Chapter 9: Yello, Green

14.9K 644 46
                                    

A/N: I didn't proofread this chapter po, please bear with the typos, hehe

And please make me smile by clicking that little star below your screen, thank you!

Happy reading!


"tahimik!" sigaw ni Etong, natahimik kami and we all looked at him, bakit siya umaaktong class president?

Inilapit niya yung phone sa tenga niya, "hello? Mommy?"

"uy si mommy niya!" sabi ni Kalbo at nag unahan kaming pumunta sa likod ni Etong sabay sigaw ng "hi mommy!" "hello mommy!" "mommy! Kumusta!"

Tumayo si Etong at mabilis siyang lumabas saka lang kami tumigil sa kakasigaw ng mommy, hehehe

Meron kaming teacher, nasa harap at nagchecheck ng papers namin. Alam kong hindi maganda yung maingay habang may teacher, pero kasi talagang nakakahawa ang mga friends ko.

"quiet! Mamaynusan ko kayo!" sigaw ni ma'am Talob, History teacher namin.

"oi! Quiet daw!" sigaw ko.

"ikaw ba ang class president!?" tanong ni Kalbo.

"hindi" sagot ko.

"hindi naman pala eh" sabi niya tapos ang ingay na naman.

"kelan nga pala ang election?" tanong ko kay Kurt and he paused on hitting Ferdie with a catapult. Ferdie is our classmate na hindi ko nababanggit. Hehe

"this month ata, bakit?" tanong niya.

"natanong ko lang, sino ang magiging classroom president natin?"

"si Jason, as usual" sagot ni Ilong na naglalaro ng kung ano mang nasa phone niya.

"paano mo napagsasabay ang makinig sa usapan ng iba at paglalaro niyan?" tanong ni Elias.

"talent pre" sagot ni Ilong.

"tut mo," sabi ni Elias tapos bumalik uli siya sa kwentuhan nila ni Allen.

"mas maganda ang talent ko." Sabi ni Nathaniel tapos humikab siya, mukang di siya nakatulog ng maayos.

"talent mong kumain?" tanong ko.

"di ah, mas maganda pa dyan. I am talented in sleeping, I could do it with my eyes closed! See!?" he said tapos he closed his eyes and rested his head on his armchair.

"talented nga" sabi ko

"you know" siksik ni Bryce na parang inaantok na din, " they said, your future depends on your dreams, so let's all go to sleep so we could have a great future" sabi niya sabay sandal at pumikit rin.

"nakakainggit ang talent nila" sabi ni Kurt, "andali nilang makatulog"

"oo nga eh" tapos nagsnore pa si Nathaniel, "anyway, sa tingin mo tatakbo uli si Kyle bilang president?"

"dunno and don't care" sagot niya.

"iboboto ko siya kung sakali" sabi ko, "kasi madami naman siyang nagawa para sa school natin"

"like what?" tanong ni Rod.

"mm, peace on earth and good will to men? Hehe" sagot ko, wala kasi akong maisagot, ano nga ba yung mga nagawa niya?

"hindi, madami talaga, hindi niyo lang nakikita kasi yung mga hindi niya nagawa lang ang nakikita niyo" siksik ni Elias.

"at kelan ka naman naging interested sa politics?" tanong ko.

"ewan ko" he answered.

"okay nga yung marunong sila sa politics, at least bukas ang isipan nila sa mga ganung bagay." Said Kurt and I nodded in agreement.

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon