8 - Moving In

493 4 1
                                    

MOVING IN

“We’re here!”

Excited na sabi nina Lucy at Anna. Madaling-araw bumyahe ang buong mag-anak kaya 9 AM ay  nasa condo na sila. Mas excited pa ang dalawang nanay kaysa sa mga maglilipat. Dahil last  week na ng May natapos asikasuhin lahat ng papeles ng kasal nina  Lu at Fin, at dahil June  2 ay pasukan na naman sa school, napagdedisyunan ng mga magulang na maglipat-bahay na ang dalawa.

“Magandang umaga po!” Pagpasok nila ay bumati agad ang isang matandang babae na nakasuot ng maid uniform.

“Manag Fu!” masayang bata ni Lu.

Si Manang Fu ang isa sa mga nag-alaga sa kanya nung bata pa siya kaya naman natutuwa siya na may kakilala siya sa bagong tirahan nila. At least hindi lang silang dalawa ni Fin ang  tao sa bahay.

“I’m so glad you’re here! Thank you for coming with me!”

“Oo naman Princess Lu! Pwede ba naman kita pabayaan?”

“Eh bakit last year hindi ka sumama sa dorm?”

“Ano ka ba namang bata ka? Siyempre hindi pwede sa dorm kasi lahat kayo estudyante lang dun. Hindi ako pwede dun. Dito bahay niyo naman kaya ok lang. Nga pala, naghanda na po ako ng almusal. Nakahain na sa lamesa.”

“Wow! Thank you manang! We’ll have breakfast first and then we’ll tour your new house!”  sabi ni Lucy.

Nang matapos silang kumain ng agahan ay nilibot na nila ang bagong condo unit. Isang  linggo bago ang civil wedding ay nailipat na ang lahat ng gamit nina Lu at Fin sa  penthouse kaya literal na silang dalawa na lang ang kulang. May master bedroom kung saan  silang dalawa matutulog. Ginawang offices nina Lu at Fin ang dalawang guest rooms. Ito ang tanging kondisyon ni Lu para pumayag na mag-share sila ni Fin ng kwarto. Kahit na kasal na  sila, hindi pa naman sila gaanong magkakilala kaya humingi siya ng personal space sa bago  nilang tirahan. Idinahilan din ni Lu ang magkaibang course nilang dalawa. Aniya, mas makakapag-concentrate silang dalawa sa pag-aaral kung wala silang naririnig na nagrereview ng ibang subjects.

Nang matapos ang tour ay umalis na rin ang mga magulang nila. Naiwan sa may sala ang bagong mag-asawa.

"Ok, sa Tuesday, pasukan na kaya kailangan na nating magplano ng gagawin natin."

"Anong plano?"

"Siyempre, planuhin natin kung pano tayo hindi mabubuko na... na... m-m-mag-asawa. Duh?  Nakalimutan mo na ba yung pinag-uspan natin dati?"

"Hay... Oo nga pala... anong plano mo ba?"

"First off, dapat wala kang pagsasabihan na kasal tayo!"

"Ok. Napag-usapan na natin yan dati."

"This condo is too near the campus so I'm sure may ibang studyante na nakatira dito. We're both popular for different reasons. Ako, kasi, well... I'm pretty, smart, sexy, intelliget... you get it, right? And you, well... you're Nick Geek! We have 6 elevators pero isa lang ang unit sa penthouse so may makakapansin kapag nag-enter ka ng code. So...I think it's better if you use the service elevator!"

"What?! Service elevator? E diba dun din dinadaan yung mga basura at laundry?"

"Oo. So? Gusto mo maghagdan ka. 30 floors to."

"Ha? Grabe ka naman... Sisiguraduhin kong wala akong kasabay kapag sasakay ako ng elevator. Kahit sayo hindi ako sasabay."

"Ang arte mo! Dugyot naman itsura mo eh. Basta siguraduhin mong hindi tayo mahuhuli sa elevator ha!"

"Opo, Princess Lu!"

"I hate it when you call me that. It's like an insult."

"Bakit naman insult? E yun naman talaga ang tawag sayo ng mga tao?"

My Secret BrideWhere stories live. Discover now