Chapter 43

14.1K 530 74
                                    

Crystal's POV

Lumipas ang isang oras saka ko napahinahon si Allexa, kahit gusto kong sabayan siya sa iyak, hindi ko ginawa dahil dapat maging malakas ako para sa kanya.

Sinabi niya sa akin ang tungkol sa dating gang ni Nel, kung paano siya nawala sa sarili niya at kung paano siya umatake sa Alpha house.

"Nabalitaan namin na gusto ka niyang kunin, and for some reason, nalaman ata niyang kukunin ka namin kaya naisipan niyang umatake. He attacked us. Hindi namin alam na gagawin niya iyon. Hindi prepared sina Bryce." Sabi ni Allexa. Nakaupo na kaming dalawa sa damuhan at nakasandal sa sasakyan.

"Hidi ko alam kung okay lang sina Bryce, I threw my phone away para hindi nila ako matrace. Hindi ko alam kung paano ko sila makocontact." Dagdag niya.

Nilunok ko ang iyak na namumuo sa lalamunan ko at sinubukang nagsalita.

"Okay lang sila, mga gangster nga sila di ba?" Sabi ko, pero pakiramdam ko, niloloko ko lang kaming dalawa.

"Nung humiwalay si Nathaniel, humiwalay din ang kalahati sa Phoenix. And now, they are fighting each other." Pumikit siya't ibinaon sa palad niya ang muka niya, "I want to die" she muttered.

"Hindi ako papayag." Sabi ko at tumayo ako, "walang namatay at walang mamamatay." Tinulungan ko siyang tumayo, "makinig ka. Ikaw ang bestfriend ni Nathaniel at ako ang soon to be girlfriend niya, sigurado ako doon. Kung meron mang makakatulong kay Nel, tayo iyon"

"Ano'ng binabalak mo?" Tanong nya at umikot ako sa sasakyan saka pumasok. Pumasok na din siya at nagseatbelt.

"Pupuntahan natin si Nel"

"No!"

"Ba't ka ba natatakot kay Nel!?"

"Hindi ako natatakot sa kanya, natatakot ako sa kung ano'ng gagawin niya sayo! He can kill me if that will make him happy pero not you!"

"Huwag kang mag alala. Walang mangyayari satin." Sabi ko at inistart ko tung sasakyan.

"Ohmygod!" Sigaw niya at napatingin ako sa kanya, "who..who gave you your earings?"

"Si..Nel" sagot ko at saktong may umilaw mula sa likod namin.

"They found us" sabi ni Allexa.

Allexa's POV

We saw Nathaniel climbed down from his car followed by many men. Nagtinginan kami ni Crystal.

"Baba na tayo" sabi niya at tumango ako. Sabay naming binuksan yung pintuan at bumaba kami sa sasakyan at pumunta ako sa tabi ni Crystal with my gun safe in my hand.

"Lexa, bakit ka tumakbo?" Tanong ni Nathaniel. Hindi ko siya makita ng husto dahil nasisilaw ako sa light ng sasakyan niya.

"You shot everyone!" Sigaw ko. Then the lights went off at iniadjust ko ang mata ko sa paligid. It's full moon kaya madaling nag adjust ang mga mata ko. And I saw him for the first time in 4 days. His moves are calculated pero mukang less stressed na siya. Why? is it because he is winning?

"Crystal, halika dito" utos ni Nathaniel habang nakatingin sa hawak ko.

"Bakit Nel?" Tanong ni Crystal, alam kong nagpipigil lang siya ng iyak.

"Just come here." Sagot ni Nathaniel.

"At ako?" Tanong ko, "ano'ng gagawin mo fsakin?"

"Let's go home" seryosong sabi niya at napatingin siya sa hawak kong baril, "but first, you have to get that thing away from you.

I lifted my hand and pointed my gun to my temple.

"Allexa! Huwag!" Sigaw ni Crystal and I stepped away from her. Tumingin uli ako kay Nathaniel. He looked horrified at humanda siyang tumakbo palapit sa akin but I stood straight.

Me and My Boys VOLUME 3Where stories live. Discover now