Chapter 29 - Everything Nice & Jealousy's Price 1.

11.6K 175 9
                                    

instagram.com/taleswithelle

twitter.com/taleswithelle

----

Nikko slept in Roxanne's shoulders. She was lying flat on the bed, nakasubsob naman sa pagitan ng leeg at balikat nya si Nikko habang nakadantay sa kanya ang hita nito at naka yakap sa bewang nya ang braso nito. As if anytime ay aalis sya.

Nakatulog din sya saglit, pero nagising din sya agad.

Their eyes were swollen.

She decided to give Nikko a chance. Ramdam nya naman na mahal sya nito, kaya lang dumoble yung sakit ng makita nya si Lyndsay sa kama nito, at pareho pa silang walang damit. Gusto nyang alisin sa utak nya yung eksena na yun.

The door opened, at iniluwa noon si Yna.

"Oh. Okay na kayo?" Gulat na tanong ng kaibigan nya. Kita nya na may bitbit ito'ng pizza.

She nodded slightly.

Ngumiti si Yna. "Mabuti naman. Mukhang ang higpit ng kapit sayo." Tapos natawa sya.

Natawa din sya. Amoy nya ang scent ng buhok nito.

"Bumili ako ng pizza. Balak ko sanang i bribe ka para kausapin na si Nikko. Hindi ko na pala kailangan." Inilapag ni Yna sa lamesa yung pizza boxes tapos inayos yung bag nya.

Akmang aalisin nya na sana yung pagkakayakap sa kanya ni Nikko para tumayo na pero lalo lang humigpit ang yakap nito. "Ncholas, i have to get up.." Mahinang sabi nya.

"Uhmm.." He just groaned.

Tumawa si Yna. "Like a baby!"

"Maya ka na bumangon." Mahinang sabi pa ni Nikko. Nakapikit pa rin ito. He squirmed a bit.

"Para kang bata. Tsaka umuwi ka na nga." Marahan nyang pinalo yung braso nito na naka yakap sa kanya, tapos inangat nya na para maka upo sya.

"Hindi mo ma resist ang pizza." Sabi ni Yna. "Tara! Lantakan na natin to." Aya ni Yna. Binuksan na nito ang isa'ng box ng pizza.

"Hays. Ipagpalit ba ako sa pizza?" Naiiling na umupo na rin si Nikko.

Tumayo na sya at kumuha ng isa'ng slice. "Oh, wait. Bibili ako ng soft drinks para partner." Sabi nya after a bite. Naglakad sya palapit sa bag nya para kumuha ng pera ng hawakan ni Nikko na nakalapit na pala sa kanya yung kamay nya.

"Ako na bibili. Wag ka na lumabas." Nagkakamot ng batok na sabi ni Nikko tapos tuloy tuloy na naglakad sa pinto.

Nagkatinginan sila ni Yna tapos sabay na natawa.

"Under na under ang papa Nikko. Swerte mo talaga. Wag mo na pakawalan." Sabi ni Yna sa kanya.

Ngumiti lang si Roxanne.

After a while ay bumalik na si Nikko. He was holding a 1.5 litre of softdrinks.

"Kunin nyo na lang yung sukli later." Sabi ng lalaki matapos mailapag yung softdrink sa mesa at kumuha din ng slice at umupo sa gilid ng kama. Gulo gulo pa yung buhok nito, at kahit nanlalaki yung mga eyebags nya ay hindi maikakaila na napak gwapo ng lalaki.

"Bakit? Bagkano ba binayad mo?" Nagtataka na tanong ni Roxanne.

"Isang libo. Wala daw silang barya. Kilala ka naman nun, sabi ko ikaw na kukuha." Paliwanag nya before he took a bite.

Naging chinito si Nikko sa pamamaga ng mga mata nito. Tinabihan ni Roxanne ang lalaki.

"Dapat pala palagi kang iiyak para maging chinito ka." Pang aasar ni Nikko.

Faking It (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon