3 - The Morning After

624 6 0
                                    

THE MORNING AFTER

Krrriiiiiiinnnnnggggg!  Krrriiiiiiinnnnnggggg!  Krrriiiiiiinnnnnggggg!    

Biglang namulat ang mg amata ni Lu. Parang panaginig lang ang mga nangyari kagabi. Last night was definitely perfect! Everything went according to plan. At siyempre, isa sa pinakaespesyal na na naganap ay ang meeting nila ng mystery 18th rose niya. Kilala niya halos lahat ng mga nakasayaw niya sa 18 roses. Puro mga kamag-anak niya lang sila. Si mystery 18th rose, noon lang niya nakita. Kahit sa school o sa tv o sa magazine hindi pa siya nakakakita ng ganoong kakisig na lalalaki.

Hindi mawala sa isip niya ang binate. Tuwing naaalala niya ang pakiramdam ng hininga ng binata sa leeg at sa may kanang tenga niya nang bumulong ito ay bumibilis ang tibok ng puso niya at tumatayo pa rin ang mga balahibo niya....

(>////<)

Stop! Puro daydream ang ginagawa mo Lu. This is your second day as a responsible ADULT. You should do something more productive than thinking about the gorgeous man who literally swept you off your feet last night and his red, thin kissable lips....... Kyaaahhh!!!!

Stop na sabi eh!!!!

I know! Pupunta na lang ako sa sentro para kumustahin ang mga negosyo naming!

Ang Pamilya Montoya ay ang literal na nagmamay-ari ng buong bayan ng La Luz. Lahat ng lupain na nasasakupan ng bayan na ito ay pagmamay-ari pa ng mga kaninuninuan ng mga Montoya. Gayumpanamn, hindi naman sila sakim gaya ng ibang mga panginoong maylupa. Alam ng mga ninuno nila na hindi kayang mapalagi ang ekta-ektaryang lupa kung sila-sila lamang. Kailangan din nila ng mga taong tutulong sa lakas-paggawa. Kaya naman kumuha sila ng mga tauhan para palaguin ang lupain. Mabuti makitungo ang mga Montoya sa kanilang tauhan. Biglang pasasalamat sa kasipagan at dedikasyon ng mga tao sa kanilang trabaho, nagtayo sila ng mga paaralan na nagbibigay ng libreng edukasyon at ospital na nagbibigay din ng libreng serbisyo. Malibon doon ay mayroong ding tinayong pamilihang bayan, plaza, simbahan para sa mga katoliko at isang multipurpose hall na pwedeng gamitin ng mga taong iba ang relihiyon, SuperMall kung saan mahahanap ang halos lahat ng uri ng branded na mga bagay at bargain house. Halos may mini-BGC sa bayan nila.

Mayroon ding sariling peace keeping force ang La Luz maliban sa mga pulis na nakadestino sa bayan. 24/7 na nagroronda ang mga ito. May mga nakasakay sa kotse, mayroon ding mga nakamotor. Mayroon din namanng hindi naka-uniform. Tahimik lang na nagbabantay at nakaantabay para sa anumang kaguluhan. May sariling silang fire station na kumpleto sa kagamitan, may postal office din. Maayos din ang transportation system sa bayan ng La Luz. Maraming shuttle na umiikot sa mga bus stops sa buong bayan 24/7. Mayroon ding mga sasakyan na pwedeng gamitin upang malibot ang mga palayan. Sa sobrang lawak kasi nito ay matatagalan bago makapunta sa ibang bahagi ng palayan.

Isa sa pinakapiagamalaki ng bayan ng La Luz ay ang kanilang Agricultural Research Center na nakatayo malapit sa palayan. Biniyayaan ng  matabang lupa at masaganang ani ang La Luz. Ilang dekada ang nakalilipas, Tinamaan ng plague ang kalahati ng lupang sakahan. Sinalakay ito ng mga salot na peste na pumapatay sa mga tanim. Napagtanto ng Montoya na kahit gaano pa kablessed ang lupa ay maari pa rin itong dapuan ng mga peste. Kailangan gumawa sila ng paraan para maiwasan ito. Kailangang ingatan ang lupa na ipinagkaloob sa kanila. Kaya naman naisipan nilang itayo ang research center. Kaakibat ng La Luz Agricultural Research Center (ARC or RC) ang International Rice Research Institute (IRRI) sa masusing pagtuklas kung paano lalong mapapasagana ang ani ng palay at maiiwasan ang pagdapo ng mga salot sa palayan. State of the art of facilities ng RC. Kalahati ng researchers ay foreigners na nakapagtapos sa mga prestihiyosong unibersidad sa iba't ibang bahagi ng mundo. 1/4 ay mga local na mamamayan na nabigyan ng pagkakataong makapagtapos ng PhD sa ibang bansa dahil sa angking talino. Ang iba naman ay mga pinoy na galing sa iba't ibang bahagi ng bansa na dumaan sa masusing screening bago natanggap.

Tok Tok Tok

Ano ba yan? Nagdaydream na naman ako? tsk!

"Sino yan?"

"Princess Lu, si Amy to. Pwede pumasok?"

"Yes mommy amy!" Pa-sweet na sabi ni Lu.Yan ang tawag sa kanya ni Lu dahil kung minsan mas mahigpit pa siya sa tunay na mommy nito.

"Maligo at magbihis ka na. May lakad kayo ngayon."

"Ha? Hindi pa nga ako nagbbreakfast eh may lakad agad. Sana dinalhan mo ako kahit sandwich man lang."

"Magbbreakfast ata kayo kasama yung fiancé mo at ang pamilya niya eh."

"Aahh... oowwkeeii..."

(´・_・')

Fiance... Fiance... Fiance...

(O.O)

Fiance... Fiance... Fiance...

\(>o<)ノ

"Waaahhhh!!! Oo nga pala!!! Sheteee! Ngayon ko lang naalala uli. Yung last rose sa debut ko ang fiancé ko. Bakit ngayon mo lang pinaalala sa akin!"

"Pinaalala ko po sa inyo kahapon habang inaayos ko yung gown mo. Atsaka ano pang inaarte mo diyan eh pumayag ka na kagabi!"

(o.O)

"Tinanggap mo yung rose niya! Diba nga pag tinanggap mo yung rose ibig sabihin ok sa yo?!"

Sheeetteeee!!! Oo nga no?! Eh kasi naman ang gawpo ni kuya eh.. ahit di ko naman nakita ang kalahati ng mukha niya... kahit yung bibig niya lang ang nakita ko... bibig... lips... naaalala ko na naman! Umiinit na naman ang mukha ko. Tumatayo na naman ang mga balahibo ko sa braso.

(#/。\#)

Napahawak siya sa kanang bahagi ng leeg niya.

"Amy, ano sa palagay mo?"

"Anong ano sa palagay ko?"

"Ok ba siya?"

"Ewan. Matangkad naman. Matikas. Manipis ang labi. Kaso pano kung banlag at pango yung ilong?"

"Waaahhh! Oo nga noh! Huhuhu! Ayoko makapangasawa ng pangit. Pano na ang image ko?"

"Nakita ko naman parents niya kagabi eh. Yun ata yung kakwentuhan ng parents mo. Maganda at gwapo naman sila. Matangos naman ang ilong. Mukha naming walang pagmamanahang pangit na genes.

True... siguro gwapo siya kahit tanggalin pa yung mask. Hindi naman pipili ng shonget ang parents ko for me eh. Hello? Bata pa lang ako ni bawal akong malapitan ng boys tapos ipapakasal lang ako sa shonget? NO WAY!!! HIndi! Super gwapo si kuya. Malamang celebrity siya or super model. Tama!

Huhuhu! Bakit kasi hindi ko naisip ipatanggal yung mask niya buong gabi???? Bahala na... (╥_╥)

☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆

Hello! Sobrang dami bang description? Parang ang tagal ng interaction ni Finnick at Lu. Maraming explanation pero antagal ng meeting nila. Kasi naman eh... Promise, after ng next chepter dadamihan ko na ang convo nila. Gusto ko rin kasi minsan ung binabasa ko maraming conversation eh.

SuperLove

Chinisparkle

My Secret BrideWhere stories live. Discover now