6 - The Talk 2

525 5 0
                                    

WALA RIN AKONG NAGAWA.

Much to my chagrin, natuloy rin ang kasal naming dalawa. Naganap ang civil wedding sa office ni Judge Mariano ilang linggo matapos ang first family breakfast namin sa Gazebo. Tama si Mommy, pirma na lang talaga ang kailangan. Sila na mismo ang naglakad ng mga papeles. 

Ayoko talagang gawin yun pero hindi na ako nakatanggi matapos akong kausapin nang masinsinan ng daddy ko. Simula pagkabata, ang sinasabi lang sa akin makikilala ko ang lalaking inilaan sa akin pagdating ng 18th birthday ko. Siya raw ang nag-iisang lalaking makakalapit sa akin maliban sa mga kamag-anak ko. Siya ang aking 18th rose. Tuwing babanggitin nila iyon, para lang iyong statement of fact. Hindi na tinatanong kung bakit. Basta ganoon na lang. Tradisyon na eh. Pero nung nag-usap kami ni daddy, kahit papano, mejo nalinawan ako.

^^^

"Daddy!"

"Oh my darling girl! Kanina pa namin kayo hinihintay parang napasarap ata ang bonding niyo ah..."

"I can't do this daddy! I can't marry him!"  o(≧o≦)o

"Let's talk." sagot ng daddy ni Lu. Pumasok sila sa isang maliit na kwarto at ni-lock ang pinto.

"What do you mean you can't marry him? You accepted the rose and the necklace last night. What happened? Did he do something while we were away?!"

"No no no daddy... It's just that... I thought you would always choose the best for me... "

"He IS the best for you. He topped the entrance exam in your university. Consultant na siya sa research center nila kahit na student pa lang siya. He is a gold medallist sa sports na swimming. I heard he plays several instruments. Most of all, he came from a very good family. He is a good kid. "

"How can you say that? yeah, he is a good kid. He is TOO good. He's a loser at school. Pinagkakaisahan lang siya sa school. He is a living, breathing homework maker. He is a pushover."

"Tala Luna! Just because the guy isn't a bully and is nice enough to help others do their homework that he is already a loser. He is just so smart that people depend on him. At least now we now that he is dependable as well in addition to all of his good qualities."

"DADDY?! DEPENDABLE? ARE YOU KIDDING ME!? BAKIT BA KASI KAILANGANG MAGPAKASAL??? PARA SAN BA YANG ARRANGED MARRIAGE NA YAN??? NAKAKAASAR NAMAN EH!!!"

{{|└(>o< )┘|}}

"TALA LUNA! ENOUGH! LUMALABAS NA NAMAN ANG PAGIGING BRATINELLA MO!"

Napatahimik si Lu. Ngayon lang siya napagtaasan ng boses ng daddy niya. Lagi siyang mabait sa harap ng ibang tao. Sa harap lang ni Amy at Rick nilalabas ni Lu ang bratty side niya. Hindi alam ni Lu kung pano ito nalaman ng daddy niya. HIndi kaya...

"Hindi nagsumbong si Amy o Rick sa akin, if that's what you're thinking. Bata ka pa lang alam na namin ng mommy mo na may ganyang side ka. Siguro na-spoil ka namin masyado dahil nag-iisa ka na babae ka pa. Hindi na rin namin masyado pinansin dahil simula nung pumasok ka sa school eh naccontrol mo naman lalo na sa harap ng ibang tao. We're your parents. Kahit hindi namin lagi vinovoice out, napapansin namin ang bawat kilos mo at kung anuman ang nararamdaman mo... We know how important your IMAGE is to you. Ganoon talaga siguro ang panahon ngayon... Pero Lu, intindihin mo sana hindi lang ito tungkol sa inyong dalawa na ni Fin. This is bigger than what you think. Alam mo, maunlad ang bayan natin, sobrang unlad dahil sa maayos na pamamalakad ng pamilya natin sa mga negosyo at sa magandang pakikitungo natin sa mga tao. Sa sobrang unlad ng bayan natin maraming taga-labas na naiinggit. Malaki kasi ang kita natin kumpara sa mga karatig-bayan. Kaya lang maliit ang bayan natin kung ikukumpara. Kung tutuusin ang La Luz ang pinakamaliit na bayan sa rehiyon. Kaya naman pinag-aagawan ang teritoryo natin ng iba't ibang pulitiko. Ayoko pa sanang ipaalam sa iyo ang mga ganitong bagay sa ganitong paraang pero... hay... may nagsasampa ngayon ng kaso para mapalipat ang bayan natin sa kanilang teritoryo. Swerte tayo dahil laking La Luz ang mga Mayor natin kaya naman wala pang kurakot. May usap-usapan na balak paupahan ng mga De Villa ang kalahati ng lupang sakahan ng La Luz sa mga foreign inverstors. Magtatayo daw sila ng resort/leisure park ditto... "

My Secret BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon