Chapter 42

13.2K 470 78
                                    

A/n: I have entered my books in wattys2016! Please please please dear readers, help me win by mentioning my books and add #wattys2016 in social media (esp.in Twitter), easy as pie! Tag me too so I can follow you back. Thank you!!^__^v

You can follow me in Twitter too! Just search Jaychowder04. hehehe

P.S: Madaming POVs po sa chap na ito, watch out.

----------------------

Jason's POV

Nakaupo si Tan sa pinakamataas na upuan, pinagpatong patong nila ang mga sirang upuan sa gitna ng pavement sa harap ng dating kampo nila kung saan isinuko ni Tan noon ang Brusko. Andoon din yung mga kaibigan namin at pansin kong tensyondo sila. May mga bagong muka pero mukang mas matanda sila samin.

"Tan" tawag ni Bryce nung nasa gitna na kami ng pavement.

"Bryce" sabi ni Tan, mukang mas pagod na siya ngayon. Halos hindi ko na siya makilala. Saan nagpunta yung Tan na laging inaalala ang itsura?

"Umuwi na tayo" sabi ko. Dahandahan siyang tumayo, a gun in his hand, at bumaba sa upuan saka lumapit sa amin. Automatik ding tumabi sa kanya sina Kalbo at isa pang lalake.

Nakita ko na ang version na ito ni Tan, pero mas grabe ngayon. Parang hindi niya kami makilala. Hindi makatingin sa amin si Kalbo, pero mukang hindi niya gusto ang nangyayari. Hindi ko siya masisisi dahil nagiging loyal lang siya sa Brusko, tanda kong sinabi nila noon na si Silencer, o Yato, ang umahon sa kanila mula sa putikan.

"I am home" sabi ni Nathaniel saka tumingin sa likod namin, "hindi niyo kasama si Lexa?" I hinted sandess in his voice pero hindi niya iyon ipinakita.

"Mas makakabuting hindi ka niya makikitang ganyan pre" sabi ni Kurt.

"Talaga? O ayaw niya akong makita? Say, is she scared of me?" Tanong niya habang nakangiti ng konti. The sight made me sick. Mabuti nalang wala si Lexa dito, baka lalo pa siyang matatakot kay Tan. As much as possible, ayaw kong masira ang magandang relationship nila, aminado naman akong si Nathaniel talaga ang favorite niya.

"Hindi tungkol sa kanya ang ipinunta namin dito." Sabi ko at tumingin ako sa paligid, "hindi mo kailangang gawin to, masaya naman tayo sa Phoenix di ba?"

"Kailangan ako ng Brusko" sagot niya habang pinapaikot yung baril sa kamay niya.

"Kailangan ka din namin" sabi ni Bryce, "nakakalimutan mo na bang ikaw ang Beta ko?"

"Ako ang Alpha ng Brusko" he stubbornly said, umiiral na naman ang pagkatigas ng ulo niya.

"Paano nalang ang pagkakaibigan natin?" Tanong ni Kurt, "itatapon mo nalang ba yun ng basta basta?"

"Kung iyon ang kailangan, oo" agad na sagot niya, inaamin ko nasaktan ako sa isinagot niya pero hindi ko yun ipinakita.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ni Bryce, "kung ipagtutuloy mo ito, magkakagulo tayo"

"magkagulo na kung magkagulo" sabi niya.

"kahit madadamay si Lexa?" tanong ni Kurt.

Hindi siya agad na sumagot, parang nagdalawang isip pa siya kung magsasalita siya at laging nagbabago ang expression ng mata niya.

He is fighting his demon.

"Umalis na kayo dito" seryosong sagot niya. Tinignan muna siya ng husto ni Bryce saka tumalikod at sinundan namin siya. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaibigan namin pero lahat sila, umiwas ng tingin.

Me and My Boys VOLUME 3Where stories live. Discover now