Chapter 45

15.1K 515 74
                                    

Allexa's POV

"Merry Christmas!" Sabay sabay naming bati at nagpaputok yung iba ng cofetti. Bigla tuloy naging maingay at magulo yung mga batang pinaghirapan naming paupuin sa mahabang table.

"Hep sandale!" Sigaw ni Kalbo na nakahawak ng wokitoki pero nagsikuha padin yung mga bata ng pagkain.

"Hayaan mo na, nagutom sila sa paglalaro, it's all your fault" sabi ni Solar na nasa tabi niya.

"Ako na naman!? Ganyan naman kayong mga babae eh! Laging kaming mga lalake ang may kasalanan!" Sumbat niya.

"It's really your fault you stupid monkey!"

"Wag mo akong iningles ha! Don't me!"

Tumingin si Solar sa akin with a confused look, "ano'ng don't me?" Tanong niya sakin and I shrugged my shoulders. Malay ko ba kung ano ang 'don't me', nababasa ko din sa Facebook yun eh.

"Sige mga bata, kain lang ng kain" sabi ni Nathaniel habang nirerefill yung fried chicken.

"Huy Len! Sabi mga bata!" Sabi ni Crystal na nagrerefill ng spaghetti at nagbellat si Allen saka pinuno yung plate niya. He is seated between two little girls na mukang nalove at first sight sa kanya.

If you are wondering where we are celebrating Christmas, we're in the orphanage where Kalbo and the others came from.

The girls are here, pwera kay Kate kasi magbabakasyon daw sila ng sister niya. Wala din ang parents ko, nagto-tour daw sa Europe, but Lolo is here! Siya ang naging Santa Clause at gustong gusto siya nung mga bata at number one na tuwang tuwa si Allen na nasa front seat kanina nung show ni Lolo.

We are really trying our best to give these kids the best Christmas celebration and I think we are succeeding due to the smiles on their faces.

I looked at my left, Jason and Mary Jane are coming towards us with food on their hands. Nag usap na sila tungkol sa kasal and they decided to do it on summer. Yup, on summer. Magiging working student si Jason sa company nila while Mary Jane will pursue Designing and Arts para daw hindi hassle sa relationship nila. According to them, bakit pa nila papatagalin kung nahanap na nila ang right person. Oh! And they agreed to live in Germany.

Natamaan tuloy kami ni Bryce tungkol sa kasal kasal. Ang amin lang naman, gusto naming makatapos muna dahil pareho kaming malaki ang expectation ng family namin samin.

Oh! One more good news! My mom is pregnant! Yey! Magkakaron na ako ng baby brother! Or..sister? Kahit ano na, I will still love him or her. Kaya hindi ako nag aalala sa company ni Lolo kasi may isa pa naman siyang heir. Diva? Wahaha! Selfish lang eh!

Sina Kurt at Kate naman, hindi pa official, bilib din ako kay Kate kasi matagal pala siyang magpaligaw, akala ko bibigay na siya agad, okay na din yun para machallenge pa lalo si Kurt.

Nathaniel and Crystal is a little bit too much. Kung Oa kami ni Bryce, mas OA sila. Lahat na ata ng 'sary' sineselebrate nila! Una yung weeksary--naging official kasi sila a week after nung bad incident--, then 2weeksary (I didn't know na may ganun), at feeling ko, madami pa silang iseselebrate (lahat, idea ni Nathaniel).

Allen and Ashley, I don't really know. Naalala ko kasi nung birthday ko na meron si Ashley, hindi sila nagpapansinan. I want to know why pero puppy love problem yun kaya di ko na tinanong si Allen.

Me and My Boys VOLUME 3Where stories live. Discover now