5 - The Talk

555 6 0
                                    

LET"S TALK

Sa unang pagkakataon, hindi naeenjoy ni Lu ang pagkain sa Gazebo. Parang nawalan siya ng panlasa lalo na sa nagging revelation kanina.

NICK GEEK!!!

MY FIANCE?!?!?!

NO FRIGGIN WAY!!!!

(((p(>o<)q)))

This is, like, social suicide! I mean, being nice to the losers is different, waaaaaayyyyyy different, than marrying them. Moi? Le prinzeza pumapatol sa isang miyembro ng nasa talampakan ng social hierarchy? Ano na lang ang sasabihin ng iba? My ghaaaad!!!! Overoveroverprotective sa akin ang pamilya ko. Bawal malapitan ng kahit sinong lalaking hindi kamag-anak tapos sa isang NIck Geek LANG pala ako mapupunta?

NO FRIGGIN WAY!!!

HINDI MANGYAYARI YUN! HINDING-HINDING-HINDI!!!!

(((p(>o<)q)))

'Ang sarap talaga ng pagkain dito sa Gazebo! No wonder dinadayo ito ng mga tao." Sabi ni George.

'Iba talaga kapag organic lahat ng ingredients, hon.' sabi naman ni Anna.

'Mabuti nga naisipan naming  magpatayo ng hiwalay na mini and private gazebo para sa aming pamilya at sa mga bisita eh. Noong una, para lang ito magkaroon kami ng business meeting area na relaxed naman ang ambiance.' ani Lucy

'Siyempre mare, minsan mas maganda na sa ibang lugar naman nagaganap ang meetings hindi puro sa Moon Tower lang. Mas nakakalinaw ng isip kung fresh nakakalanghap ng fresh air kaysa puro aircon.' sagot ni Anna.

Ang Moon Tower ang headquarters ng buong Montoya Empire. Nakatayo ito sa gitna ng business district ng La Luz.

"Oo nga pala hindi pa nga pala kayo nakakalibot sa bayan. Kung gusto niyo, after natin mag-breakfast ililibot naming kayo. Para naman makita niyo nang personal ang lugar ng MAPAPANGASAWA ng anak niyo!' Sabi ni Raf

Sabay namang nabulunan ang dalawang kabataan sa lamesa nang marinig ang salitang MAPAPANGASAWA. Parehong namula ang mukha nang dalawa. Pasimpleng tiningnan ng masama Si Fin habang nakayuko at umiiwas ng tingin ang binata.

(((( ;°Д°))))      (((( ;°Д°))))

'Ehem.. ehem... Ito o uminom kayo ng tubig.'

'Ikaw naman pare binigla mo naman ang mga bata'

'Sus! Ano naman ang nakakabigla dun? Mga bata palang sila, alam na nilang mangyayari ito. Hindi ba nga matagal ka nang excited na ma-meet ang 18th Rose mo Lu?'

'He he...' Napangiti na lang si Lu.

It's true that I've been very excited to meet my 18th rose! Who wouldn't be?! Pero ngayon parang gusto ko bumalik dun sa panahong iniimagine ko pa siya at kung anong itsura niya. Please... NOT HIM!!! ANYONE BUT HIM!!!

(*≧m≦*)

'Pagkatapos natin mamasyal, dumiretso na tayo sa city hall. Kahapon nakausap ko si Judge Mariano. Naayos na raw niya ang mga papeles, pirma niyo na lang ang kulang,'

"Don't worry hija. Ngayon, since students pa naman kayo, civil wedding muna. Kapag nakapagtapos na kayong dalawa saka tayo magdadaos ng magarbong church wedding. Hahayaan na naming kayo ni Fin magdecide kung dito sa La Luz o sa isla namin idadaos ang kasal. O pwede rin namang both!"

Nanlulumo na sa kinauupuan niya si Lu. Pasimple niyang tinitingnan ang mukha ni Fin. Wala man lamang itong reaksyon. Akala mo sa mukha niya pagkain pa rin ang pinag-uusapan ng mga magulang nila. Kain lang siya ng kain.

My Secret BrideWhere stories live. Discover now