Chapter 3: The First Crush

20.9K 611 82
                                    

So we stand with our head held high as we look at our art work. It took us 2 hours to finish it and to clean our room. The chairs were all fixed and well alined, the windows are cleaned at bago na yung mga glasses niya. Meron din kaming mga sariling lockers sa likod since dun naman inistock yung mga old ones, inayos nalang nung iba at pinangalanan para tig iisa kami. The floor is shiny too, courtesy of James and Ilong na pinaghirapang lampasuhin.

"Good job everyone" masayang sabi ko.

Tapos nilagpasan nila ako at isa isang humila ng upuan at inayos na parang yung to pagkaayos sa dating room namin.

"Teka! Ba't ginugulo niyo na naman?" Tanong ko pero humila na din ako ng upuan at dinala sa dating ayos ng upuan ko dati.

"Para home sweet home" sagot ni Nathaniel saka umupo at ipinatong yung paa sa table ni Allen na walang magawa kundi ang magpout lang.

"Home messy home you mean, anyway, bakit kaya si ma'am Maureen uli ang adviser natin? Ginawan niyo ba ng paraan?" Tanong, setting my chair between Bryce and Jason.

"Hindi ah, pero ayos na yun" sabi ni Kurt.

"Bakit naman po?" Tanong ni Allen.

"Kasi, bukod kay sir Rafael noon, wala ng nakatiis sa amin na ibang teachers. Mabuti nga yang si Ma'am Maureen, nagegets ang paguugali natin" sabi ni Jason.

"Eh kasi nga kalahi natin" sabi ni Nathaniel at naghighfive sila ni Jason.

"Kalahi natin?" Tanong ko.

"Alam mo kasi," sabi ni Jason sabay akbay sa akin, "para tayong mga Philippine eagle"

"Wow! Kasi mataas ang lipad natin?" Masayang tanong ni Allen.

"Hindi, kasi mga endangered species tayo, wahaha!" Sagot ni Nathaniel sabay tawanan sila, it took Allen a minute para magets yung joke saka siya tumawa, haha Allen talaga oo.

"Ewan ko sa inyo, matagal pa ba ang lunch time? Nagugutom na ako eh" reklamo ko.

"Lagi ka namang gutom eh" sabi ni Kurt.

"Palibhasa nagdadiet ka na" sabi ko at nagbellat siya sakin!

"Bryce oh!" Sumbong ko pero nabigo ako, nakatulog pala siya na nakaheadset pa.

"Pinuyat mo na naman kasi" sabi ni Jason at nakasmile pa sila ng kakaibang ngiti.

"Di ah! Siya kaya ang nampuyat sakin" sagot ko at napatingin yung mga coollelat sa kabila.

"Talaga?" Tanong ni Jason na naglean forward sa akin with his naughty smile, "isinuko mo na ang bataan?"

"Ano'ng bataan?" Tanong ko and I looked at my friends, mukang hinihintay talaga nila ang sagot ko.

"Nag..ano na kayo??" Tanong ni Nathaniel, parepareho sila ng ngiti, pwera kay Allen na kapareho kong di magets ang mga kasama namin.

"Tutuparin mo na ba ang pangarap namin!?" Masayang tanong ni Kalbo na biglang nag appear sa left ko.

"Ano'ng pangarap?" Tanong ko.

"Magiging mga ninong na kami!?" Masayang tanong ni Adong na biglang nag appear sa pagitan namin ni Jason.

Ninong? Isinuko? Oh...oh!!!

"Mga bastos!" Sigaw ko sabay takip ng muka ko using my book, kasi naman! Eeeh!

"Paasa ka talaga eh, alam mo yun??" Naiinis na tanong ni Kalbo at sabay silang tumayo ni Adong.

"Ganyan naman kayong mga babae eh, lagi niyong pinapaasa ang mga lalake" sabi ni Adong habang umiiling na naglalakad pabalik sa grupo nila.

Me and My Boys VOLUME 3Where stories live. Discover now