Chapter 34

14.5K 565 182
                                    

A/n: Please have time to answer my question below, I love knowing what's on your mind>.<
----------•------------•-----------•--------------

Allexa's POV

"Go on" utos ni Nathaniel and I torn my eyes from the scene in front of me and I looked at him, he is standing by the gate with his hands in his pockets and he is rocking back and forth. He smiled at me and gestured me to keep moving.

I looked in front of me.

May mga gazebo sa pathway all the way to our house and they are decorated with white silk cloth and yellowish flowers climbed from their feet up to their roofs. In each gazebo, pictures are hanged and waiting to be inspected by me.

"It's beautiful" sabi ko. Dahan dahan akong lumapit sa first gazebo at tinigan ko ang mga pictures. Mga pictures namin ni Etong. Sa left side ng gazebo, may maliit na table and at the center of it is a letter. I took it and embraced it bago ko tinignan uli at ipinakita kay Nathaniel sa nasa gate parin. He waved at me, telling me to open it.

I did.

Hand writing talaga ni Etong, it says:

Dear impaktita,

        Alam mo bang tingin ko padin sayo ay alien? Basta ka nalang kasing sumulpot sa buhay namin at hindi namin alam kung sang lupalop ng mundo ka nanggaling. Pero dahil birthday mo ngayon, magiging mabait ako sayo, pangako yan, kaya sulitin mo ang araw na ito.

Wala akong alam sa mga ganito kasi unang beses ko palang gumawa ng letter. Kaya Happy Birthday nalang at sana magbago ka na, mag effort ka naman para gumanda ka kahit konti lang para hindi ka nakakahiyang kasama. Yun lang.

Nagmamahal at pinakagwapo sa lahat,
The one and only James Reid ng class 4f. A.k.a Etong the great.

I giggled, but wait, it's my birthday? Oh no I have to tell them something. Tumingin ako kay Nathaniel pero wala na siya doon. Naku! Paano na yan?

I looked back at my first letter and I grinned. Tumingin ako sa isa pang gazebo and I took a deep breath and approached my next target.

Pictures of Kalbo and I hanged on from the ceiling at tulad nung isa, may table din sa gilid and a letter laid there, waiting for me to open and read.

I did.

It says;

Hoy impakta,

     Tignan mo nga naman ano? 18 ka na? Tinanong ko dati sina Jason, 'nagbibirthday pala ang mga halimaw?', di rin nila ako nasagot, baka pareho kami ng katanungan. Pero hayaan mo na, sabi nga nila, 'there's always a first time for everything'. Nadinig ko yan kay Tan, huwag mong sasabihing ginaya ko.

Happy Birthday at ang wish ko, sana maging magkaibigan parin tayo kahit sa pagtanda natin, para may kakarera ako kapag naka wheelchair na tayo. Masaya yun! Pero hindi pa ako excited na tumanda. Huwag kang mag alala, papalagyan natin ng seatbelt ang mga wherlchair natin para safe.

Love,
Albert Einstein. A.k.a Kalbo

Bakit ba nila pinapalitan ang mga surname nila? Haha mga loko talaga yung mga yun. Pero masaya nga yung plan niya, wheelchair race, I've got to remember that.

Sa next na gazebo, kay Adong. His letter goes like this;

Dear Allexandria Louie Johnsons baby powder,

     Naalala mo yung unang pasok mo sa classroom? Nagulat talaga ako. Nagsulat kasi ako sa 'wish ko lang', sabi ko pahingi ng girlfriend, akala ko tinupad na nila yung wish ko! Gulat talaga ako! Pramis! Magrereklamo na sana ako sa Wish ko lang kasi, bakit abnoy naman ata ang ipinadalang girlfriend ko? Tapos nakahinga ako ng maluwag nung sabi ni sir Rafael na bagong classmate ka namin. Haaay hindi mo alam kung gaano ako nagpasalamat sa Diyos dahil may awa siya sakin.

Me and My Boys VOLUME 3Where stories live. Discover now