Chapter 44

16.6K 503 94
                                    

Hi angels! Sorry I wasn't able to update yesterday, ayaw po kasing mag on nung laptop namin, huhubels, (may it rest in peace), So I had to rewrite the chapter dito sa phone ko. 2k words! Pero here it is! Happy reading!

------•-------•---------•---------•-------

Allexa's POV

"Muka ba akong nakakatakot!?" Tanong ni Kalbo nung kakapasok niya sa kwarto, "kung makatingin ka sakin kagabi para akong mamamatay tao ah!" reklamo niya.

Kagabi? Ahhh.. Well..ooops!

"N-Nakakatakot ka kaya! Akala ko nakakita na ako ng maligno, idagdag mo pa na gabi nung nakita kita!" Palusot ko.

"Aba! Aba! Ang galeng! Sige asarin mo pa ako! Hindi mo lang alam kung gaano ako nasaktan, it hurtstststs!"

"Bakit andaming tsts?" Tanong ni Crystal.

"Kasi sobra akong nasaktan! Prular yun! Prular..pru..pru.." Sabi ni Kalbo na nagi struggle sa pronunciation.

"Plu-ral, bobo mo talaga" sabi ni Adong at nagpractice uli si Kalbo.

"Paano na pala yung alpha house? Yung Brusko? Ano na ang mangyayari?" Tanong ko.

Lumapit si Bryce at itinulak si Nathaniel and he took over his place beside me. Nagkamot lang ng batok si Nathaniel, mukang nao awkwardan parin siya dahil sa nangyari kaya siguro tumayo nalang sa may pader malapit sa pintuan kasama si Crystal.

"There's no Brusko. There can't be a Brusko dahil matagal ng nabuwag yung gang na yun" Bryce explained, "and we will renovate the Alpha house. Pero uuwi na tayo mamaya sa bahay para doon ka na magpahinga. The others will come too para sa general meeting"

"Meeting para saan?" Tanong ko.

"Kailangang linawin ang nangyari at pagplanuhan kung paano maiiwasan ang nangyari kanina" sagot ni Kurt at pansin kong napatingin siya saglit kay Nathaniel na nakayuko sa gilid.

"At hindi pwedeng wala tayong gagawin sa Soulles gang sa North." Dagdag ni Jason.

"Please no more war." Sabi ko.

"Hindi namin dadaain sa marahas na paraan, kaya don't worry. But if they will provoke us. Then we will have no choice" said Bryce at tumango ako. I have a little knowledge about gangs and the way they settle things is really unacceptable but that is their way of living. I can't really intervene.

"At kakalas na ako" siksik ni Nathaniel and we all looked at him, pero mukang hindi sila nabigla, pati si Crystal, Ko lang ata ang hindi pa may al nun, well now I know.

"Huh? Sa Phoenix?!" Tanong ko.

"Oo, pero after nating grumaduate" he said, "naalala mo yung deal namin ni mom? Doon ako mag aaral ng college sa Paris"

Oh. I remember that one. Nathaniel can stay here until he graduates however, he will study in Paris in college.

Hindi na ako sumagot at nilaro ko nalang yung mga thumbs ko. Hindi ko sila pag aari para magdemand akong huwag silang umalis.

"We're mature people here" sabi ko nung matagal kaming tahimik, "hindi nating kailangang laging magkasama para masabing magkakaibigan tayo."

"Tama, distance lang naman yun, basta pamilya parin tayo." Sabi ni Kurt.

"It sucks though, ang saya kaya ng grupo natin" sabi ni Allen, he sat beside me on the bed while Bryce is on the other side.

"Ngayon ko lang naisip, maghihiwalay pala tayo pagdating ng panahon" sabi ni Kalbo and the others slowly nodded na parang inaabsorb nila ang katotohanan.

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon