Sa isang ikot muli namin ay nakita ko ang mga players ng soccer team sa aming school. Nagkukumpulan sila sa ilalim ng isang puno habang ang ilan sa kanila ay naglalaro ng bola. Maya maya ay nahuli nilang nakatingin ako sa kanilang gawi kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Naramdaman kong naglingunan ang lahat sa amin. Nakaupo kami ni Maxine sa isang bench habang nagpapahinga. Wala namang kamalay malay itong katabi ko sa nangyayari. I acted like I'm listening to her kahit na kinakantahan nya ang isang ibon na kumakain ng tinatapon nyang tinapay sa harap namin.

"What the hell are you doing?" siniko ko si Maxine. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginagawa. Dahil siguro naramdaman ko na papalapit ang isang lalake sa amin. Nagpa-panic agad ako.

"Hi, Chloris." bati agad nya. Tiningala ko sya. Dahil sa sinag ng araw ay kinailangan ko pang takpan ang ibabaw ng aking mata para matignan sya ng maayos. "Hindi mo ata kasama si Kei." nahimigan ko ang panunuya sa kanyang boses. Hindi ko alam kung nang-aasar o may ibang ibig ipahiwatig sa akin.

"Required ba na kung nasaan ako ay dapat nandoon din sya?" tanong ko rito. Ngisi lang ang isinagot nya sa akin at nakiupo pa sa aking tabi. Napausod ako ng kaunti sa panig ni Max. Nagkatinginan kaming dalawa at nagkibit-balikat ako. "Tara na?" aya ko kay Maxine.

"Aalis na agad kayo?" tanong noong lalake. Lumingon ako sa kanya ng makatayo.

"I don't see a reason to stay any longer." hinawakan ko na ang kamay ni Maxine at hinigit na sya paalis doon. "Nakakainis talaga ang mga iyon!" singhal ko ng makalayo kami.

"Kasi naman, why not talk to Kei and ask him if he really don't like joining their team. Para hindi ka kinukulit ng mga iyon tungkol kay Kei. Lumalabas tuloy na dahil sa iyo kung bakit ayaw noon sumali sa team nila."

"It's not like that. Feeling ko gusto nilang pakiusapan ko si Kei na sumali sa kanila."

Hapon ng dumating ang personal designer namin para sa isusuot kong gown. Sinabi ko sa kanila kung anong disenyo ang gusto kong masunod. Isang linggo lang nila itong gagawin kaya hindi na ako maghahangad pa ng sobrang enggrandeng damit.

Ayoko rin naman makahakot ng maraming mata dahil sa isusuot kong gown. I know many of the students here hate me for certain reasons kaya alam kong mas mabubwisit sila sa akin pag nakitang masyadong maganda ang suot ko.

"Do you want it to be fitted?" tanong ng babaeng designer.

"I actually draw some sketches here." ipinakita ko ang likod ng aking notebook. May mga iginuhit akong iba't-ibang gowns dito.

"You draw this?" tinignan nya isa isa ang mga drawings ko habang ako naman ay tumango sa kanyang tanong. "Ang galing mo mag-drawing, Chloris. Do you want to pursue Arts in your college?"

"Yeah, I'm actually hoping. Sinabi ni Mommy na pwede raw akong kumuha ng kahit anong gusto kong kurso kapag nakapagtapos ako ng Valedictorian ngayong High School. So I'm really doing my best."

"Good for you! Can I take this sketch? Ito ang pag-gagayahan ko ng isusuot mo." ngumiti ako sa kanya. Sinukatan na nya ako at habang ginagawa nya iyon ay kung anu-anong mga bagay ang sinasabi nya sa akin kung matupad man ang pangarap kong maging isang designer din katulad nya.

"Gusto ko sanang asul ang banda rito at itim naman ang bandang ilalim." ilang detalye pa ang sinabi kong gusto kong mangyari sa aking gown.

"Hindi ba't nag-aaral si Chlerie ng ballet sa London dahil naging Valedictorian din sya noong High School nya?" napatigil ako sa tanong na iyon ngunit mabilis din namang tumango. My sister Chlerie is smart, there's no doubt about that. "So what will happen if you didn't get the first rank?"

Napahinga ako ng malalim. "I will need to manage our business." maiksi kong sagot.

Hinatid ko sa labas ng dorm ang aking designer. Nandoon nakaparada sa di kalayuan ang kanyang sasakyan. Kumaway ko at nagpasalamat bago sya umalis. Nang tumalikod na ako ay nakita ko si Kei sa gilid ng dorm na nakatingin sa akin.

Lumingon muna ako sa paligid bago sya nilapitan. "Anong ginagawa mo rito?"

"Hindi kita naihatid kahapon pauwi. I need to leave early for my suit. Umuwi ako sa amin at kakarating ko lang ngayon." hindi ako nagsalita. I don't actually know what to say. Nanahimik nalang ako habang pinapansin ang suot nya. Sure he loves wearing hoddies. "Anong kulay ang isusuot mo?"

"Blue and black." itinuon ko na ang mata ko sa kanyang mukha. Gosh, I can't look at him for a long time. Aalis na ako. It's getting awkward here. "Anyway, why not... Try out for soccer team after the Grand Ball?"

Yumuko sya at hindi agad sumagot. Tumalikod na ako at aalis na sana ng bigla syang magsalita. "Okay, I'll try. Just make sure first that your gown wouldn't show much skin."

Killing Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now