"Basta! Pag ikaw tumatawag sa akin nun parang hindi maganda ang dating."

"Anong gusto mong tawag ko sayo, Tala Luna?"

"NO!" agad na sabi ni Lu.

"LU. Call me LU!"

"Bakit ba kasi AYAW mong tinatawag kita gamit ang whole name mo?"

"Bakit ba kasi GUSTO mo akong tawagin sa whole name ko?"

"Dahil yun naman talaga ang pangalan mo eh."

Sa pagtatalo nila, hindi nila napansin na nagkapalit na pala ang mg amukha nila. Sobrang  lapit! Halos magkadikit na ang mukha nila. Nang mapansin ng dalawa ay agad naman silang lumayo sa isa't isa at bumaling ng tingin sa paligid.

(<///<)    (>///>)

"Eh... kasi maganda naman ang pangalan mo eh. Tala Luna... Ang bituin at buwan ng buhay ko..." Pabulong na lang ang huling bahagi ng sinabi ni Fin pero narinig pa rin ni Lu. Pinipilit niyang hindi pansinin ang sinabi pero wala na siyang magawa. Narinig na niya. Hindi niya na rin mapigilan ang blush na nagbbloom sa pisngi niya.

"Enough with my name! You will use the service elevator and that's final!" Sabay padabog  na dumiretso sa loob ng cr.

"Lu, anjan ka na naman tumatambay... Siguro..."

Lumabas uli si Lu at tiningnan siya nang nakapamewang.

"Hindi! Hindi ko ginagawa ang iniisip mo! Hmpf! May sariling office nga pala ako. Dun na  nga ako! Goodbye!"

^^^

Dis oras na naman ng gabi at nasa loob pa rin ng home office niya si Lu. Ayaw niyang  pumunta sa master bedroom at doon matulog dahil andun si Fin. Simula nung ikinasal sila,  dun na sila nag-stay sa bahay-kubo sa likod ng mansyon. Nung una, sa sofa pa laging dumidiretso si Fin pag matutulog na pero tatawagin din siya ni Lu sa madaling-araw para tumabi sa kanya. Naririnig pa rin daw ni Lu na umuungol ang mga 'aswang'. Tuwing naaalala ni Lu ang pagtawag niya kay Fin sa dis-oras ng gabi para tabihan siya ay nahihiya siya. Hindi niya rin namamalayan na niyayakap niya si Fin kapag tulog na siya kaya magkapulupot silang dalawa sa paggising nila sa umaga.

E ano naman gagawin ko e sa me multo naman talaga dun sa may gubat sa amin eh... Eh pano dito sa condo? Since nasa city kami siguro naman walang multo dito. Nung naka-dorm naman ako wala naman akong naririnig na umuungol. Natapos ko na panoorin ang lahat sinusubaybayan ko sa gabi at inaantok na ako. Andun na kaya si Fin? Siguro naman nasa office niya rin siya. HIndi ako makatulog dito sa office ko! Kung bakit naman kasi ayaw nila mommy lagyan ng kama dito eh. Nakakainis talaga!

Maya-maya pa ay nakatulog na siya sa desk niya. Naalimpungatan lang siya nang may narinig na kaluskos sa labas ng office niya.

Ok, sure na walang multo dito pero hindi malayong may mga akyat bahay dito. I mean oo nga 30th floor to pero malay natin, diba? I mean, I'm worth billions and so is Fin (kahit hindi halata) malamang big time felons din ang mga yan. Anong gagawin ko? wala ba akong pwedeng gamiting weapon dito?

Dahan-dahang naglakad si Lu at pinuntahan ang source ng kaluskos. Narinig niya na nanggagaling ito sa kusina.

Aba! Ang kapal ng magnanakaw/kidnapper na to ha! Naki-kape pa! Humanda ka sa akin!

Yaaaaahhh!!!

*Pak Pak pak

"Aray! Aray! Sto..! Aray!"

Natigilan siya sa paghampas nang marinig niya ang boses ni Fin. Binuksan niya ang ilaw at nakitang may namumuong pasa sa braso nito.

"Fin! Anong ginagawa mo dito?"

"Nagtitimpla ng hot choco. Ikaw, ano na naman yan at naisipan mo akong hampasin ng...ng book stand?"

"Kasi naman bakit nakapatay yung ilaw? Akala ko may akyat bahay na o kaya kidnapper!!!"

"Para tipis sa kuryente... Lu, we're on the 30th floor. Pano naman aabutin ng aykat-bahay itong unit natin? Atsaka, tight ang security dito kaya malabong may makapasok na kidnapper."

"Kahit na! You never know... My gally! Ok ka lang."

Parang matutumba si Fin. Napahawak ito sa kitchen counter.

"Hindi. Parang umiikot nang onti ang paningin ko. Hinampas mo kaya ako sa ulo."

"Grabe ka naman ang laki-laki mong tao eh yun lang nahihilo ka na?"

"Hay... Kahit gano kalaki ang tao pag hinampas mo sa ulo, mahihilo. Lalo na kung malakas ang paghampas mo gamit ang isang matigas na bagay."

Medyo naguilty si Lu.

"S-s-s-so-so-sorry na ... hindi ko sinasadya ..."

"Alam mo, mula pagkabata favorite kong uminom ng hot choco sa gabi bago matulog. Pero ngayon parang ayaw ko na. Pangalawang beses nang nangyayari ito habang nagtitipla ako ng hot choco eh, Nakakatrauma na..."

"Sorry na nga eh... O ito lagyan mo ng yelo ang ulo mo para hindi lumaki ang bukol."

"Hala! Oo nga may bukol nga...!"

"Ha? San??? Kinapa-kapa ni Lu ang ulo ni Fin. Ang una niyang napansin ay ang malambot at  mabango nitong buhok.

Ang lambot. Mukha lang mabaho at matigas ang buhok niya pero ang lambot sobra at ang bango...

(ღ˘⌣˘ღ)

...

...

(O.O)

Hala! Anlaki ng bukol!

Parang hindi talaga maganda ang pakiramdam ni Fin kaya si Lu na ang naghawak ng ice bag. '

"Sige na matulog ka na kaya ko na to."

"San ka matutulog?"

"Sa office ko."

"May kama ka dun! Andaya! Bakit sa akin wala?!"

"Wala akong kama dun. Ni couch nga o sofa o lazyboy wala eh."

"Eh san ka matutulog dun?"

"Sa desk ko."

"Makakatulog ka ba dun???"

"Bahala na. Sige na matulog ka na. Namumungay na ang mga mata mo eh...  dun ka na sa kwarto."

Na-guilty naman lalo si Lu. These past few days pareho silang puyat dahil sa mga umuungol na aswang sa may kubo nila. Ngayon naman may bukol pa si Fin sa ulo niya. Pano kung may internal hemorrhage na pala siya? Lagot si Lu!

"Sige na nga tabi na tayo dun. Hindi naman ito first time eh. Pero! Wala kang gagawing kahit ano ha! Tulog lang."

"Hay... Oo naman. Baka nga ikaw pa ang may gawin sa akin eh..." Pabulong na sabi ni Fin.

"Ano?! Mag-shower ka muna ha. Ayoko ng mabahong katabi!"

"Tapos na po."

*Mukha namang gusto mo ang amoy ko eh... Lagi ka kayang yumayakap sa akin pag natutulog ka na...

Sa huli, magkatabi ring natulog ang dalawa sa master bedroom. Gaya nang dati, hindi na naman namalayan ni Lu na lumapit siya kay Fin at niyakap ito. Walang kamalay-malay ang dalawa na magigising na naman silang nakapulupot sa isa't isa.

☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆

Hello peeps!

First off, super thanks sa lahat ng nagclick,nagbasa, nagbabasa at may balak magbasa ng stories ko! Salamat na rin sa mga nag-like. Natutuwa naman ako at may natutuwa rin sa ginagawa ko.

Salamat kay TripolXtin sa mga inputs niya. After the first few chapters, ako mismo napansin ko na masyadong mahaba ang descriptions at wala masyadong aksyon sa story. Nabanggit ko na sa previous notes ko na excited na ako sa interaction nina Lu at Fin. Kaya naman... from now on, mas marami nang magaganap sa kanilang dalawa.  Promise! Haha!

That's all for now.

Happy reading/writing!!!

SuperLove,

Chinisparkle

My Secret BrideWhere stories live. Discover now