ni Duncan.

"Papasukin mo siya." Nakangiti nitong utos sa kanyang secretary na agad din naman tumalima.

"Kumusta ang big boss?" Ang nakangiting ani Frank matapus nitong ipihid pasara ang pinto ng opisina ni Duncan. "Siraulo, ito gwapo parin." Anito na agad sinalubong ang kaibigan.

"Long time no see." Ani Frank. "Gago, long time no see ka dyan. Parang hindi mo alam." Sagot nitong naiiling.


Agad na inalok ni Duncan na maupo si Frank sa nakalaang couch sa loob ng opisina nito. "What drinks do you want?" Tanong niya kay Frank.

"Anything bro." Anito kay Duncan. Kaya agad na nagsalin ng alak ang binata at inabot yun kay Frank.

"Kailan mo planong magpakita sa kapatid mo?" Tanong ni Frank dito.

"Kapag nabawi ko na ang lahat ng pag-aari namin bro, right now I'm not yet ready. Sa tamang pagkakataon ay magkikita rin kami. May tiwala naman ako kay Vergara, yun nga lang binuntis na pala ng gagong yun ang kapatid ko," natatawa nitong saad kay Frank sabay iling.

"Kung hindi ko lang siya kilala ay baka naputulan na siya ng armas sa'kin." Dagdag pa nito.

"Don't worry bro, safe siya sa isang yun. Mahal niya ang kapatid mo at alam mo kung paano siya magmahal." Seryosong turan dito ni Frank.

"Kaya nga bro, panatag akong kumikilos dahil alam kung ligtas siya ngayon." Anito sabay buga ng hangin.

"By the way bro, nandito na ang lahat ng mga papers na kailangan mo. Kung may kailangan ka pa ay tawagan mo lang ako." Sabay abot nito ng brown envelope kay Duncan.

"Thank you bro, hindi talaga ako nagkamaling sayo humingi ng tulong." Anito kay Frank. "Wala yun bro, basta kung kailangan niyo ng tulong ay nandito lang naman ako." Ang nakangiti nitong turan kay Duncan.

"We know that bro. By the way, kumusta si Erica?" Pag-iiba nito ng kanilang usapan.

"She's good bro, minsan nga lang pabago-bago ng timpla ng mode wings. Kung hindi niya ako inaaway ay bigla na lang iiyak at may iba na daw akong mahal. God! Bro, buti na lang at mahal ko. Dahil nakakabaliw." Anitong naiiling.

"Ika nga nila bro, kung mahal mo ang isang tao ay lahat kaya mong gawin. Walang imposeble pagdating sa mahal mo. Ang mga bagay na hindi mo inaakala ay nakakaya mong gawin, ang mga bagay na hindi mo ginagawa ay nagagawa mo." Ani Duncan sabay tapik sa balikat ni Frank.

"Nhaaaaa! That's true bro." Ang natatawa nitong pagsang ayon kay Duncan.

Hindi rin naman nagtagal si Frank sa opisina ni Duncan at agad din itong umalis. Ng makaalis si Frank ay agad nitong tinawagan ang kanyang taohan.

"Hello. John come here in my office at may ipapagawa ako sayo." Anito sa kausap. Matapus ang pag-uusap nila ay agad din niya ibinaba ang tawagan.

Makalipas lang ang ilang minuto ay muling may kumatok sa opisina ni Duncan. At agad iyon bumukas.

"May problema ba Sir?" Agad na tanong ng bagong pasok kay Duncan.

"Nothing John, pero gusto kung makipagkita ka kay Miss Castillo at dalhin mo sa kanya ang lahat ng papers na ito." Sabay abot nito ng brown envelope kay John.

YOU ARE MY EVERYTHING(Completed)Where stories live. Discover now